Chapter Eleven

228K 3.3K 413
                                    

Chapter Eleven

Muli akong nag-type sa keyboard. Binasa ko ang nilagay ko. Muli akong nag-type matapos mag-isip.

Heto ako ngayon, sa kama ni TOP at nasa harap ng kanyang laptop ginagawa ang kanyang report. Pinagawa kasi sya ng five pages na essay ng teacher na sinigawan nya.

Binabasa ko ngayon ang history ng Pendleton High sa kanilang website. Akalain nyong pamilya pala ni TOP ang may ari non?! Bakit nga ba hindi ko napansin 'yun? Pendleton ang surname ni TOP. Ang slow ko nga. OMG! Nagiging slow na nga ako! Hindi pwede yun! (>.<)

Ang essay nga pala ay about Pendleton High then dapat may two pages na conclusion sa end. Twelve ang font at single space.

That stupid gangster! Pinapunta ako dito para gumawa ng report nya! Grrr! Biglang bumukas ang bathroom at lumabas ang isang half naked greek God. Ooh-lala ang ganda ng view. Uwaaa! Nakatitig lang ako sa half naked na si TOP na twalya lang ang suot sa ibaba. May twalya sa ulo nya na kinukuskos sa kanyang buhok. Biceps, six-pack abs, and well toned chest!

"A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Can't you see I'm here?! Hello!" Tinakpan ko ang mga mata ko. Ayokong mahuli na naglalaway sa katawan nya! OMG Sam! You very lucky girl! Ang SMEXY ng boyfriend ko!

"Your point?" tanong nya.

"Ano ka ba?! Hwag ka sa harap ko magbihis!"

"Ano'ng masama na mag-bihis sa harap ng asawa ko?"

"B-BASTA!" Wala akong masabi sa comment nya. Kung minsan talaga ang mga statement na nasasabi nya absentmindedly, pinapatay ako sa kilig. Asawa nya raw ako? Fufufu. ♪( '▽`)

"Whatever, alam ko naman nakatingin ka sa akin kanina," then bumukas at sumara ang pinto.

Wala na si TOP nang tingnan ko ang kwarto. Whooo~ Bakit ba kailangan pang maging perfect ni TOP sa paningin ko? Mukhang mahihirapan akong pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi maganda to.

*kuro.kuro.kuro*

Grabe nagugutom na ako! Kaunti nalang matatapos na ang report paper ni TOP. Makakauwi na rin ako! YES!

Nag-patuloy ako sa pag-type. Kusang gumagalaw ang mga kamay ko. Binasa ko ang sinulat ko. Hmm. Chicken adobo with rice? Huh? Backspace! Gutom na talaga ako!

Ayoko nang mag-isip! Wala naman napasok sa utak ko eh! WAAHH! Gutom na ako! Ano kayang ginagawa ni TOP sa labas? Pwede kayang makikain? Ehehe! Nung unang kain ko dito nakipag-away pa ako eh. Stupid Selfish B@stard ni hindi man lang nang-aalok ng food! <(>0<)> Bakit tinawag ko na naman syang b@stard?!! Nasasanay na ako!! Baka masabi ko ito sa school! Ang aking ranking!

*kuro.kuro.kuro*

Lumabas ako nang kwarto nya at nagpunta sa kusina. Ang daming pagkain sa lamesa! May handaan ba?! Ang bango! Nakita ko si TOP na nakasuot na naman ng strawberry apron. Nakatalikod sya at may kinukuha sa loob ng ref. Hahaha! Sabi na nga ba sya yun eh!

Dali-dali akong umupo sa harap ng lamesa na punong-puno ng masasarap na pagkain! Whoo~!! Kainan na! Oh yeah!

*BOINK!*

Binigyan na naman ako ng mahinang hampas sa ulo ni TOP. WAAH! Ang bad nya talaga!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" May hawak syang pitsel na may laman na tubig.

"Eh di kakain! Duh!" binigyan ko pa sya ng isang matinding roll ng mata.

"Hindi ka pa pwedeng kumain."

"At bakit? Gutom na gutom na ako! Maya ko nalang tatapusin ang paper mo!" parang bata na reklamo ko at tinignan ang mga pagkain sa harap ko. Gusto ko na talagang kumain!

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon