Chapter 7

2.4K 89 0
                                    

Chapter 7: Taking the Greatest Knight

LUMIPAS ang ilang araw na puno ng saya ang pamilyang Suarez; gigising sa umaga para mag-araro, magpapahingang sama-sama sa kubo habang nagkukwentuhan, at puno ng kulitan sa tuwing sasapit ang gabi. Walang araw na hindi ngumiti o tumawa si Elaine sa kanyang pamilya. Mas lalo pang sumigla ang tahanan noong umuwi si Joziah. Hindi na nga pumasok sa kanilang isipan na si Elaine ay nagka-amnesia at ang pagkabahala ni Elaine kay Diego. Natabunan na ito ng masasayang alaala.

"Hindi na mahinhin si ate ngayon. Isipin niyo, nagsisinungaling na siya ngayon oh!" natatawang sambit ni Esang.

Sabado ng hapon at nasa ilalim sila ngayon ng kubo. Kakatapos lamang nila mag-araro at sila'y nagpapahinga na.

"Huh?! Hindi ako nagsisinungaling!" singhal ni Elaine at kumuha ng isang lutong hita ng manok at kinain.

"Weh?! Gabi-gabi ko ngang naririnig na humihilik ka!"

Napatigil si Elaine kasabay nang pagkabulunan nito. Agad siyang binigyan ng tubig ni Joziah na agad naman niyang ininom. Nang makahinga ng maluwag, dinepensahan niya ang sarili, "Tahimik ako matulog!"

"Ibang-iba sa dating Ate Elaine na kilala ko," natatawang giit ni Esang ngunit bigla siyang napangiti. "Pero mas maganda ang ugali mo, kung para noon na madaldal na hindi matigil ang bibig sa pagsabi ng nasa isip niya."

Bumalik na lamang sa pagkain si Elaine at muli niyang narinig ang pagkwento ni Esang tungkol sa mga hindi kaaya-ayang naranasan nito sa kanya. Sawang-sawa niya ng marinig ang dating si Elaine Suarez, na isa itong madaldal na tao at technical ang mga salita tungkol sa paglalakbay nito. Mahinhin itong dalaga at puro pagsusulat ang inaatupag sa mga magagandang nangyayari sa kanya. Ang pagsalaysay ng kanyang kapatid sa nakaraan niya ay tinatatak niya sa isipan para ma-apply niya sa kanyang ugali, subalit hindi maiiwasan ang pagsibol ng totoo niyang ugaling palaban.

Lihim siyang ngumiti habang umiinom at pinagmasdan ang pamilya niyang abala nakikinig kay Esang.

Sapat na ang halos isang linggong araw para makilala niya ng lubusan ang pamilya Suarez. Unang-una si Esang na palatawa at lagi kang bibiktimahin sa kalokohan niya. Namamatok din ito o hindi kaya nanghahampas sa ulo kapag 'trip' niya lang. Ngunit kahit gano'n, madali siyang pakisamahan at lagi kang sasaya sa kanya.

Si Jacobe naman ay makulit at masiglang bata. Mula ulo hanggang paa ay punong-puno ng positibong pananaw sa buhay. Hindi mo makikitaan ng lungkot sa mukha at laging makikisabay sa kalokohan ng kanyang Ate Esang.

Si Joziah naman ay kalmadong kapatid at ituturing kang prinsesa. Sumasabay lamang ang kanyang emosyon sa paligid. Kapag masaya, siya'y sumasaya rin. Kapag tahimik, siya'y seseryoso, at kapag malungkot, bibigyan ka niya ng pampaganang salita. Tunay ngang siya ang panganay ng pamilya.

Si Duardo naman ay pinagsamang ugali ni Esang at Jacobe at si Helena naman ay pinagsamang ugali ni Esang at Joziah.

Ang dating ugali naman ni Elaine ay isa itong madaldal na dilag at hindi marunong magsinungaling. Babaeng-babae ang pustura at pinapanatili ang pagkatindig sa kanyang pinaniniwalaan. Mahilig itong maglakbay, magbasa, at magsulat tungkol sa kanyang paglalakbay. Kaya nga sila ni Joziah ay iniwan ang kanilang nayon upang simulan ang kanilang layunin at hangarin. Nag-iba lang ang ihip ng hangin sa gustong pangarap ni Joziah. Hindi nito nais na maging knight, napilitan lamang siya sa iba pang rason.

Kinagabihan at nagsimula na naman silang maglaro ng bato-bato pick. Apat silang kalahok na magkakapatid at nakaupo sila sa sahig ng sala. May maliit na mesa sa kanilang gitna at may itim na pulbos na nakapatong sa puting papel.

Malawak na ngumiti si Elaine sa kanyang mga kapatid na nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Para saan 'yan?" tanong ni Esang na nakaturo sa itim na pulbos.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon