CHAPTER 20

445 10 0
                                    

Continuation...

ZYRIA'S POV

"Okay, game na!" Hudyat ni Clarah. Kanina pa talaga siya larong-laro kaso sobrang gulo ni Chie kaya pinatulog muna namin.

"GAME!" sabay-sabay na sabi namin. Sabay din kaming nagtawanan.

"Ako na unang magpa-paikot," prisenta naman ni Flich.

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng hawakan na niya ang bote. Sana naman maayos ang mga itatanong nila. Wala rin sanang personalan dahil baka magkaroon ng malaking revelation dito. Wala akong sinabi na natatakot ako sa mga revelation, hindi lang talaga ako handang makarinig ng gano'n ngayon.

So, bali ganito ang naging pwesto namin. Simula sa akin clockwise si Kion, Queenie, Ferra, Aldrake, Aleah, Gio, Andrew, Clarah at saka si Flich. Ang daya rin no'ng iba, sinadyang mag-rumble, eh. Ang mechanics ng laro na 'to is magpapalit ng pwesto kada limang ikot ng bote. Mamayang 4 pm pa kasi kami gagala at ala-una a lang ngayon kaya nililibang namin ang sarili namin. Kung maghihintay kami ng alas-kwatro tapos wala kaming ginagawa baka mainip kaming lahat. Maganda na rin 'tong naglalaro kami.

Sana nga.

"Naks, bungad na bungad pareng Gio!" Tuwang-tuwa na sabi ni Flich. May naiisip na naman sigurong kalokohan 'to. "Truth or dare," nakangiting asong tanong niya.

"Truth," mabilis na sagot ni Gio. Sana all matapang.

"ANG TAPANG!!!" Sabay-sabay na sigaw namin at nagtawanan.

"Okay, bago si Ferra, sino ang naging unang s*x mo?" The fuck bakit gano'n ang tanong?!

"Si Ferra," confident na sagot niya. So, walang iba?

"Sure?"

"Yup, Ferra is my first." Sana all una! 'Yong isa kasi diyan iniwan na nga ako tumikim pa ng maraming babae.

Sunod naman na nagpaikot ng bote si Gio at tumapat naman ito kay Kion. Bigla kaming nagkatinginang dalawa bago bumaling kay Gio ulit. Parang ako pa yata 'yong kinakabahan sa itatanong ni Gio.

"Truth," wala pang tanong pero sinagot agad ni Kion. Paladesisyon po kasi siya.

"Wala pang tanong," mahinang tumawa si Gio. "Anyway, ano ang tunay na relationship mo kay Zyria? 'Yong totoo at ayaw namin ng kasinungalingan dito."

Shit!

Tumingin sa akin si Kion. Tinungan ko lang siya as sign na sabihin na niya ang totoo. Siguro naman dapat na naming sabihin sa kanila. Sayang naman plano pa naman namin ni Kion na pagselosin si Aldrake.

"Cousin," sagot niya. Narinig kong bumuntong hininga. Labag talaga sa loob niya 'yong ginawa niyang pag-amin.

Nakangangang nakatingin sa amin ang lahat. Mukhang hindi sila makapaniwala sa isinagot ko. Napakagat ako ng gilid ng labi ko. Do I have to explain everything? Parang ayon kasi ang hinihingi ng mga mukha nila. Wala pa mang lumalabas sa bibig nila, ayon talaga ang gusto nilang hingin.

"Yes, we're just cousin. Sweet lang talaga kami at-"

"Acting like a boyfriend lang ako sa kan'ya para hindi na siya masaktan," singit ni Kion.

"Naloko niyo kaming lahat doon, ah!" Natawa ako sa sinabi ni Queenie.

"Buti na lang alam na namin 'yan," sabat naman ni Flich.

"Alam mo?!" Tumango si Flich kay Clarah. "Bakit hindi mo sinabi?" Tila inis na tanong nito.

"Sabi bawal daw sabihin." Sino naman kayang may sabi sa kanila no'n?

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Where stories live. Discover now