Contract 41- Back into your arms nga ba?

72.7K 671 39
                                    

Ito po ay para kay @Charmainesshi dahil sa dami ng "please" niya. Hehehe. Kaya ito na, UD na. :pp

Please read the AUTHORS NOTE po sa baba. Importante lang po :))

Kung may time po kayo, pabasa naman po ng Completed story ko na "Mr Sandbag + Ms S" maganda din po siya, promise. Medyo nakakadugo nga lang ng ilong. Hehehehe

Follow me on twitter po.

Like the TBHH fb page po.

Ask me rin po sa ask.fm.

Ok ako na wagas kung maka promote. Hehehe

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 40- Back into your Arms nga ba?

"Ahhmmm..ang iksi naman yata ng skirt natin ngayon Sav? May aakitin ba yang mga legs mo?"panunukso sakin ni Jenny.

"Oi grabe ka naman Jen. Wala no! Tsaka hindi kaya 'to maiksi" naka mini-skirt kasi ako ngayon. Hindi naman talaga siya maiksi.

"Oo nga naman Jen. Ikaw naman,'wag mo nang pansinin ang taong gustong i-seduce ang sariling asawa. Hahaha" ang lokang si Monique.

"Hai naku, ewan ko sa inyong dalawa! Pens halika na nga baka mapagalitan pa ako ni Heaven pag nalate tayo sa pagsundo sa kanya." yaya ko kay Pena palabas.

Oo nga po mga kaibigan, ngayon po ang dating ni Heaven the maputlang masungit. Hehehe. Ready na ba kayo? Ako reading ready na at may kasama pang kunting kilig at excitement. Hahaha. Oi huwag kayong ganyan, isang linggo kaya siyang nawala, kaya normal lang na kiligin ako. Hahaha. Hiya naman ako dun :)

Pero alam niyo, sa totoo lang may napansin akong kakaiba kay Heaven kagabi nung tumawag siya sakin. Una na, hindi kami nag-usap sa skype, at yun nga tumawag lang siya sa phone para sabihing uuwi nga siya ngayon. Tapos parang ang bigat ng binibitawan niyang salita. Alam niyo ba yung pag galit kayo tapos pilit niyo lang kinakalma ang sarili niyo, kaya parang nagtatagis yung mga bagang niyo pag nagsasalita. Ganun ang nangyari kagabi. Hindi ko naman alam kung galit ba siya or ewan, kasi nga hindi ko nakikita ang mukha niya. Tapos, usually naman pag nag-skype kami medyo malambing siya sakin. Kagabi, naku! Wala na talagang lambing, para bang bumalik ang pagiging maputlang masungit niya. Bakit kaya?

Huwag naman sana yung kinakatakutan ko. Pero imposible din naman kung magsusumbong si Kanikka diba? Kasi nasa Brazil naman si Heaven at andito naman si Kanikka. Kaya kung magsumbong man siya, siguradong pagdating na ni Heaven yun.

Pero bakit nga kaya ganun si Heaven? Hai ewan! Siguro pagod lang yun, kaya sinusumpong na naman ng pagiging maputlang masungit niya.

"Oi Sav, parang ang layo na naman yata ng iniisip mo ah. Kagabi ka pang ganyan, may problema ba? Diba dapat masaya ka ngayon dahil uuwi na si Heaven?" puna sakin ni Pena habang nasa loob kami ng sasakyan papuntang airport.

"Wala ito Pens, kinakabahan lang ako sa muli naming pagkikita ni Heaven. Alam mo na isang linggo din yun eh. Hehehe"

"Ano ka ba, eh, gabi gabi kayong nag-uusap sa skype. Kaya parang nasa tabi mo lang din siya. Kaya huwag ka nang kabahan. O baka naman iniisip mo ang isang linggong pupunan niyo ni Heaven mamayang gabi?"

"Oi Pena Aradia! Napoison na naman ng dalawang loka loka yang utak mo ah. Naman eh..>//

"Oi hindi no, pinapakalma lang kita. Ayan kumalma ka din. Hehehe"

Pagkatapos ng mga 45 minutes siguro, nakarating narin kami sa airport at sasabihin ko sa inyo. Sobrang kinakabahan na ako, grabe! Parang nangangatog na yung tuhod ko sa kaba at namamawis na rin ng malagkit yung kamay ko. Basta kakaibang kaba yung nararamdaman ko. Siguro dahil alam kung may kasalanan ako. Kaya kahit anon pang pang-aalo ko sa sarili ko, hindi ko magawa kasi alam kung guilty ako. Kahit ilang libong beses ko pang sabihin sa sarili ko na wala lang yung kagabi kay Heaven, hindi parin talaga mawala-wala sa isip ko na meron nga. At yun ang nagpapakaba lalo sakin.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon