Chapter 23

1K 50 3
                                    

Chapter 23: Ghost Again

NILUWA sa mahamog at madilim na paligid si Elaine. Marami ritong makikitang nagtataasang puno na wala namang makikitang dahon o bunga. Napakapatag ng kalupaan dito at walang makikitang nabubuhay na nilalang. May mga ilang puting lumulutang sa hangin na ang balahibo mo'y kusang tatataas kapag ito'y pinagmasdan at mahina pa itong nagtatawanan o umiiyak. Nakakatkot kung ito'y iisipin ngunit para kay Elaine na isa ng kaluluwa, wala na ito sa kanya.

Teka! Alam ko ang lugar na ito ha?! Sa isip-isip ni Elaine habang nakakunot ang noo niya.

"Ikaw na naman?"

Lumingon si Elaine sa nagsalita at nakita ang babaeng multo noon. Ito ang nakausap niya noong unang dating niya sa mundong ito.

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko sumapi ka na?" dagdag pa nito.

Bago sagutin ni Elaine ang tanong, tiningnan niya muna ang kanyang mga palad at nakitang namumuti at lumiliwanag ito. Pinalibot niya ng tingin ang paligid bago muling tumingin sa babaeng multo.

"Nasa Spirit Woodland na naman ako, hindi ba?" tanong niya.

"Oo at ikaw si Elaine, hindi ba?"

"Oo."

"Paano ka nakapunta rito? Akala ko'y nakasapi ka na?"

"Hindi ko rin alam. Basta noong nahiwalay ako sa sinapian kong katawan, hinigop ako ng misteryosong butas na mala black hole at napunta rito," mabilis na sagot ni Elaine.

Lumapit pa lalo ang babaeng multo kay Elaine at hinawakan ang baba niya na animo'y nag-iisip. "Nanghihigop na butas? Hmm. . . marami ring multong nagsasabi sa 'kin ng ganyan. Kapag kasi nahiwalay ang kaluluwa ng tao sa katawan nila, agad silang napupunta rito kaya wala kang makikitang hunted house o nagpaparamdam na ligaw na kaluluwa sa paligid. Mukhang dito ang diretso nila at gano'n ang nangyari sa 'yo."

Kumunot-noo si Elaine at kinausap ang sarili sa isipan, kung gano'n, totoo nga ang ginawa sa 'kin ni Emperor Lunar? Ang skill niya ang nagpahiwalay sa kaluluwa't katawan ko.

"Anong gagawin ko? Nasa kapahamakan ang katawang sinapian ko," naguguluhang usal ni Elaine.

"Bakit anong nangyari?" nagpa-panic na tanong ng babaeng multo.

"Baka kung ano na ang ginawa ng emperor sa katawan ko!"

Ikiniling ng babaeng multo ang kanyang ulo habang nakakunot ang noo. "Huh? Emperor?"

"Oo. Gusto niya akong patayin pero bago 'yon, nag-cast siya sa 'kin ng spell na napakadilim tapos. . ." Ang mga sumunod na salita ay hindi na maintindihan ng babaeng multo dahil sa bilis ng pagbigkas ni Elaine.

"Teka, teka, teka. . . teka! Kalma!" reklamo ng babaeng multo at hinawakan niya si Elaine sa magkabilang balikat. Natigil ito sa pagsasalita, kumalma, at tumingin sa kanya. "Ano ba talaga ang nangyari sa 'yo?"

Huminga muna ng malalim si Elaine at sumagot,  "Kailangan kong makaalis ngayon na! Kapag hindi ako nakabalik sa katawan ko, baka kung anong mangyaring masama."

Napakamot na lang sa ulo ang babaeng multo. "Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita ulit. . ."

"Salamat!" mabilis na sagot ni Elaine.

"Ngunit paano?" Napakamot sa ulo ang babaeng multo.

Natahimik ang dalawa at hindi nagkibuan. Animo'y lumutang ang kanilang mga isipan sa huling saad ng babaeng multo.

"Wala bang daan palabas dito sa Spirit Woodland?" tanong ni Elaine.

"Sinabi ko noon na lahat ng mga kaluluwa sa South-West Land ay nata-trap dito," sagot ng babaeng multo.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon