Chapter 22

1K 44 1
                                    

Chapter 22: Between the Strongest

SA PALASYO ng Anastasia Kingdom, nasa isang ginintuang silid si Lunar. Nakaupo ito habang nakamasid si Elaine na malambot ang katawan at walang malay na nakayuko sa sahig. Nakalaylay ang mga kamay nito at mahimbing na natutulog. Pinagmasdan niya ang dalaga at napapangisi. Mahina siyang natawa at kinuha ang tsaa nito na hindi naubos. Hinigop niya ito habang masayang nakatingin sa dalaga. Kung tutuusin, kaya niya itong tapusin ngunit may iba pa siyang plano na mas lalong magpapasaya sa kanya.

Natigil sa paghigop ng tsaa si Lunar nang lumitaw sa gilid niya sila Mikhail, Kloro, at Meralda. Binaba niya ang tasa sa lamesa kasabay nang pagtingin niya sa kanila. Napansin niya ang ilang dumi sa kanilang katawan kaya siya'y ngumisi.

"Kumusta naman ang pagharap sa dati kong kaibigan?" tanong niya. Sinamaan siya ng tingin ni Mikhail habang sila'y naglalakad papunta sa kanya.

"Hindi mo sinabing kaya niyang gumamit ng mahika ng tikom ang bibig!" reklamo ni Mikhail.

"Mamaya ka na magreklamo dahil ang Sleep Spell ni Meralda ay hindi gano'n kalakas," kalmadong sagot ni Lunar.

"What do you mean?"

Hindi sinagot ni Lunar si Mikhail dahil lumitaw sa gilid nila sila Alaric, Haruna, at Karlo. Mabilis na lumingin si Mikhail at ito na ang naging sagot sa tanong niya.

Agad na hinahanap ni Alaric si Elaine at nanlaki ang mga nata niya nang makita niya itong nakayukong nakaupo sa tapat ni Lunar. Mas lalo pa siyang nangamba noong wala siyang maramadaman sa magic sense na kahit katiting na mana sa katawan nito. Awtomatikong yumukom ang kanyang mga kamao at seryosong tumingin kay Lunar na nakangiting umiinom ng tsaa.

"Anong ginawa mo kay Elaine?" singhal ni Alaric. Ang mukha niya'y nakakalma ngunit lumalakas sa katawan niya ang umaapaw na mana.

Natigil sa pag-inom si Lunar dahil na rin ubos na ito. Binaba niya ang tasa kasabay nang pagsulyap niya kay Kloro. Agad namang nalaman ni Kloro ang pahiwatig niya kaya lumapit ito sa kanya at hinawakan sa balikat.

"Nasa ilalim siya ng aking mahika. Kung hindi siya magigising sa loob ng pitong araw, hindi na siya muling magigising pa," nakangising lathala ni Lunar.

"Lunar!" angil ni Haruna na ikinatingin ng emperor sa kanya. Ngisi lamang ang binigay nito sa kanya na lalong ikinainit ng ulo niya. "Hindi mo pwedeng gawin 'to dahil kasama sa pagbalanse ng mundo ang Supreme Spirit. Alam mo 'yan dahil ang ama mo'y isa ring Supre⁠—"

"Tahimik," maikling saad ni Lunar at sinamaan ng tingin si Haruna.

Napaatras ng kaunti si Haruna nang maramdaman ang awra ni Lunar, animo'y ang paligid nito ay kadugtong ng kadiliman.

"Huwag mong babanggitin ang tungkol sa ama ko," dagdag pa nito.

"Hindi kami narito para makipag-usap sa inyo. Ibalik niyo sa amin si Elaine," seryosong sambit ni Alaric.

"Paano kung ayaw ko?" nakangising sagot ni Lunar habang nakatutok ang mga mata sa kapitan. "Anong gagawin mo?"

Ang ibang tao sa silid ay animo'y nasasakal sa malakas na awra ng isang yelo at kadiliman. Walang gustong gumalaw dahil mismong katawan na nila ang nagbababala na huwag makisali sa kanila.

Natahimik sila Lunar at Alaric, at tanging tingin lamang ang kanilang binabato sa isa't isa. Habang nangyayari iyon ay siya namang bulong ni Haruna kay Karlo sa plano nila.

Unang lumihis ng tingin si Lunar at galanteng tumayo sa tabing upuan ni Elaine. Dahan-dahan itong umabante habang nagsasalita, "Naranasan mo na ang makatulog sa mahika ko hindi ba, Alaric? Alam mong kapag natalo mo ako't napabagsak, mawawala ang mahika sa katawan ni Elaine." Ngumiti siya sa kapitan upang mas lalo pa itong mag-udyok sa kanya. Hindi nga ito nagkamali dahil nakita niyang yumukom ang mga kamay nito.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon