CHAPTER 13

491 15 0
                                    

ZYRIA'S POV

Masaya akong nakatingin sa kulay asul na langit. Ang ganda. Sobrang ganda pag-masdan kapag ganito ang kulay ng langit. Malinis siyang tignan tapos nakaka-relax pa. Kung baga satisfying siya at talagang matutulala ka na lang sa ganda.

Ilang araw na rin ng makipagusap sa akin si Aldrake. Humihingi siya ng chance at gusto niyang mag-paliwanag sa akin pero tumanggi ako. Wala akong panahong pakinggan siya. Gustohin ko man pero parehong tumututol ang puso't isip ko. Sinasabi nila pareho na h'wag na akong makinig dahil baka may kasinungalingan nanaman akong mapakinggan at ma-biktima nanaman ako. Isang beses na akong naging biktima ng matatamis na salita ni Aldrake at ayoko ng maulit 'yon.

Laking gulat ko ng biglang nag-dilim ang paligid ko. Nakakarinig ako ng mahihinang hagikhikan habang may madiing kamay na pilit tumatakip sa mata ko. Sino nanaman kaya 'to? Kung si Kion 'to talagang mapapatay ko siya! Ang ganda ng pananahimik ko dito sa sulok tapos gugulohin ako!

“Sino ba 'to?!” Inis na reklamo ko.

“Hulaan mo, hihi!” Wait.... that voice! Ang familiar niya.

Saglit akong nag-isip kung saang lupalop ba ng earth ko narinig ang boses na narinig ko. Kilala ko ang boses na 'yon. Nasa dulo na ng dila ko ang pangalan niya pero hindi ko masabi.

Arghhhh!

Come on, Zyria! Think!

“Ang bagal naman,” muli nanaman siyang tumawa.

“Wait... damn it! Hindi ko mahulaan kung sino ka!” Reklamo ko.

“Ay nako!” Dismayadong saad nito bago tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa mata ko. Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kan'ya.

WAHHHHHHHHHHH!

TOTOO BA 'TO?!

SHIT!

WAHHHHHHHH!

HINDI BA AKO NANANAGINIP?!

AS IN....

Mahina kong pinindot ang mukha niya sabay kinurot ang pisngi niya.

“Ouch, you're hurting me!” Galit na reklamo nito sabay hinampas ang kamay ko.

“WAHHHHHHHHHHHHH!” Nagtata-talon ako habang tumitili ng malakas.

Nanlaki ang mata niya dahil sa naging reaction ko. “H-Huy, ano ba?! Nakakahiya ka ang daming nakatingin sa atin, oh!” Hinampas niya ako sa balikat.

“Legit ba 'to?! Hindi ako nananaginip?! WAHHHHHH! Putangina mo na-miss kita!” Mura ko sa kan'ya sabay niyakap siya ng mahigpit.

Na-miss ko 'tong hinayupak na 'to!

“Na-miss, eh hindi mo na nga nakilala 'yong boses ko, sampal you want?” Grabe naman ang sungit.

Nakasimangot akong humiwalay sa kan'ya. “Eto naman, ang tagal ko na kaya kayong hindi nakikita!”

“Well, its nice to see you again, ria.” Nakangiting bati niya sa akin.

“Potangina mo napaka-formal naman!” Binatukan ko siya.

Masama siyang tumitig sa akin. Napa-peace sign na lang ako. “Eh... Hehe sorry na, kasi naman.... hehe!”

“Mommy, what is potangina?”

Sabay-sabay na nanlaki ang mata namin dahil sa tanong ni Chie. Nalaglag bigla ang panga ko dahil straight na siya mag-salita. Huling kita ko sa batang 'to parang chinese kung mag-salita. Siya lang minsan nakakaintindi sa sinasabi niya.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Where stories live. Discover now