CHAPTER 21

452 12 0
                                    

JELLYCA'S POV

Ilang linggo na simula no'ng inangkin ako ni Kreus na girlfriend niya. Marami ng nagbago between us. Mas maging protective at seloso siya. Sobrang possessive niya rin na halos gusto na niya sa school magtambay. Every break time, lunch, at saka vacant time ko nandoon siya. Binigyan niya ako ng mamahaling cellphone para lang daw ma-contact ko siya. Keep him updated daw dahil ayaw niya ng nag-aalala siya. 

Wala naman akong magawa, hindi rin ako nagre-reklamo. Ewan ko nga kung bakit hindi ako nag-reklamo. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magkakagusto sa katulad ni Kreus pero.... wala, nakita ko na lang ang sarili kong nahuhulog na sa kan'ya. The way he protect, iyon ang ginawang reason ng sarili ko para mas mahulog pa sa kan'ya. 

“Hey! Okay ka lang ba? Are you sick? Ang tahimik mo, may umaway ba sa'yo?” Sunod-sunod na tanong niya. Nasa canteen kami ngayon, kumakain habang maraming tao ang nakatingin sa amin.

“Relax, okay lang ako.” I chuckled. Masyado naman kasing over acting 'yong reaction niya. Simpleng tulala lang, eh.

“Don't laugh. Nag-aalala lang ako, tsk!” Pagsu-sungit niya. 

“Hoy, ikaw!” Duro ko sa kan'ya. Kinunutan niya naman ako ng noo. “Akala mo, ha! Nawiwili ka na kakapunta dito! Masama na 'yan!” 

“Anong masama? Tss... andito ang girlfriend ko, malamang pupunta ako dito.” Nilakasan pa talaga niya ang boses niya. 

Naghurumintado naman ang mga butterfly sa tiyan ko sa sobrang kilig. Minsan talaga maling magbitaw ng salita sa kan'ya, sinasabayan niya ng mga banat na talagang kikiligin ka. 

“Sinong girlfriend mo?” Maang-maangan ko para mainis siya. 

He raised hi eyebrows. “Ikaw, may iba pa ba, sweetie?” Sheyt!

“Luh? Ako? Wala yata akong alam na may boyfriend ako.” Mainis ka hanggat gusto mo, mwehehehehe.

“Oh really, sweetie?” He smirked at me. 

Tumango ako. “Ang alam ko single ako at p'wede akong—” 

Nanlalaki ang mata kong napatigil sa sinasabi ko. He cut me off using his lips in short HINALIKAN NIYA AKO! Damn, ang lambot ng labi, ay mali! Marahas ko siyang tinulak ng marinig ko ang tilian ng mga nasa paligid ko. 

Tangina, nasa canteen nga pala kami!

Bwiset ka, Kreus!

Pero masarap.

Hindi! Yawa! 

“Say those words again and I will make sure na hahabulin mo na ang hininga mo sa susunod,” banta niya. 

“Sana all, gagi!”

“Kissing scene sa canteen!”

“Sana all may gwapo at hot na boyfriend!”

“Sana all, Jellyca, isa pa! Sana all sa'yo!”

“Lf, kahalikan sa canteen, ackkk! Kinikilig ako sa inyong dalawa!”

Mga kumento na naririnig ko mula sa mga taong nakasaksi sa ginawa niya. Malaki ang ngiti niya sa labing tumingin sa akin. Mahina ko namang kinagat ang ibabang labi ko sa sobrang hiya. First time ko mahalikan and worst sa canteen pa! This is ridiculous! 

“I-I hate you!” Asik ko sa kan'ya sabay tumayo at naglakad palabas ng canteen. Pulang-pula na ako sa hiya, hindi na kilig 'to kung 'di hiya.

“HEY! WAIT FOR ME!” Dinig kong sigaw niya mula sa ulam. Imbis na huminto ako, mas binilisan ko pa ang lakad ko. Bahala na kung saan ako mapunta ang mahalaga makalayo ako sa mga tao. 

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Onde histórias criam vida. Descubra agora