Chapter 52

698 34 0
                                    

Chapter 52: Monstrous

BINIGYAN ang mga nanalong kupunan ng tatlumpung minuto para makapagpahinga. Kanya-kanya silang nasa pribadong silid para makapagpahinga.

Dalawang match na lang ang magaganap sa araw na ito; Demi-human vs Olga, at kung sino ang mananalo sa kanilang dalawa ang siyang haharap sa Boris Kingdom. Ang mga natalo nama'y umuwing luhaan. Ang Frederica ay mabilis na nilasan ang lugar, at nanatili pa rin ang Star-Dust Kingdom at Harald Kingdom upang masaksihan ang labanan ng mga tumalo sa kanila. Ang Harold Kingdom naman ay tahimik na nilisan ang lugar dahil sa pagtakas sa eskandalong nangyari sa kanila. Hindi rin nila kayang harapin ang ibang mga kaharian dahil sa pagkahiya. Matatakasan niya ngayon ang lahat ngunit nakatatak na sa buong South-West Land ang hindi kanais-nais niyang ginawa.

"Paano kaya haharapin ni Julyo ang katangahan niya?" natatawang sambit ni Haruna sa kanyang mga kalahok.

Kasalukuyang nakaupo sa malambot na sofa ang mga kalahok ni Princess Haruna sa pribadong silid. Nakatayo lang ito at pinagmamasdan niya lang ang mga kasamahan.

"Bakit mo pa nilathala ang ginawa nila?" saad naman ni Spade na ginawang unan ang mga palad sa paghiga sa likod ng sofa.

"Para maranasan naman nilang mapahiya," sagot ni Haruna at ang mukha niyang masaya ay biglang naging seryoso. Hinawakan nito ang kanang tenga at narinig ang boses ni Pinunong Sol. Tumango-tango ito habang pinapaliwanag ni Pinunong Sol ang tungkol sa plano. Mayamaya'y tinanggal niya ang pagkakahawak sa tenga at humarap sa mga kalahok na nakikinig sa kanya.

"Nalaman ko na kung nasaan nakatago ang pamilyang Suarez at kung para saan ang bracelet."

Biglang napatayo sila Heart at Ace.

"Kung gano'n, tara na!" sambit ni Ace at hinatak si Heart paalis ngunit pinigilan sila ni Haruna gamit ang sinambit nito.

"Hindi maaari dahil ikakapahamak ng pamilya Suarez ang pagpunta natin sa kanila ng walang plano."

Nagkatitigan sila Heart at Ace, at humiwalay ng tingin bago muling umupo.

Mahinang umubo si Haruna upang makuha niya ang atensyon ng iba.

"Gaya nga ng sabi ko, ang pamilyang Suarez ay nasa Mount Olimpus at nakatago sa isang silid na binabantayan ng ilang tauhan ni Lunar. Hindi sila pwedeng gumawa ng maling hakbang dahil buhay ang kapalit, dito na papasok ang tungkol sa bracelet. Ang bracelet nila ay ginawa ng isang Metal at Dark mage. Ang tawag dito ay Black Cuff na sa looban ay may mana ng dark magic ni Lunar. Gumagana ito sa pamamagitan ng mahika ni Lunar at tutusok ang dark magic sa balat ng biktima. Gagapang pa ito sa buong katawan habang unti-unting sinisira nito ang kalamnan."

Napayukom sa galit si Heart at nagtiim-bagang naman si Ace.

"Paano matatanggal ang black cuff?" tanong ni Alaric.

"Ang gumawa nito ang siya lamang makatatanggal nito," sagot ni Haruna.

Napangisi ang kapitan at tumugon, "Kung gano'n, kailangan lang natin mapabagsak si Lunar. Ang lahat ng nangyayari ay naaayon sa plano."

Tumango si Haruna bilang pangsang-ayon. "Bago 'yon, kailangan niyo munang malagpasan ang mga makakalaban niyo. Kailangan niyong mag-ingat ngayon dahil hindi basta-basta ang susunod niyong makakaharap," babala niya at tumingin sa hologram na pinapagana ng kristal, "Ingatan niyo si Aluma. Nakababata siyang kapatid ni Vladimir na bihasa sa paggamit ng Fire magic mula kay Prometheus. Kilala din siya sa tawag na Aluma, The Monstrous. . . alam kong may tiwala ako sa inyo ngunit kailangan niyong mag-ingat."

Natahimik ang silid at pinagmasdan nila ang hologram ng reply sa labanan ng Demi-Hunter at Harald Kingdom. Kitang-kita niya na mas mabilis pa ang galaw ni Aluma kaysa sa mga wind mage ng kalaban nito.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now