CHAPTER 10

538 19 0
                                    

JELLYCA'S POV

AYOKOOO NAAAAAA!!!

Kanina pa ako na-i-stress sa sinasagutan ko! Kanina ko pa iniisip kung anong isasagot ko sa question na 'to, huhu.

"Bwiset! Paano ka ba kasi?" Itatapon na kitang papel ka.

"Kalma lang," sana all kayang kumalma.

"Tigilan mo 'ko Bryle baka masakal kita! Kanina pa ako stress dito," inis na turan ko sa kan'ya.

"Madali lang naman 'yan, ah. Madaling itapon HAHAHA!" Katawan 'yon.

"Naol happy," in-erapan ko siya.

"Eto naman napaka-seryoso, tsk!" Pake mo?

Hindi ko na siya sinagot. Si Bryle is seatmate ko na malakas mang-inis. Yes po, legit sobrang lakas niya mang-inis. Kahit nananahimik ka hindi ka niya patatahimikin. Ewan ko ba sa lalaking 'to parang mas gusto niyang maingay ang mundo niya kaysa sa tahimik.

"Jelly," tawag niya sa akin. Nilingon ko naman siya.

"Bakit?" Tanong ko. Sana naman may maayos na siyang sasabihin dahil kung wala baka makapatay na talaga ako.

"Free ka ba sa sabado?" Napa-isip agad ako kung anong meron sa sabado.

"Huh? Bakit?" Balik tanong ko sa kan'ya.

"Basta! Ano free ka ba?" Tinignan ko lang siya. Sasabihin ko bang oo o hindi na lang? Ayaw niya kasing sabihin kung anong meron. Mamaya kung ano pang gawin niya sa'kin sa Saturday.

"Depende sa amo ko," pagda-dahilan ko. Wala naman talagang pake sa akin si Kreus pero bakit parang kinikilig ako habang naiisip kong pagbabawalan niya ako?

Shett!

"Ay! Yayayain sana kita mag-date." Hanu daw?!

"Ano?!" Parang nabingi yata ako sa sinabi niya.

"Sabi ko..." Huminto siya saka nilapit ang bibig niya sa tenga ko. "YAYAYAIN KITA MAG-DATE!" Taena bakit sumigaw?! Nasampal ko siya bigla dahil sa ginawa niya.

Ang sakit kaya sa tenga hindi niya ba alam 'yon? Parang nabasag pa yata eardrum ko dahil sa ginawa niyang pag-sigaw. P'wede naman kasing ulitin na lang 'yong sinabi niya, kailangan pa ba talagang isigaw sa tenga ko?

"Aray naman! Bakit ka nananampal?" Reklamo niya. Siya pa talaga malakas ang loob na mag-reklamo sa huli, ha?

"Tangina, ikaw kaya sigawan ko sa tenga?!" Gigil mo 'kong demonyo ka!

"Ay, sorry naman."

"Mama mo sorry!"

"So, ano nga? Sagot na kasi, free ka ba o hindi? Reschedule natin kapag hindi ka free," ano kayang trip ng lalaki 'to at ako ang niyayang makipag-date? Wala ba siyang mayayang ibang babae?

"Wala ka bang mapag-tripan na iba kaya ako ang nakita mo?"

"Tsss, mukha ka bang pang-trip? Engot!" Luh...

"Tatanong lang, eh."

"Reschedule na lang natin. Hatid kita mamaya sa inyo, ha." Tumayo na siya sabay umalis.

Ano kayang trip ng lalaking 'yon? Gwapo 'yong si Bryle. Sikat din siya dito sa school at maraming nababaliw sa kan'ya na babae kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinagt-tripan. I mean, okay lang namab kung umiiwas siya sa mga babaeng nasa paligid niya ang akin lang, abisuhan niya muna ako para magkaroon kami ng deal, gano'n! Paladesisyon siya masyado. May pa-date pa siyang nalalaman, eh alam ko namang plano niya lang 'yon. Tapos, ano daw? Ihahatid niya daw ako mamaya?

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Where stories live. Discover now