Contract 43- the beginning of the End.

75.6K 669 54
                                    

This chap is for Ate Marivicalim67 dahil sa comment niya nung prev prev chap. Salamat po ate. Na explain ko na po yung timeline :) sana nabasa niyo po. :))

Note: Ang nasa loob po ng ** ** ay flashback po.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 42- the beginning of the end.

Nandito ako ngayon sa dorm namin, isang linggo na ako dito. Bumalik ako dito dahil mas komportable dito. Hindi ko kailangan makipag hide and seek kay Heaven, or maging invisible. Pagod na akong mag-isa sa isang napakalaking bahay. Ayoko ng magkulong sa kwarto para lang maiwasan si Heaven or para lang hindi niya ako makita. Ayoko nang kumain mag-isa at lalong ayoko ng umiyak pa. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak. Basta bigla bigla nalang tutulo ang luha ko pag nasa kwarto ako. Lalo pa't pag naiisip ko yung nakita ko sa loob ng maleta ni Heaven.

***

**

"Ito ba ang dahilan kung bakit ang lamig niya sakin?" wala sa sarili na naitanong ko habang hawak hawak ang letrato ni Heaven at Kanikka na naghahalikan.

Opo, naghahalikan sila sa isang parang restaurant, kasi may pagkain sa harap nila. Parang nag dinner date sila tapos, dumukwang si Kanikka para halikan si Heaven at napapikit naman si Heaven. Para bang gustong gusto niya ang halik na ibinigay ni Kanikka.

Habang tinititigan ko ang letrato sa kamay ko, napapansin ko rin kung gaano na nanginginig ang kamay ko. Nararamdaman ko rin kung gaano parang nagiiba ang puso ko. Kung kanina ang lakas ng tibok niya dahil sa takot, ngayon naman parang nararamdaman kong sumasakit siya. Yung sakit na hindi ko maipaliwanag, basta masakit lang. At habang tinititigan ko ang pictures, mas lalo siyang sumasakit at parang naiiyak narin ako sa sakit. Muntik na sanang tumulo ang luha ko kung hindi ko lang narinig na parang may nagbukas ng pinto sa room ni Heaven.

"What are you doing here?" bungad na tanong niya, pagpasok niya sa closet.

"Ah..ah. Wala ito kinukuha ko lang yung mga nilagay kung damit dito. At inaayos narin tong lamat ng maleta mo" sagot ko naman at pinakita yung huling pares ng slacks niya.

Kung hindi ko palang siguro kilala na si Heaven, hindi ko mapapansin na bigla siyang namutla nung pinakita ko yung slacks. Pero mabilis din siyang nakabawi.

"O-oh ok. Thank you then. Im going back downstairs again." sabi niya tapos tumalikod na siya.

Pero bago pa siya tuluyang lumabas, nilingon niya ulit ako.

"Annika?"

"Hmmm?"

"Did you..." tapos tinuro niya yung pants na hawak hawak ko parin.

"Yes?"

"Never mind..i'l go now." at tuluyan na talaga siyang lumabas.

Pagkasarado niyang pintuan, hindi ko na nakaya at napasalampak nalang ako sa sahig dahil sa kaba at tiningnan ulit yung letrato na hawak hawak ko parin.

Kanina kasi nung pumasok si Heaven,itinago ko lang yung kamay ko sa ilalim ng slacks, yun bang parang ipapasok ko pa siya sa hanger. Kaya hindi niya nakita at kaya siguro hindi niya na ako tinanong talaga, kasi hindi ko naman din pinahalata sa mukha ko na may nakita ako. Akala siguro niya, naiwan niya ito sa Brazil.

After 10minutes na pagkaupo, tumayo na ako at umalis na sa kwarto ni Heaven. Dala-dala ang gamit at picture. Tapos nagkulong na ako sa kwarto ko.

Habang nasa kwarto ako, hindi ko maiwasang di mag-isip na naman. Kaya kinuha ko si Sarang at kinausap.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon