CHAPTER 15

484 15 0
                                    

JELLYCA'S POV

Weekends ngayon at napag-desisyonan namin ni Bryle na mag-friend dinner date. Ayoko talaga pumayag noong una dahil lalabas pa rin siya na date at kahit baliktarin mo pa ang earth, date pa rin siya. 'Yon nga lang sobrang pilit niya. Kahit anong gawin kong tanggi talaga pinipilit niya na mag-date na daw kami. Ayoko naman mag-mukhang masama sa tao kaya pumayag na ako. Isa pa, first time ko pa lang mararanasan na makipag-date. No boyfriend since birth ako kahit may mga nanligaw sa akin noong nasa probinsya pa kami.

Strict ang parents ko lalo na si tatay. Walang manliligaw ang tumagal sa akin dahil sa kan'ya. Masyadong matabi ang bunganga niya at literal na walang preno kung mag-salita. Naalala ko, may isa akong manliligaw dati na mayaman siya. His family is famous dahil may malaki silang taniman ng mga palay. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ng lalaking 'yon kaya niligawan niya ako pero after one week tumigil din siya. At alam niyo ba kung anong rason? Sinabihan lang naman siya ni papa ng;

Hindi ka nararapat para sa anak ko at hindi rin siya nararapat para sayo, iho. Ang kagaya mo walang kakayanang ipagtanggol siya sa harap ng magulang mo oras na nilalait na siya.

Unang bungad pa lang ng words ni papa talagang direct, eh. Si mama naman magaling mangilatis ng mga lalaki. Alam niya kung sinong manloloko, sino ang lolokohin ka lang at may habol lang talaga sayo. Para sa akin, wala pang nakakaligtas sa mga hula ni mama. Kadalasang hula niya tungkol sa mga lalaking nanligaw sa akin, eh tama.

"Ah, Kreus..." Mahinang tawag ko sa kan'ya. Kasalukuyan siyang nakaharap sa TV ngayon at nanonood ng action movie.

"Ano?" Walang lingon na tanong niya. Talagang tutok na tutok siya sa pinapanood niya.

"Magpa-paalam lang sana ako," dalawang sunod akong lumunok. Kinakabahan akong mag-paalam sa kan'ya.

"Saan punta?" Halata ang pagka-bored sa boses niya.

"Ano..." Shit! Paano ko ba sasabihin sa kan'ya?! "M-May ano lang.... may ano...." kalma self, kalma.

Lumingon siya sa akin ng kunot na kunot ang noo. "Ano?"

"May ano kasi---"

He cut me off. "Puro ka ano! Ano ba 'yang ano na 'yan?! Ako a-ano sayo mamaya tignan mo!" May halong inis na sabi niya.

"Magpa-paalam kasi ako may.... may friendly date kami ni Bryle," humina ang boses ko sa parteng pangalan ni Bryle. Naalala niyo naman na sinabi niyang ayaw na daw niyang makita ang pagmu-mukha ni Bryle.

Mabilis pa kay Flash na nagbago ang aura niya. He gazed at me seriously. Gumagalaw ang panga niya na hindi ko maintindihan kung bakit pero iba ang pag-galaw nito. Nakakatakot, nakaka-kaba, nakaka-nerbyos. Pakiramdam ko'y nawawalan na ako ng dugo sa sobrang kaba.

"A what?" Pag-uulit na tanong niya.

"Friendly dinner date," mahinang sagot ko habang nakayuko. I don't want to look at him. He's making me nervous, damn!

"A friendly dinner date, huh?" He hissed. "I am not stupid, young girl. Alam ko ang pinagkaiba ng FRIEND sa MORE THAN FRIENDS, instead of preparing for that stupid date, why don't you just clean the house and do your household task?"

"Pero tapos ko nama-"

"You are not going anywhere, understand?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Minsan lang nama-"

"Minsan lang din kitang ika-kama kapag hindi ka nanahimik!" This time tumaas na ang boses niya. Napapitlag ako ng dahil sa gulat.

Ito 'yong first time na tinaasan niya ako ng boses. Sanay kasi ako sa boses niyang palagi na lang bored kapag kausap ako and I didn't expect na tataasan niya ako ng boses just because of what I asked.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Where stories live. Discover now