Contract 58- Kiss and Tell.

70.2K 814 81
                                    

Dedicated po kay Evangelinedayon. Thanks for reading at pagiging isang langga :).

_____________________________________________________

Hired Day 57- Kiss and Tell.

"Heaven?"

"Annika.."

"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa natutulog?" gulat na tanong ko kay Heaven dahil naabutan ko siya sa sala na nakaupo at nakapatay pa ang ilaw.

"Im waiting for you."

"Huh? Hinihintay mo ako, bakit?"

"Because I want to talk to you.."

"Gusto mo akong kausapin, ngayon?" mas naguluhang tanong ko kasi bakit gusto akong kausapin ni Heaven sa ganitong oras, halos madaling araw na.

"Yes, ngayon. Gusto kung makipag usap sayo ngayon." seryosong sagot niya.

"Oh..ok. Pero pwede ba nating pailawin ang ilaw, ang dilim kasi Heaven." baka kung ano pa kasi makita ko maliban kay Heaven :)

Pagkatapos niyang i-on ang ilaw umupo na ulit siya tapos ako naman umupo sa kaharap niyang upuan.

"What are you doing Annika?" seryosong tanong niya sakin.

"Anong ibig mong sabihin Heaven?"

"Bakit ngayon ka lang umuwi? Annika you are a married woman, hindi magandang tingnan na umuuwi ang may asawang tao sa ganitong oras."

"A-ano kasi Heaven may party kasi kena Adam kaya natagalan akong umuwi" hindi naman totoong may party.

Kanina kasi biglang tumawag si Pusa sakin, labas daw kami. Kaya nung nagpaalam ako kay Heaven sinabi kong lalabas kami ni Pusa, eh yun pala gusto lang magpasama ni ate Aeden na naman mag shopping. Tapos pagkatapos namin mag shopping inihatid na ako ni Pusa dito sa hotel, pero pinatambay muna niya ako sa isang hotel room at madaling araw naraw akong umuwi tapos sabihin ko daw kay Heaven na may party nga.

"Kahit na may party Annika, dapat alam mo parin anong oras ka uuwi." sa tono ng boses ni Heaven ngayon alam kong nagtitimpi lang siya ng galit niya. Pero bakit ba siya galit?

"So-sorry Heaven, ang tagal din kasi ni Pu-Adam na mabakante kaya matagal niya akong naihatid." ang hirap talagang magsinungaling. Hai.

"Annika, ano ba kayo ni Adam?" dahil sa gulat ko sa tanong niya, hindi agad ako nakasagot.

"Ah..ah" yan lang naisagot ko.

"Kayo na ba?" ngayon alam kung nakatitig siya sakin. Pano ko ba sasagutin ang tanong ni Heaven?

"A-ano..wa-wala..hi-hindi.." ano bang isasagot ko? Sasabihin ko na ba ang totoo, na plano lang lahat yung samin ni Pusa.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon