Contract 44- Mysterious Flowers.,

74.3K 637 67
                                    

Ito po ay para sa lahat ng mga bagong langga!! At kay @RaimeLee, kasi lage ko siyang napapansin na nagcocomment sa mga chaps :))

Nasa a/n po ang meaning ng bulaklak na natanggap ni Sav :)

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 43- Mysterious Flowers..

"Sav..gising..may bisita ka. Gising na Sav" naalimpungatan ako sa boses ni Pena na gumigising sakin, pero parang ayaw ko parin bumangon.

"Sav, may bisita ka. Nandito asawa mo.." kahit pa half sleep, half awake ako kanina biglang nagising buong diwa ko dahil sa mention ng "asawa". Andito si Heaven?

"Good morning langga.." napabalikwas na talaga ako ng bangon ng si Heaven na talaga ang narinig ko. Kaso lang..

"Ouch!" sabay naming hapo sa noo. Kasi na head bang ko lang naman siya pagbangon ko. Hindi ko naman kasi alam na nasa tabi pala siya at dukwang sakin.

"Hala, hala..sorry po Heaven" tapos hinapo ko rin yung noo niya. At grabe lang, biglang uminit ang katawan ko. Parang may kuryenteng dumaloy bigla sa boung systema ko at parang nahihiya ako. Kaso hindi ko nalang pinahalata kasi baka ano isipin ni Heaven eh.

"It's ok..kahit medyo may katigasan ang noo mo."

"Heaven naman eh..hindi ko naman sinasadya yun. Naalimpungatan lang talaga ako. Hmmm"

"Hmmm, yah..yah. I know. Anyway, bumangon ka na diyan and we will take breakfast together. I want to talk to you as well." bakit ganun, bakit bigla akong sobrang kinakabahan sa paguusap namin? Makikipag hiwalay na ba siya sakin? Pero bakit ang lambing naman yata niya at sinundo pa ako dito? Pwede naman niya ako kausapin sa ibang paraan diba? Hai ewan.

"Langga, come on. Bumangon ka na...para hindi tayo matagalan. Exam mo pa naman mamaya."

Ay oo nga pala no, first day of exam namin today.

"Opo" ayun bumangon na ako at naligo then nag ayos. Pagkatapos napaalam na kami sa ninjas.

"Sana maayos niyo na kung ano man ang dapat niyong ayusin huh..nang makauwi kana Sav sa bahay niyo. Masikip na dito eh.." pagbibiro pa ni Jenny.

"Oo na. Sige bye ninjas, kita nalang tayo mamaya huh."

Pagkaapos namin magpaalam umalis narin kami. Dinala ako ni Heaven sa isang mamahaling restaurant at napansin kung parang walang tao. Pero kasi umaga pa naman, baka kami lang ang buena mano nila.

"Hi sir, hi maam..what would you like to drink?" tanong nung hostess samin.

"Coffee, no cream and less sugar for me." sagot ni Heaven.

"Orange for me, thank you."

"Ok sir, maam il be back in a moment." tapos iniwan na niya kami.

"So..how are you?" panimulang tanong ni Heaven na nagpanervous naman bigla sakin. Anong sasabihin ko? Hindi ako ok, kasi nasasaktan ako? Pano..hai ewan. Basta.

"Ok lang naman. Medyo busy sa final revision. I-ikaw?" bakit ako nagstutter?

"Im fine, but not really fine." ano daw? Ang gulo naman ng sagot niya.

"Fine pero hindi fine..bakit naman?"

"How can I be fine if my wife left me alone in our house?"

"Huh?"

"Hai..andiyan na naman yang pagiging slowpoke mo Annika. Ang sabi ko..pano ako magiging fine kung wala ka naman sa bahay?"

"Ahh..hindi yun ang ibig kung sabihin. I mean bakit ka hindi fine na wala ako sa bahay? Eh ikaw nga 'tong lage akong iniiwan sa bahay mag isa eh." wala man akong balak sumbatan siya, pero parang naging sumbat yata yung sagot ko.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon