Contract 36- The Meddlesome Pusa..>:/

76.7K 670 56
                                    

This chap is dedicated sa bagong loyal reader ng TBHH though medyo matagal narin kaming magkakakilala :)). Sa asawa ni Lee Min Ho na si princezs_lheign. Hahaha.

Oo nga pala, I will only dedicate a chap to a loyal TBHH readers. Yung nakikita ko talaga ang pangalan sa comment box. Kaya sana kayong mga loyal silent readers, please speak up para makapagdedi ako sa inyo. Appreciation ko po yan for reading TBHH. :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 35- Meddlesome Pusa >:/

Nakatulog ako kagabi na may luha sa mga mata. Paggising ko, hoarsey ang boses ko tapos sobrang namamaga ang mga mata ko. Dahan-dahan akong bumangon at nagpunta sa banyo para mag toothbrush at hilamos. Paglabas ko ng banyo, biglang nadako ang mata ko sa orasan at laking gulat ko ng makitang kong 9am na pala! Ibig sabihin na over slept ako. Papano na si Heaven? Nag breakfast na kaya yun? Kaya naman halos lundagin ko na yung second floor papasok sa kusina. Pero as expected, wala ng Heaven.

At wala man lang kahit isang note tungkol sa nangyari kagabi. Kaya aantayin ko nalang siya mamaya, hindi ko naman siya aawayin, kasi wala naman akong karapan. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari, kung ok lang ba siya at bakit hindi na niya ako nasundo. At dahil wala na si Heaven at 9am narin, umakyat na ulit ako para maligo at maka pasok na. Doon narin ako mag-aagahan. Alas dose pa naman pasok namin ngayon, kaya ok lang.

***

"Sa--este Madam Savannah! Kamusta na po kayo?" bati ni Jenny na halatang namang nang-aasar lang kasi pigil na pigil niya yong ngisi niya. Loka!

"Ok lang naman po ako your majesty the Queen Jennifer" balik pang-aasar ko. Tapos sabay kaming humalpak ng tawa. Parang mga loka loka din talaga kami.

"Pero seryoso na 'to Sav. Congratulation nga pala sa bago mong hotel. Ang bait talaga ng mga manugang mo. Sobrang swerte mo sa kanila Sav. Talaga."

"Salamat po Jen. Kaya nga eh, swerte ako masyado, kaso lang hindi ko naman kailangan ang hotel eh. Tsaka pano naman ako magpapatakbo ng isang hotel, eh architecture course ko."

"Hindi ka naman agad agad magmamanage niyan eh Sav. Ofcourse tuturuan ka pa ni Heaven diyan. Tska huwag mong kalimutang director yang asawa mo, kaya hindi ka mahihirapang i manage ang Savannah pag dumating ang time na kailangan mo na talaga" Pena.

"Oo nga Sav. Tska, huwag mo na munang problemahin ang pagpapatakbo ng hotel, just be thankful for their extravagant gift." Monique.

Naguusap pala kami niyan habang papunta ng canteen. Tinawagan ko kasi sila na sabay-sabay na kaming mag brunch dahil hindi pa nga ako nakakain.

"Ok. Pero teka nga, pano niyo naman nalaman ang lahat ng yan?"

"Hello! Baka nakakalimutan mong function ng GRIFFITHS ang pinuntahan mo kagabi Sav, ofcourse expected na yan na headline sa lahat ng newspapers sa boung Pilipinas." paliwanag ni Monique with exaggeration pa yan ah.

"Oh. Oh!? Huh? As in frontpage talaga? Ibig sabihin pati mukha ko frontpage din? Ganun?" at talagang itinuro ko pa mukha ko.

At sabay-sabay silang tumango. Tapos may nilabas na newspaper si Pena sa loob ng bag ni Jenny. Pagbuklat ko. Wow naman! Nasilaw ako! Nasilaw ako sa kagandahan ko! Hahaha. Oo na ako na makapal. Pero totoo naman din talaga, hindi ko alam na photogenic pala ako sa newspaper headline. Makapag paheadline nga ulit bukas.

"Oh Sav, anong nangyari sayo? Bakit parang tutuk na tutuk ka diyan sa mukha mo? Huwag mong sabihing nagagandahan ka sa sarili mo diyan? Hindi na yan maganda..narsicisstic na yan Sav." puna ni Pena kaso tumango lang din ako. Eh sa feeling ko talaga maganda ako sa headline eh. Anong magagawa ko.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon