CHAPTER 31

381 10 2
                                    

ZYRIA'S POV

Nakangiti akong kumatok sa tapat ng pinto ng sinabi ni kuyang tinutuluyan niya. Nandito raw kasi 'yong babaeng sinasabing nabuntis niya kaya naman kailangan kong pumunta rito. Ang unang plano namin ay kaibiganin ang babaeng ito. Gusto ko ring makita ang girlfriend na sinasabi ni kuya kaya kinuha ko na 'tong role na 'to kahit super delikado. Isa pa, wala namang ina-atrasan ang mga Zuarex at kung iniisip niyo na mag-isa lang ako?

May aso kayang nakabuntot sa akin!

Kilala niyo na kung sino siya. Hindi ko na kailangang sabihin. Wala na ngang paramdam si Shane sa kaniya at hindi ko na rin nakikita sa school. Baka umalis na kasi nakita niyang bumabalik sa akin si Aldrake? Ang ganda ko talaga!

“May tao ba talaga rito? Kanina pa ako nakatok wala namang nasagot!” Iritang tanong ko. Muli akong kumatok ng malakas.

“Sipain ko na ba?” Tinignan ko siya ng masama.

“Wala ka ba talagang magandang suggestions, Aldrake?” Puro na lang ka-anuhan mga sina-suggest, eh.

Umiling siya. “Nothing. Isa pa, I can pay if I broke that door. Money is not the problem,” ani nito. Tumaas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya.

“Don't you hear kuya Blake? We have to be gentle and kind in front of this woman.” Kahit labag din sa kalooban ko kasi gusto ko talaga siyang sapakin.

Kumatok na lang akong muli. Kapag hindi niya 'to binuksan talagang kukuha ako ng susi mula sa may-ari nito. Naka-ilang katok pa yata ako bago ako makarinig ng boses. I don't know kung girlfriend ni kuya 'to o 'yong nabuntis ni kuya. I just heard her saying, "teka lang!" Umayos ako ng tayo, gano'n din ang ginawa ni Aldrake. Ngumiti ako ng peke para pagbukas niya maganda kunwari ang view. No, crop the kunwari kasi maganda naman talaga ako palagi.

“Sino ba 'yan—Zyria?” Paano ako nakilala nito?

May pagtataka man ay nakangiti akong tumango. “Yes po! You know me pala, ate! Ikaw ba 'yong—”

“Future wife ng kuya mo,” agad na dugtong niya sa sasabihin ko.

“Ikaw po iyon? Iyong nabuntis niya?! Wahhhh! I really want to meet you, ate kaya ako na mismo ang sumadya rito!” Kadiri ka, Zyria! Ang plastic mo!

Tila nagningning ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. I don't know but her voice sounds familiar to me. Hindi ko alam kung saan ko ba narinig ang boses niya but I know I heard this voice.

“Ah... Tuloy kayo,” aya niya sa amin at binuka niya ng malaki ang pinto.

Tumango ako at nakangiting pumasok. As usual, walang expression si Aldrake. Basta sumunod lang siya sa akin. Mas gusto ko namang ganiyan siya kaysa naman may kung ano-ano na hindi magandang bagay ang nalabas sa bibig niya. For him, the kasungitan is the behave attitude. Umupo ako sa isang mahabang sofa. Sosyal ng kuya ko, ha. Apartment lang 'to pero may pa-sofa pa. Halatang kahit nandito na siya hindi niya pa rin nakakalimutan ang buhay niya noong nasa bahay pa siya nakatira.

Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Napansin ko ang dalawang pinto. Isang kulay brown at isang kulay black. Mukhang kay kuya 'yong black kasi mahilig siya sa black. Mukhang bagong pintura lang din 'yong brown kasi shiny pa siya. Siguro sa sinasabi ni kuyang roommate na girlfriend niya 'yang brown na 'yan. Nakakalungkot nga lang na kapag nag-failed kami sa mission namin kailangan naming magtungo sa plan B. Okay naman sa akin 'yon pero mahirap kaya ang plan B. Idadamay pa nila ako, hmp!

“Ah, ate, wala ka pong kasama rito ngayon?” Panimulang tanong ko. Tumingin siya sa pinto kung saan ako nakatingin. I saw something the way she look.

Umiling siya. “Umalis kasi 'yong roommate ng kuya mo. Nagpunta sa school yata para mag-drop out? I don't know. Narinig ko lang kasi parang may family problem sila at kailangan niyang umuwi,” paliwanag nito. Hindi ka lang pala basta-basta, ha. Marites ka rin!

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon