CHAPTER 26

389 10 7
                                    

ZYRIA'S POV

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Parang umiikot ang paligid ko ng ibukas ko ang mga mata ko. Naka-ilang kurap pa ako bago ko maaninag ng maayos paligid ko.

Teka...

Nasa kuweba ba ako?!

WAHHHHH! NASA KUWEBA NGA!

Putangina, sino kayang pumukpok ng ulo ko?! Akala ba niyan hindi masakit? Bobo na nga 'yong tao pupukpukin pa 'yong ulo! P'wede namang pasinghutin na lang ng pampatulog, eh!

“N-Nasaan ako?” Agad kong nilingon ang nag-salita.

SI ATE JELLYCA!

Mabuti naman at may kasama ako. Takot pa naman ako sa dilim. Medyo kalmado na ako ngayon kahit nakatali.

“Ate!” Tawag ko sa kaniya. Magkalayo kasi kami. Tila sampung hakbang yata ang layo niya sa akin. Hindi ko sure, eh. Hayaan niyo itatanong ko sa nagtali sa amin kung gaano kami kalayo sa isat-isa.

“Ria? A-Anong nangyari? B-Bakit tayo nandito?!” Ako pa talaga tinanong, ha.

“Kung ikaw, ate hindi mo alam, malamang ako rin! Nagising ako nandito na tayo sa loob ng kuweba na 'to.” Hindi manlang nila kami nilagay sa magandang lugar, eh.

Okay lang, maganda naman kami.

Haysss! Ano ba Zyria! Nasa kalagitnaan ka ng panganib puro kalokohan pa ang nasa isip mo. Mag-isip ka na lang kaya ng paraan kung paano kayo maka-aalis sa stinky place na 'to!

“A-Ang huli kong na-aalala nasa gubat tayo tapos....” sana all may naalala! Napapikit ng madiin si Ate Jellyca sabay umiling. Mukhang masakit din ang ulo niya.

“Talagang papatayin ko kung sino mang may pakana nito, I swear!” Char lang syempre. Ayaw ko makulong.

Kuya Kreus nasaan ka na?

Si kuya lang ang aasahan kong p'wedeng gumanti para sa akin. Mariin ko na namang naipikit ang mata ko dahil sa sakit na gumuguhit sa ulo ko. Tanginang mga tao 'yon nilakasan ang pagpalo. Bakit hindi kaya muna nila triny sa sarili nila bago ihampas sa akin? Hindi ba sila na-aawa sa small brain na gaya ko? Nag-iisa na nga lang ang nagpa-function na brain cell ko hinilo pa nila.

Mula sa kina-uupuan ko, nakita kong pilit na gumagalaw si ate Jellyca para makalas ang tali. Ako? Bakit ko naman gagawin 'yon, eh 'di sinugatan ko lang kamay ko? Ang higpit kaya ng pagkakatali nila. Ayaw kong magsayang ng lakas ko dahil pakiramdam ko gugutumin nila kami.

Wala bang free foods diyan?

“Bwiset!” Inis na usal ni ate Jellyca. Mukhang sumuko na siya.

“Kung ako sa'yo, ate h'wag mo ng pilitin na tanggalin 'yan. Sinigurado no'ng nagkulong sa atin dito na hindi tayo makakatakas kaya hinigpitan ang tali,” ani ko.

“Paano mo nagagawang kumalma sa ganitong sitwasyon?” Jino-joke time yata ako nito ni ate.

“Sino bang may sabi sa'yong kalmado ako, ate? Gusto ko na kayang umiyak kaso masyado akong maganda para kabahan at umiyak.” Magpi-flip sana ako ng hair kaso naalala ko nakatali pala ako.

I heard her sighed.

Problemado 'yarn?

Katahimikan ang namutawin sa aming dalawa. Taimtim kong sinisiyasat ang lugar. Nasa kuweba kami kung saan may butas sa itaas na maliit. Iyon lang ang nagsisilbing liwanag na pumapasok sa loob ng kuweba. Feeling ko nasa bundok kami kung saan hindi masyadong nakikita kaya once na may naghanap sa amin, hindi nila.kami agad makikita o maririnig kahit sumigaw pa kami. Brainly din nakaisip ng set up na 'to, ha? Sana lang mapani-nindigan niya dahil dadalhin ko talaga siya sa impyerno.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Where stories live. Discover now