CHAPTER 32

392 11 2
                                    

This chapter is dedicated to: PusongSawi389 thank you po sa palaging paghihintay at sa walang sawang pagbasa.

KREUS' POV

“No, you're not going anywhere, Jellyca! Hindi ka aalis!” I command kahit hindi ko naman alam ang rason kung bakit bawal siyang palabasin ngayong araw. Hindi naman nasabi sa akin ni Zyria.

“Lalabas ako, Kreus. Marami akong kailangang asikasuhin sa pag-alis ko. P'wede ba kahit ngayon lang h'wag niyo 'kong guluhin?”

“Hindi kita ginugulo, Jellyca. H'wag ka lang lumabas, please. Aalis ka na bukas, can yo u please spend your last time with me? I wanna be with you for the last fucking time!” I said. Yes, I'm begging again and this is not the first time.

Tila natahimik naman siya sa pakiusap ko. I know she love me, alam kong nasasaktan siya, alam kong nasaktan ko siya. I can't wait to make everything clear. Kapag maayos na ang lahat pina-pangako ko wala ng ganitong mangyayari ulit. Hindi na siya masasaktan, wala ng masasaktan. Habang nakatingin ako sa mga mata niya ngayon parang tinutusok ang puso ko. Sounds dramatic but that's how I feel. Hindi ako sanay na tingin niya ngayon. Nasanay ako sa Jellyca na malambing ang tingin sa akin.

You made her like that, Kreus!

“Kreus, paalisin mo na siya. Gusto niyang umalis, oh.” There she is again. Pinukol ko siya ng masamang tingin.

“Can you please shut up and never suggest your stupid idea again, Athena? Why are you so eager to push her out in this room? May gagawin ka ba sa kaniya sa labas?” Inis na tanong ko rito. I really don't trust this woman. I know she has something.

“At talagang naghihinila ka sa akin, Kreus? Bakit ko naman siya sasaktan? Ako nga 'yong nasasaktan dito! Ako 'yong buntis dito pero nanlilimos ng atensyon sa'yo!” I hate drama so please, stop her.

“Tsss...” Ayan lang ang nasabi ko sa sinabi niya.

“Ganiyan ka ba talaga kagalit sa akin, Kreus?” She asked while sobbing.

“What if I say yes, mananahimik ka na ba?” Because I really hate you! You ruined everything! You ruined my life!

Umiling siya habang pinupunasan ang luha sa mga mata niya. “B-Bakit? D-Dahil nabuntis mo ako? Hindi ko naman 'to ginusto, Kreus! Kung p'wede ko lang ipalaglag ang bata! Kung p'wede lang! Kung hindi lang krimen ang ipalaglag ang batang ito! Hindi ako magda-dalawang isip gawin iyon!” She said dramatically. Stop me or else I will punch this woman!

In-erapan ko na lamang siya at hindi pinansin. Tumingin ako kay Jellyca na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata niya pero makakaramdam ako ng galit at pagkamuhi. Galit siya sa akin? Kinamumuhian niya ako? Kung sabagay, masyadong malaki ang naging kasalanan ko sa kaniya.

“A-Ah... A-Aray! K-Kreus, s-sumasakit ang tiyan ako, a-ah!” Daing nito habang hawak-hawak ang tiyan niya.

“Are you trying to get my attention again?” May halong inis na tanong ko na sa kaniya. Naiinis na ako sa pagiging drama queen niya.

“N-No! M-Masakit talaga, please....” She said while in pain.

Lumapit ako sa kaniya at inalalayan siya. Ayaw ko namang masisi dahil sa pagkalaglag ng batang ito. Inalalayan ko siya hanggang sa maka-upo sa sofa. She's holding her tummy while rubbing it. Ako nga ba talaga ang ama ng batang ito? What if ako nga? Anong gagawin ko? Come on, Kreus there's no time for overthink! You have to focus on your Jellyca and speaking of...

Holy shit!

Napatayo ako at hinahilap ng dalawang mata ko ang prisensya ni Jellyca. Tinignan ko ang loob ng kuwarto niya. Wala siya! Shit! Ang ganito ba talaga ang mga babae kapag galit? Damn! Pumasok ako sa kuwarto ko sabay kinuha ang susi ng motor ko. Kailangan ko siyang sundan dahil baka may mangyaring masama sa kaniya. Ang sabi sa akin ni Blake h'wag ko siyang palalabasin. That woman!

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Where stories live. Discover now