Contract 27- Just Us ❤

80K 835 88
                                    

This chap is dedicated to my bisayang onee-chan :) @bravehearts. Sikat naka te! Hahahaha.

Please like TBHH fb page po. May greetings po sila sa inyo dun :) nasa profile ko pala ang link. At sa naglike na, maraming salamat po :). Follow niyo narin ako sa twitter :) may mga teaser po akong pinopost fb or twitter :))

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 26- Just us ❤

"Sav yung ticket natapos mo na ba?"

"Hindi pa eh, kasi nabusy ako sa pagluluto kanina, pasensya naman po Monique."

"Ah ganun ba? Sige, basta matapos mo yan ngayong gabi ah. Bukas natin yan gagamitin, remember."

"Opo maam Monique don't worry tatapusin ko ito ngayong gabi."

"Maam ka jan! Loka! Basta dapat matapos natin lahat ngayong gabi maaga pa tayo bukas para sa opening ng booth natin."

"Ay oo nga, anong oras ba tayo bukas pupunta ng school?"

"Dapat 6:30 andun na tayong lahat, para kung may problema may time pa tayong maayos."

"6:30? Pwede ba akong pumunta ng 7:30?"

"Hindi pwede Sav 8:30 and opening natin. Ikaw pa naman right hand ko."

"Ah, o sige sige. 6:30 na kung 6:30. Siya sige na at tatapusin ko pa itong mga ticket natin."

"Ok, bye Sav. Pakisabi kay Heaven pasensya na at ginugulo ka namin ah. Hehehe. Say hi mo narin kaming lahat."

"Opo! Nakasimangot nanga kanina eh, kasi nasunog yung itlog na niluluto ko. Hanaha"

"Hahaha, kawawa naman si Heaven niyan. Basta sabihin mo ngayon lang naman yan kasi busy tayo sa fair. At huwag mong kalimutang sabihin na dumaan siya sa fair bukas ah. Kundi ipapahalik ka namin sa ibang lalaki. Hahaha"

"Loka! Pero pwede rin kung si Dr Inuki naman ang hahalik sakin."

"Hoy!! Savannah Griffiths! May asawa kana. Hindi na pwede si Inuki sayo. Hands off!"

"Hahaha, hindi ka talaga mabiro Monique..loka! Sayong sayo na si Dr Inuki, kung mapapansin ka niya, hahahaha. Sige na babush shawarma na, I love you guys. Tawag lang ako mamaya if may kailangan ako."

"Ok, mwah, I love you too din daw sabi naming lahat. Hahaha. Bye na mrs Griffiths." tapos ayon binaba na namin ng sabay ang phone.

Grabe lang talaga ang week na ito samin, wala ngang klase pero cramming naman ang lahat para sa University Fair bukas. From Monday hanggang kanina lage nalang 8pm akong nakakauwi dito sa bahay. Ang malala pa, kahapon, Wednesday si Pusa lang naman ang naghatid sakin dito sa hotel kasi may late meeting si Heaven. Hindi rin pwede ang ninjas kasi late nanga. At si Pusa lang ang available talaga. Mabuti nalang naniwala si Heaven na kaklase kung babae ang naghatid sakin. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin na si Pusa yung naghatid, kasi nung nakita niya si pusa na kinakausap ako last time nakita kung nag-iba yung mukha niya.

Tapos kanina nga, iwan ko anong nakain nun kasi bigla ba naman akong pinaluto ng hapunan e usually naman hindi kami naghahapunan together. Kaya ayon, omelet lang naluto at nasunog pa nga, mabuti nalang at kinain din naman niya. XD At para makabawi man lang sa nasunog na omelet, ginawan ko nalang siya ng fruit salad. :D

*Tok tok tok tok*

"Pasok.."

"Are you busy?"

"Medyo po e Heaven. May ipaguutos ka?"

"Nah, I just want to see what you are doing, because I can hear you shouting just now."

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon