Chapter 48

757 34 0
                                    

Chapter 48: Behind Smile

NOONG matapos ang exhibition, walang narinig na ingay o anumang diskusyon sa pag-alis ng grupo ni Princess Haruna. Ang laman ng bawt isipan nila ay ang pinakitang kagalingan ng isang kaharian. May iba na sinawalang bahala ito dahil ang dalawang kaharian ay nasa dulo ng ranggo kaya tinuturing nila itong mahina sa labanan.

Nakauwi ang sila Haruna sa pamamagitan ng teleportation ni Karlo. Sinalubong sila ng iba pang kamyembro ngunit hindi inaasaha ni Haruna na kasama si Haruno sa naghihintay.

"Anong sadya mo, ama?" bungad na tanong ni Haruna habang tinatanggal ang suot niyang maskara. Nakapikit pa rin ito ngunit sapat na ang malakas niyang pandama para maramdaman ang mga taong nasa paligid niya.

"Kailangan ko lang ng detalye sa nangyaring pagpupulong. Dahil isa ako sa mga—"

"Kailangan ko rin unahing ibalita ito sa aking mga kalahok. Maaari bang ipagpaliban muna iyan?" sulpot ng prinsesa.

Bahagyang nagulat ang hari ngunit yumuko na lamang ito bilang sagot at umalis.

Nasaksihan ng ilan ang superyor na trato ng hari sa prinsesa. Hindi nila iyon inaasahan kahit na ibinalita nang prinsesa na ito ang may karapatan sa trono at hindi ang kanyang ama.

Huminga ng malalim ang prinsesa bago humarap sa limang kalahok. Nasa kanang gilid niya si Karlo at nasa kaliwa naman sila Cielle at Pinunong Sol upang alalayan ito.

Nang magsimula ang kanilang pagpupulong, walang naglakas ng loob magsalita maliban sa prinsesa dahil detelyado niya itong nilathala sa kanila. Natapos ang pagpupulong at naiwang magkausap sila Captain Alaric, Pinunong Sol, at ang prinsesa. Ang iba ay pumunta sa kwarto upang magpahinga. Hiwalay ang kwarto ng lalake sa babae kaya magkasama ngayon sa iisang silid sila Elaine at Ruby.

Nakangiting nagpapalit ng suot si Elaine. Nakatapat siya sa isang drawer at humarap sa salamin upang makita ng maayos ang kanyang sarili. Agad siyang tumalon sa kama upang mahiga at ito'y kalapit na kama ni Ruby. Pumikit siya at bumuntong hininga nang maramdaman ang ginhawa sa buong buwan na puno ng pagsasanay.

"Sa wakas! Nakahiga rin sa malambot na kama," masaya niyang sambit at rumolyo para tumapat kay Ruby. "Ano na palang balita sa inyo?"

Nawala ang ngiti sa labi ni Elaine at napalitan ng pagtataka. Nakita niya kasing malungkot ang kasama at bahagyang nakayuko. Animo'y wala siyang pakiramdam dahil kahit ang presenya niya ay hindi ito napansin.

"Okay ka lang?" muling tanong ni Elaine.

Bahagyang nagulat si Ruby at nahihiyang kinamot ang batok.

"Oo," sagot nito at ngumiti.

Muling pinagmasdan ni Elaine ang nakangiting si Ruby bago pumikit. Iyong ngiti niya. Hindi masaya ang dating, kung hindi'y pait. Ano ka 'yang nangyari sa kanya noong wala ako rito? Sa isip-isip niya.

Hinayaan na lamang ni Elaine si Ruby dahil kinain na ito ng antok.

Nang magising, bumungad agad kay Elaine si Captain Alaric para sa magsanay. Kasama niya ang tatlo pang kalahok. Sila Pinunong Sol na kasama si Princess Haruna ay ang magsasanay sa kanila. Si Cielle naman ay nakaupo sa gilid para manood sa magaganap.

"Dahil sa anti-magic barrier na nilikha ni Sol, wala na tayong ikakabahala sa pagmamasid ni Meralda sa atin at sa mga taong gustong tangkaing kumuha ng impormasyon. Ang kailangan natin ay ang pagpapalakas ng inyong loob at mahika sa tournament. Ngayon na kumpleto na tayo, mas hihirap pa ang pagsasanay. Maliwanag ba?"

"Opo!" sabay-sabay na sigaw ng mga kalahok.

Tumingin si Princess Haruna kay Elaine. "Supreme Elaine. Hindi mo maaaring magamit ang iba pang mahika bukod sa iyong wind magic kapag tayo'y nagsasanay ng nakagrupo. Maliwanag ba?"

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now