CHAPTER 22

439 9 0
                                    

BRYLE'S POV

Naiinis na ako sa lalaking 'yon. Masyado na siyang bwiset sa buhay ko. Imbis na nasa akin na ngayon si Jellyca hindi nangyari.

“Ano ba, ate? Matagal pa ba 'yang plano mo? Naiinip na ako. Kapag ako ang kumilos talagang dadaanin ko sa dahas ang babaeng 'yon!” Puro kasi sabi na maghintay lang daw ako sa plano niya. Wala nga akong idea kung ano 'yong pukinginang plano na 'yon.

“Ang sabi ko maghintay ka, don't you get it? Kahit ako naiinip na ako, hindi ko na rin kayang makita pa na magkasama ang dalawang 'yon pero anong magagawa ko? Kailangan malinis ang lahat ng plano natin, Bryle. Mas madali mong makukuha si Jellyca kung maganda ang lapat ng plano.”

“Ano bang plano mo?” Walang buhay na tanong ko. Gusto ko lang naman malaman kung ano ba talaga ang plano niya.

“Kreus is a playboy. Hindi na mabilang ang naka-s*x niya at iyon ang gagamitin ko para makuha ko siya ng mas mabilis, mas madali, at mas effective.” Nakangisi siya na parang akala mo'y nanalo na talaga.

I rolled my eyes. “How sure you are na gagana nga 'yang plano mo?” I doubt. Minsan talaga may kapalpakan din ang ate ko kaya ang hirap magtiwala.

“Trust your ate this time, Bryle. Magandang show 'to at kung ako sa'yo panonoorin ko siya ng may baong popcorn. Baka hindi mo makayanan ang makikita mo,” she's giving me a goosebumps. Mukha ngang planado at plakado ang lahat.

She laughed like an evil habang nakatingin sa mga picture ni Kreus. Maraming siyang collection ng picture ni Kreus, epic man o sadya. Mas marami siyang epic picture kasi ang sabi nga niya hindi raw pala-picture 'yang future bebe niya. The hell I care? Si Jellyca ang kailangan ko ngayon. I want her body, I want her to be mine. Hindi ko siya titigilan hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko sa kan'ya. And that Kreus? Wala, kay ate na lang siya tutal pareho naman silang baliw.

JELLYCA'S POV

Weekends ngayon at as usual, wala akong gagawin kung 'di magtambay sa loob ng apartment na 'to. Gusto ko mang gumala, ayoko rin, gets niyo? Tinatamad lang talaga ako. Sa sobrang bored ko naisipan ko na lang na maglinis na bahay kasi, why not naman hindi ba? Bahay pa rin naman siguro ang tawag sa tinutuluyan namin.

Gusto ko lang maglinis since ako naman ang babae dito at ang paglilinis ay gawain ng babae, maglilinis na ako. Shuta, ang gulo ng utak ko! Ay, wala pala akong utak. H'wag niyo na lang akong pansinin, wala lang talaga akong masabing maganda. Boredom really hits me.

Hinanap ko lahat ng mga kailangan ko sa paglilinis. Nang makita ko na lahat sinipat ko kung saan ba ako unang magsi-simula dahil kahit 'to kalawakan medyo mahirap pa rin linisin. Nag-desisyon akong sala na lang muna ang lilinisin ko. Madalas naman sa mga bahay sala ang nililinis. Siguro pagkatapos ko dito maglalaba na lang ako para hindi ako ma-boring. Kung hinahanap niyo kung na-saan si Kreus, aba malay ko. Nakatulog ako kagabi ng wala siya kasi ang sabi niya may kailangan daw siyang kitain. Sa akin naman wala akong pake kung sino 'yon.

Wala namang kami ni Kreus, may kami lang sa kan'ya pero para sa akin, wala. I can't deny na kahit pa-paano'y may nararamdaman din ako para sa kan'ya. Take note, hindi sama na loob. Natatakot din naman kasi ako sa mga red flag niya.

Arte mo, self.

G'wapong hot guy na lumlapit sa'yo, dalawa pa tapos mag-iinarte ka? Deserve nila 'yan, tama! Ipakita mo za kanila na probinsyana ka at hindi ka basta-basta ma-uuto ng kahit na sinong lalaki.

Kahit si Kreus pa?

Feeling ko ibang usapan na 'yan. Nagpapa-uto na nga ako sa hinayupak na 'yon. Tae, sa sarili ko na lang ako nakikipag-usap. Magugulat na lang sila sumisigaw na ako.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Where stories live. Discover now