Contract 33- Girls Time out!

77.4K 783 15
                                    

This chap is dedicated to my new reader at commentor din :) @AdeeJee akala mo hindi kita napapansin no :p. Salamat po.

Kung sino po gusto magtanong sakin, tanong lang po kayo. Unlimited question pwede :) @ ask.fm/mzpublicstories

Follow me on twitter din po. :) http://twitter.com/mzpublicstories

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 32- Girls Time out!

"Mommy hindi po ba masyadong maiksi itong damit? Baka masilipan po ako nito mamaya..nakakahiya.."

"Darling Sav, hindi naman yan maiksi. Normal lang ang haba niya, and besides you got great legs. So why not show them, im sure Heaven will like it."

"Pero po Mommy, wala na po ba talagang mas hahaba pa dito? Kahit hanggang tuhod lang." pagsusumamo ko parin.

"Sav naman, ang ganda nga niyan eh. Tska tama si Mommy Helena, hindi naman yan maiksi, tama lang, yan ang uso na haba ng mga damit ngayon. Kaya huwag ka nang maghanap ng mahaba kung ayaw mong paiksiin ko pa yan." pagbabanta ni Jenny.

"Grabe ka naman Jen! Maiksi nanga paiiksiin mo pa? Baka naman matulad ako kay Anne Hathaway niyan, kita na ang lahat pag exit ng sasakyan."

"Hahaha, ok lang naman yun huwag ka lang magsout ng angry bird undies. Kasi nakakahiya pag lumabas sa headline bukas.."Savannah Griffiths exposed her angry bird"..nakakaloka yun!"

"Baliw ka talaga Jenny kahit kelan. Hindi kana nahiya kay mommy Helene oh." saway ni Pena kay Jenny, kasi naman kung ano ano ng sinabi ng baliw na 'to.

"Pero oo nga naman Sav, bagay talaga sayo ang damit na yan. Hindi naman yan maiksi talaga, tsaka mag short ka nalang mamaya para hindi ka maasiwa. Hindi naman mapapansin yung short kasi hindi naman tight yang damit mo." dagdag pa ni Pena.

"Oo nga Sav. Kaya hubarin mo na yan ng maayos na ni miss saleslady at ng makapaghanap naman tayo ng sapatos mo." utos ni Monique.

"Yes darling, mabuti nalang naalala ni Monique. Magshoe shopping pa pala tayo and ofcourse spa" sabi ni mommy.

Kaya pumasok na ako sa fitting room kasama si Pena para hubarin ang damit ba sinukat ko. Pagkatapos, lumabas na kami at ibinigay sa saleslady yung damit, kasi lilinisin at i dry iron pa niya yun. Babalikan nalang namin mamaya.

"So mommy ano kayang magandang kulay ang babagay sa red dress ni Sav?" tanong ni Monique kay mommy Helena.

"Im not sure honey, kayo ba girls may naiisip ng kulay na pwedeng i pair sa damit ni Sav?"

"Hmmmm..how about red din mommy? Maganda yun, maputi naman si Sav, kaya babagay ang full red sa kanya." suhestyon ni Jenny.

"Huwag naman Jen, baka imbis na vexin ang expectation natin kay Sav maging santa clause ang lalabas." Pena.

"Sabagay, sige hindi nalang red, how about black?" tanong ulit ni Jenny.

"Nah, too mainstream na yang black Jin. Iba naman..hmmm..how about golden?" Pena

"Golden? Hmmm, maganda din. Sa tingin mo mommy?" tanong ni Monique kay mommy ulit.

"Well, let see first if we find a really good pair of golden shoes"

"Ok." sabay sabay na sagot nilang lahat.

At ako? Well ito nakikinig lang naman sa usapan nila para sa isosout ko mamayang gabi sa function na pupuntahan namin ni Heaven. Kanina pa kami dito sa mall kasi pagkatapos ng klase sinundo na kami ni mommy para magshopping nga ng isosout ko. At kanina pa talaga kami paikot-ikot kasi halos lahat ng papasukan namin wala SILANG(ninjas+mommy) magustuhan. Kesyo mahaba daw ang laylayan, masyado daw maluwang para sakin or hindi bagay sa complexion ko.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon