CHAPTER 17

467 17 0
                                    

KREUS POV

That girl. Matapos kong umamin sa kan'ya tatawanan niya lang ako? Expected ko naman 'yon pero ang sarap niyang halikan kahapon. Malawak ang ngiti kong nakatingin sa kan'ya ngayon habang tulog. Mukhang napagod siya ng sobra sa gala namin na hindi ko alam kung nag-enjoy ba siya. Wala akong alam sa pagiging romantic dahil hindi naman ako romantic na tao.

Nagtungo ako sa kusina para magluto ng pagkain. Damn, ang sarap pala gawin ng ganito kapag inspired ka. I have to calm my self down. Wala naman sigurong masala kung magluluto ako ng nakangiti hindi ba? Argh, this is bad but this is good. Para akong nabitag sa isang patibong at wala na akong magawa kahit pilitin ko pang makaalis dito.

You're making me crazy, Jellyca.

Umiling na lang akong muli. May class pa pala siya ngayong araw and I have to wake her up. This is crazy pakiramdam ko asawa ko na siya ngayon. Ihahatid ko ba siya? I have, naalala kong naka-paligid pala sa kan'ya ang Bryle na pangit. Tsss, feeling badboy hindi nga ako malabanan, tanga-tanga!

Matapos kong magluto ng pagkain ay naghain naman ako. Matapos kong ihain lahat ng pagkain na niluto ko nagtungo naman ako sa kwarto niya. Hindi na ako kumatok, basta pumasok na lang ako. Ewan ko nga rin bakit ayaw niya mag-lock ng pinto. Bumungad sa akin ang mala-anghel niyang mukha. Kahit saang anggulo napakaganda niya talaga.

Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa gilid ng kama niya. Ang sarap niya pagmasdan kaysa gisingin. Hindi pa ako nabaliw ng ganito kahit noon. Wala akong kinabaliwan na babae dahil ang tingin ko lang sa kanina parausan ko. Itong babaeng 'to sobrang binago ako. Binago ako sa paraang ayoko and I know na may mababago pa siya sa akin hanggat mag-kasama pa kami.

"Sleeping beauty wake up," gising ko sa kan'ya. Mahina kong inuyog ang balikat niya.

"Hey, you're going to late kapag hindi ka gumising bahala diyan."

Mahina siyang gumalaw kasunod noon ay ang dahan-dahang pagbukas ng mata niya. Tumingin siya sa akin ng may gulat.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong niya sabay umupo.

"Kalma, ginising lang kita." Nerbyosa. Wala naman akong gagawin sa kan'yang masama.

"A-Anong oras na ba?" Bakit ba laging na-uutal 'tong babaeng na 'to sa akin?

"5:57 am," sabi ko habang nakatingin sa relo ko. Tumingin ako sa kan'ya. "Hintayin kita sa kusina. Fix yourself ihahatid kita," tumayo ako.

"Ihahatid?"

"Oo."

"Bakit mo naman ako ihahatid?" Ang daming tanong.

"Because..." bahagya akong lumapit sa kan'ya. "Starting today you're my girlfriend."

"GIRLFRIEND?!" Gulat na sigaw niya. Sakit sa tenga. "Hindi ka nga nanligaw sa akin tapos bigla mo na lang sasabihin na jowa mo na ako ngayon?! Swerte mo naman!" Cute reaction.

"Okay, can I court you today but tomorrow you're my girlfriend?" Ngumiwi siya sa'kin.

"Anong bukas girlfriend mo na agad ako? Ayoko nga!" She's literally hard to get.

"Be my girlfriend tomorrow or be my wife today? Ngayon na rin tayo mag-honeymoon h'wag ka na munang pumasok," ngumisi ako sa kan'ya.

"Bahala ka diyan! Ayoko!"

"Pumili ka o ako ang pipili?" Daanin na natin sa dahas 'to.

"Ayoko nga! Pangit naman ng choices mo! Bahala ka diyan, labas na nga mag-aasikaso na ako!" Pagtataboy niya sa akin. Binato niya pa ako ng unan, agad ko naman itong nasalo.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon