Chapter 36

824 45 2
                                    

Chapter 36: The Unborn Child

ANG ISA sa pinakamalaking sementeryo ng Anastasia Kingdom ay ang Liryo Lampara Cemetery. Halos kalahati ng namayapa sa kaharian ay narito kaya kayod sa pagtatrabaho ang kalapit nitong mga nayon; Sa pagtinda ng kandila, bulaklak at pagkain, pagbayad sa pag-ayos ng mga lapida't nitso, paglinis ng kapaligiran, at siguridad. Lalo na't pangalawa na ito sa tatlong araw ng paggunita ng All souls Day. Ang pangalawang araw ang siyang pagbisita ng karamihan papunta sa mga namayapa nilang mahal sa buhay. Lahat sa mga bumisita ay mula sa mga mahihirap na nayon sa gilid ng kaharian.

Sumapit ang takip-silim at ang mga ilaw sa sementeryo ay makulay, na kayang tapatan ang malungkot na lugar. Bago pumasok, may mga makikita sa labas na establisyemento na nagtitinda ng mga pagkain o iba pang kailangan sa pagbisita. Isa na rito ay ang mga kandila.

"Pabili po, kandila," saad ng isang aleng nakahinto sa isang tindahan.

Nasa harapan niya ang isang matanda at dalawang dalagang napakaganda. Itim ang kanilang buhok at ang kanilang mukha ay halos magkapareha, walang dudang sila ay magkapatid na maganda ang naging lahi.

"Ilan po?" tanong ng tinderang matanda.

"Dalawa po."

Agad na nagbalot ang isa sa magkapatid. Habang nangyayari iyon, tumingin ang ale sa matanda.

"Magkambal?" tanong niya.

"Ah. . . oo," nakangiting tugon ng matanda.

Ang dalawang magkakambal ay sila Elaine at Cielle ngunit dahil sa mahika ni Pinunong Sol na pagbalat kayo, iniba niya ang kulay ng buhok nila.

Inabot ng matanda ang biniling kandila at agad na umalis ang bumili. Napaupo sa upuang kahoy si Cielle at pumahalumbabang tumingin sa maraming taong nagdadatingan.

"Akala ko naman makakapaggala ako. Magtitinda lang pala ako," aniya.

"Hindi kayo maaaring umalis sa tabi ko. Lalo na't kakaiba ang mahikang nasa loob mo. Baka may ibang magic sense user na magtaka sa 'yo," saad ng matandang si Pinunong Sol.

"Gezz. . ." Sumimangot ang mukha ni Cielle habang kinakalikot ang panindang kandila.

Nagkatinginan naman sila Elaine at Pinunong Sol.

"Nilagyan mo ba ng maliit na anti-magic barrier ang tindahang ito?" tanong ni Elaine at tumingin sa itaas.

"Oo. . ." Kumunot noo ang matanda, "Paano mo nalaman iyon? Hindi pa natin iyon napag-aaralan ng mabuti."

"Hindi ko alam kung paanong nangyari ngunit may maliit akong nararamdamang kakaibang sensasyon sa paligid ng tindahan natin. Iyon siguro ang Anti-Magic Barrier," paliwanag ni Elaine.

"Tama ka. Dahil ang anti-magic barrier na malawak ay hanggang sa labas lamang ng sementeryo. Hindi na abot sa pwesto natin ngayon," paliwanag ng matanda. Isa rin siyang magic sense user, isa iyong magandang balita na kailangan niya pang sanayin, sa isip-isip naman niya.

"Supreme Elaine?" tawag niya nang makitang nagmumuni-muni ang dalaga sa paligid. Lumingon naman ito na may pagtaas ng kilay. "Bukas, magsasanay kang mahasa ang magic sense mo."

"Kaya kong matutunan ang magic sense?"

"Oo."

Ang tamad na si Cielle ay biglang sumigla sa dalawa.

"Kaya ko rin bang matutunan 'yan?" tanong ni Cielle at gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"Bakit? Nararamdaman mo rin ba ang barrier?" tanong ni Elaine.

"Oo pero kaunti lang."

"Oo nga pala. Isa kang guar—" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Elaine nang biglang takpan ni Pinunong Sol ang kanyang bibig. Agad naman itong tinanggal ng matanda.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now