CHAPTER 11

518 16 0
                                    

Continuation...

JELLYCA'S POV

“Sino 'yon?” Bungad na tanong niya sa akin. Kahahakbang ko lang sa pinto ayon agad ang tanong niya.

“H-Huh?” Shit, natatakot talaga ako s aura na pinapakita niya ngayon. Nakakakita ako ng invisible apoy sa paligid ng katawan niya.

“Sino siya?”

“Ah... s-si Bryle, classmate ko.”

“Classmate?” Tumaas ang isang kilay niya. Tumango ako. Natatakot ako mag-salita baka mamaya awayin niya ako, literal!

“Classmate, huh?”

Hindi ko mawari ang reaksyon niya ngayon. 'Yong galaw ng panga niya parang gigil na gigil. Bakit ba kasi siya nagkakaganyan? I mean, ano bang masama saka ano bang kasalanan ko? May rules ba ako na hindi nasunod kaya nagagalit siya? Wala naman yata, eh.

“O-Oo,” nakayukong tugon ko.

Ngumisi siya na parang hindi naniniwala sa sagot ko. Tumayo siya ng tuwid at nilagay ang kamay niya sa bulsa. Nakakatakot talaga siya. Sobrang nakakatakot.

“Magluto ka na,” utos niya.

“A-Anong iluluto ko?” Pupusta ako na hindi 'to sasagot ng maayos. Kahit sengkwenta pa ipusta ko sa inyo.

“'Yong kasama mo, try mo iluto para may magawa kang maganda,” masungit na sagot niya sabay nilagpasan ako.

Hindi manlang ako hinintay makapag-salita. Sunod ko ng narinig ang malakas na pagsara ng pinto. Saan naman kaya pupunta 'yon? Siraulo talaga, bakit ko naman iluluto si Bryle? Ang bipolar talaga ng lalaking 'yon kahit kailan. Wala naman akong ginagawang masama nagagalit sa akin.

Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa sinabi niyang magluto ako. Wala akong idea kung ano bang iluluto ko. Bahala na, kapag may saltik ang kasama tapos wala namang sinabi kung anong dapat kong iluto, magluto na lang ng kahit ano. Tinanong ko naman siya kung anong gusto niyang iluto ko pero wala siyang sinagot. Ang sabi niya lang 'yong kasama ko daw ang iluto ko.

Bakit ko naman iluluto si Bryle?

Kumakain ba siya ng tao? Gagi, hindi ako inform na nakain pala siya ng tao. May lahi yatang aswang 'tong si Kreus, charr. Para naman akong tanga. Malamang biro lang 'yong sinabi niya na iluto ko si Bryle. Ang hindi ko lang talaga maintindihan, eh kung bakit parang ang laki ng galit niya kay Bryle. Pansin niyo rin ba? Sa reaction pa lang niya saka salita halatado na, eh.

Buong oras ng pagluluto ko, lumulutang ang isip ko. Naks, sana all nakakalutang ang isip. Ang dami ko na kasing iniisip dumagdag pa 'tong amo kong may saltik. Bakit? Totoo lang naman na may saltik talaga siya. Kung wala siyang saltik bakit paiba-iba 'yong mood niya? Sa pagka-kaalam ko nga katulong pinasukan ko dito hindi psychology na iintindihin 'yong mood niya. Kung ganito naman pala siya, ay ewan ko na lang. Baka one day nakikita niyo 'kong pinupukpok ko siya ng kaldero sa ulo sa sobrang inis. Kapag dumating 'yong time na 'yon isipin niyo na lang pagod na ako kakaintindi sa lalaking 'to.

Pustahan na lang din na hindi 'to magkakaroon ng girlfriend na seryoso. Una, marami na kasi siyang history ng pakikipag-sex sa mga babae. Pangalawa, sobrang sungit niya. Pangatlo, ang kagaya niyang lalaki palagi mong susuyuin kasi palaging wala sa mood. Pang-apat, kill joy siya kasama, sigurado ako na kapag malakas ang trip ng girlfriend niya palagi silang mag-aaway kasi hindi niya kayang sabayan. And lastly, masyado siyang mahirap basahin. Kapag gan'yan ang ang itsura ng lalaki hindi talaga sila marunong mag-seryoso.

“Hindi pa ba tapos 'yan?”

“Ay palakang masungit! Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?!” Muntik tuloy malaglag 'yong sandok. Bigla-bigla kasing nasulpot.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora