Contract 46- Love is Painful, love is sweet.

74.2K 674 34
                                    

This chap is for Gillhie..:) kasi suportado niya so Sav. Hehehe

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 45-

Kanina pa ako gising pero wala akong balak bumangon kasi sa tuwing iisipin kong baba ako, naiisip ko din na baka andun pa sina Heaven at Kanikka sa baba. Sa kalagayan ng puso ko ngayon ayoko na muna makakita pa ng ano mang makakasakit sakin. Ayoko nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon at ayoko na munang lumuha pa. Dahil ang hapdi hapdi na ng mga mata ko at ang sakit sakit ng lalamunan ko.

Paggising ko kanina, tiningnan ko muna yung oras. Naka lagay doon 8pm na, ibig sabihin boung hapon akong umiyak at natulog. Pero bakit ganun, kahit boung maghapon na akong umiyak, bakit masakit parin dito sa loob. Bakit parang pinipiga at minamartelyo parin ang puso ko sa sakit. Ganito ba talaga pag nasasaktan ang isang tao? Pagtulog at pagising ramdam parin ang sakit. Kahit sa panaginip andun parin, lumuluha parin.

Nagkakagusto na ba ako kay Heaven? O Mahal ko na ba si Heaven? Kaya ba ako ganito nalang kung masaktan? Kaya parang piniga ang puso ko sa nakita ko kanina? Dahil nagsisimula na akong mahalin siya? Pero papano ko naman mamahalin ang taong hindi ko dapat na mahalin? Ang taong hindi ako kayang mahalin? Kaya din ba masakit masyado dito sa loob dahil alam kung kahit mahalin ko pa siya, hindi niya ako kayang mahalin at may mahal na siyang iba?

Bakit ba napaka komplikado ng pag-ibig? Bakit ba kailangan pang may masaktan para lang may sumaya? Bakit kailangang ako pa ang masaktan? Bakit hindi pwedeng iba nalang, bakit hindi pwedeng kami ni Heaven ang maging masaya at iba nalang ang masaktan? Bakit kailangan pang maging ako ang hired bride niya, bakit kailangang maging ako pa ang naka kontrata sa kanya. Bakit hindi pwedeng wala nalang hired bride at kontrata? Bakit hindi nalang totoo ang kasal namin at totoo ang lahat ng nangyari noong nakaraang buwan? Bakit kailangan pang maging ganito kami ngayon?

Pero ang sabi nga sa kasabihan, pag hindi para sayo. Hinding hindi magiging sayo. Kaya siguro kahit gaano pa kami naging masaya dati, ito naman ang naging kapalit. Dahil sa simula palang, hindi na kami para sa isa't isa. Parang isang magandang imagination lang ang nangyari at ngayon ito na ang katotohanan.

*Hey I just meet you, and this is crazy

But here's my number, so call me maybe*

Nahinto ako sa pagiisip dahil sa ringtone ng phone ko.

Pena calling...

"He--"

["Savannah Griffiths! Asan ka na? Kanina pa kami tawag ng tawag sayo hindi ka man lang sumasagot? Anong nangyari sayo? Ok ka lang ba?"]

"Nasa bahay na ako.." matamlay na sagot ko kay Pena.

["Mabuti naman, pero bakit hindi ka makasagot kanina? At bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba?"]

"Dahil pagdating ko nakatulog na ako deretso. Hindi ako umiiyak Pens, nakatulog lang ..."

["Talaga lang huh? Eh bakit basag na basag ang boses mo? Parang boses nang umiiyak.."]

"Dahil kakagising ko lang po."

["Hai ewan sayo Sav. Kaibigan mo kami, kaya kahit anong pagsisinungaling mo alam namin na nagsisinungaling ka. Sana lang sabihin mo samin anong problema."]

"Pena..wala talaga. Kakagising ko lang talaga kaya ganito ako."

["Whatever Sav. Basta ba andito lang kami. Anyway napatawag lang ako dahil nagaalala kami sayo."]

"Salamat Pens sa pagaalala, pero ok lang talaga ako. Anywa, sige na huh dahil baba pa ako."

["Ok, basta kung gusto mo kaming kausap andito lang kami. At sana mapag-usapan niyo mag asawa kung ano problema niyo. Bye Sav."]

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon