Chapter 44

707 31 0
                                    

Chapter 44: Woman in Dreams

SA NAYON ng Liryong Lampara, ang lahat ay naghanda ng maraming masasarap na ulam pang-umagahan dahil ito ang huling araw na makakasama nila si Emmanuel. Ang lahat ng residente ay nagtipon-tipon sa gitna ng bayan na kung saan ginaganap ang bonfire. Ngunit ang nasa gitna nila ngayon ay hindi apoy, kung hindi ang kulungan nila Guillermo.

Kasalukuyang nakaupo si Emmanuel sa isang troso katabi si Elaine at Cielle. Nasa tapat nila ngayon sila Zyaniah, Zianelle, at ang ina nitong si Kriselya. Umupo rin sa tabi nila ang kararating lang na si Pinunong Sol at Kriselda.

"Kayo 'yong mga pamangkin ni Pinunong Sol, hindi ba?" masiglang tanong ni Kriselda.

Nagkatinginan sila Elaine at Cielle. Hindi na nila ito nasagot dahil lumingon si Elaine noong maramdamang nakatingin sa kanya si Emmanuel. Hindi nga ito nagkamali dahil takang nakatingin ito sa kanya. Sinasabi ng mga mata ng binata na hindi nito alam ang tungkol sa 'pamangkin'.

"Oo. Sila si Ella(El-la) at Elle(El-le)," pagpapakilala ni Pinunong Sol.

Ngumiti naman sila Cielle at Elaine kay Kriselda na nagpakilala rin sa kanyang pamilya.

"Siya nga pala. Ito naman ang mga pamangkin ko na sila Zyaniah at Zianelle. Siya naman si Kriselya, ang kanilang ina."

"Nice meeting you po," nakangiting saad ni Elaine at napatingin sa dalawang bata na nakatitig sa kanya.

"Ikaw iyong nasa panaginip ko," biglang sambit ni Zyaniah na ikinatingin nilang lahat kay Elaine.

"A-ako? N-nagkakamali ka yata," kabadong tugon ni Elaine. Natatandaan niya pa pala iyon, sa isip-isip niya.

Biglang binuhat ni Kriselya si Zyaniah at mapait na ngumiti kay Elaine.

"Pagpasensyahan niyo na ang anak ko. Minsan ganito talaga siya," nahihiya nitong paumanhin. 

"Okay lang po." Napakamot na lamang si Elaine sa kanyang batok. Pagkatapos ay lihim siyang napatingin kay Kriselda na hindi na makikita sa katawan nito na may nararamdaman itong sakit. Gumawi siya kay Pinunong Sol na ngumiti lang sa kanya.

Gumawi naman siya kay Zianelle na hindi niya inaasahang nakatitig ito sa katabi niya. Sinundan niya ito ng tingin at nakitang nakatitig ito kay Emmanuel.

"Ang gwapo niya. . ." mahinhing sambit ng bata.

Napakamot na lang din sa ulo si Emmanuel.

Agad na binuhat ni Kriselda si Zianelle. "Pagpasensyahan niyo na ang mga pamangkin ko, ganito talaga sila simula noong nagising sila."

Napatingin si Elaine, Pinunong Sol, at Emmanuel kay Cielle.

"Bakit?!" takang tanong ni Cielle.

Mahina na lamang natawa ang tatlo na mas lalong kinagulo ni Cielle.

Nagpaalam na ang mag-ina't magtita sa kanila at nagsimula nang kumain ang lahat.

Ang hapagkainan ay may iba't ibang klase ng lutong pinakuluan tulad ng kamote at saging na saba. Nagsilbing plato nila ang dahon ng saging at naging kutsara't tinidor ang mga kamay, at mga ulam na pinagsaluhan at tubig na may halong pinigang prutas.

Napatitig si Elaine sa hapagkainan.

Nasa ibang mundo ako ngunit bakit daladala pa rin rito ang kultura pagdating sa mga pagkain? Sa isip-isip niya.

Hindi niya na lamang ito pinansin dahil kumulo na ang kanyang tiyan. Nang magsimula ang kainan, agad nang nilamutak ang mga pagkain.

Habang sila'y kumakain, tumabi sa kanila si Josefina at ang anak nitong si Serena na nasa maayos na ang kalagayan, ngunit may benda pa rin ito sa dibdib.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now