Contract 47- Confrontation with Kanikka.

73.3K 691 87
                                    

Dedicated po ito kay superdupermahalkita :) Dahil nagflood ang gmail ko dahil sa mga comments niya :))

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 46-

*Kriiinnggg*

Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Hindi ko alam kung bakit pa ako nag alarm samantalang wala namang pasok ngayon. Tapos ang aga aga pa ng alarm ko, 7am. Siguro masyado lang akong naging sensitive sa alarm kaya agad akong nagising. Hindi rin naman ako nakatulog ng maayos kagabi. At dahil nagising narin ako, bumangon na ako deretso. Hindi rin naman ako makakatulog pa ulit. Magluluto nalang ako ng almusal namin ni Heaven. Kung kakain siya, ok. Kung hindi, sige lang.

Pagkatapos kong makausap si mzpublicstories at Pena kagabi at makapag idip isip rin ng mabuti, medyo nagkaroon ako ng panibagong lakas. Kasi kahit papano binigyan nila ako ng hope para samin ni Heaven. Kahit alam kung hindi ako mahal ni Heaven, kahit alam kung masyado silang close ni Kanikka. At kahit pa nakita kong naghalikan sila, atleast hindi ko pa naman naririnig na sinabi ni Heaven na mahal niya si Kanikka. Kaya kahit papano, baka may pag-asa pa ako sa kanya. Hanggat hindi siya humihingi ng annulment sakin, kahit masaktan pa ako ng paulit ulit. Kakayanin ko. Hindi muna ako susuko.

Dahil mahal ko siya.

Yan ang positibong natuklasan ko kagabi, na kaya ako nasasaktan talaga dahil mahal ko si Heaven, na nahulog na ang puso ko sa kanya dati pa man noong malambing pa siya sakin. Noong ok pa kami sa isa't isa. Kaya hindi ako susuko agad agad, dahil minsan lang akong magmahal. Sasagarin ko na. Masaktan na kung masaktan. Call me tanga, stupid, gaga, manhid, bulag at kung ano ano pa pero diba ganun ang pag ibig? Diba lahat ng tao nagkakaganun pag nagmamahal? At sa na ako dun.

Pagkatapos kung mag hilamos at mag toothbrush, bumaba na ako. Ang tahimik nang boung bahay, nakaramdam tuloy ako ng lungkot.

Pagpasok ko sa kusina, andun parin yung mga pagkain na nasa mesa kagabi. Parang hindi talaga siya nagalaw. Kaya pinabayaan ko na lang din. Gumawa nalang ako ng sarili kung pagkain tapos tinabi ko yung para kay Heaven. Pagkatapos kung kumain, umakyat ulit ako sa taas para kunin yung mga maruruming damit namin ni Heaven. Maglalaba na lang ako. I will make my self busy nalang para hindi na ako makapag-isip pa ng kahit ano.

Nung nakuha ko na lahat ng maruming gamit, bumaba ulit ako tapos magsimula ng maglaba. Yung ibang damit ni Heaven kinamay ko, kasi masilan siya sa gamit eh. Yung akin lang ang halos lahat naka machine. At dahil busy ako sa paglalaba hindi ko na namalayan ang oras. Pagtingala ko sa wall clock na nakasabit sa dinding ng labahan, alan onse na. Ang tagal ko palang naglaba.

After ko maglaba, pumasok muna ako sa kusina para tingnan kung kumain ba si Heaven at para linisin narin ang kusina. Sa gulat ko, wala na yung tinabi kung pagkain para sa kanya. Hinanap ko pa sa basurahan kasi akala ko tinapon niya. Pero wala eh. So ibig sabihin, kinain niya? Sana lang. Ayoko ng umasa pa.

***

Boung araw paglilinis lang ng bahay ang ginawa, tapos kunting chikahan sa ninjas. Kahit pansin parin nila ang pananamlay ng boses ko hindi na sila nagtanong pa. Lalo na si Pena.

Bandang alas sais ng marinig kung may nagbukas ng pinto, nasa labas ako ng patio nagpapahangin. Akala ko si Heaven ang dumating, hindi pala.

"So..the whore is back. Bakit ka pa bumalik dito? "

"Kanikka? Pano ka nakapasok dito? At sinong whore? Bahay namin 'to kaya babalik ako" opo, si Kanikka ang bagong dating.

"King gave me the passcode. And come on! Hindi mo na kailangang magmaang maangan pa. You know what I mean.." binigay ni Heaven ang passcode ng bahay? Ok lang yan Sav. Ok lang yan.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon