Contract 48- Friendship is Priceless.

74.6K 642 42
                                    

This chap is for my very good freinds dito sa wattpad, sina Milky, Ysa, Sisterette, Fc, Gwen, Lheign, Ling, Paupau at Bunso. They are my family dito sa wattpad :)

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 47-

Its been days after ng confrontation namin ni Kanikka, simula din noong araw na yun hindi pa kami nagkakausap ni Heaven. Kung dati siya ang umiiwas sakin, ngayon naman ako na ang umiiwas sa kanya. Hindi ako umiiwas dahil sumusuko na ako, kundi dahil nasasaktan ako. Kasi noong araw na yun, nang pumasok ako sa kwarto ko, hindi man lang siya sumilip sakin. Hindi man lang niya ako tinanong kung ok lang ba ako. Kahit naman galit siya sakin, sana man lang dinaluhan niya ako kahit isang beses lang. Pero wala eh.

Ngayong araw narin pala ang punta namin sa Palawan. At hindi ko man lang natatanong si Heaven kung sasama siya at hindi rin ako nakapag paalam. Instead na umuwi ako sa bahay para kahit papano magkaayos kami, mas lalo lang yata kaming nagkalayo.

"Ninjas! Wow ang gaganda niyo ah..pero mas maganda ka ballPena..pa hug naman diyan oh!" si Zag yan, andito kami sa airport ngayon. Dito na kasi kami magkikita kita. Tinanong nila sakin si Heaven, sabi ko susunod nalang. Ewan ko kung anong rason niya sa circle.

"Tch! Tigilan mo nga ako Zagotistic kung ayaw mong lumipad papuntang Palawan ngayon."

"Wooohhh, fiesty! I like that..may dalaw ka ba ballPena at ang init yata ng ulo mo?" pang-aasara parin ni Zag kay Pena. Pasalamat nalang talaga ako dahil ang kukulit ng mga kaibigan ko, kahit papano napapasaya nila ako.

"Isa pa talaga Zagotistic, mauuna ka talaga sa Palawan. Sige pa.." seryosong banta ni Pena. Pero makikita mo naman sa mukha niya na nakikipag lambingan lang siya kay Zag. :) Kahit naman kasi hindi niya sabihin samin, alam naming tatlo na nadadala na siya sa kakulitan ni Zag.

"Ok ok, titigil na. Hehehe. Pero teka lang..asan si Park at Alfie?"

"Wala pa eh, tumawag si baby Alfie sakin kanina na traffic daw siya. Si Park..oh ayan na pala..." sagot ni Jenny tapos tinuro si Park na may kasamang babae.

"Hey ninjas..Zag man!" bati samin ni Park. Yung kasama niyang babae medyo nahihiya pa.

"Naman man! May girlfriend ka na nga, late ka parin? Hindi ka na nahiya talaga.." biro ni Zag, pero kami ng ninjas titig na titig kay Park. Hindi kasi namin alam na may girlfriend na pala siya.

"Girlfriend?!" tanong sigaw naming apat.

"Ahh..hehehe. Oo..Leeya Mae nga pala. Girlfriend ko. Babes ang ninjas. Pena, Jenny, Monique at Savannah. Heaven's wife." pagpapakilala niya samin. Tapos kamot batok ulo pa. :)

"Hi Leeya Mae..pwede Leeya nalang tawag namin sayo?" bati ni Monique.

"Hi..oo naman. Nice to meet you all."

"Nice to meet you too. Welcome sa magulong barkadahan. Hehehe" bati ko rin. Napapansin ko lang na medyo mahiyain yata itong si Leeya.

"Oi Leeya, huwag ka nang mahiya samin ah. Magulo kami, kaya wag ka nang mahiya." dagdag naman ni Pena.

"Ahh..hehehe. Salamat girls."

Tapos ayun, after namin makilala si Leeya, hinintay pa namin si Alfie. Mabuti nalang medyo matagal pa rin ang boarding namin.

"Alfie baby! Ang tagal mo naman!" sambit ni Jenny nang dumating si Alfie sabay yakap at halik sa lips. Ayun, si Alfie mapula pa sa cherry. Hai, kawawang Alfie.

"Oi, oi..Jen nasa public place tayo, wag mo namang molestyahin dito si Alfie. Tingnan mo oh, pulang pula na sa hiya si Alfie." sambit ni Monique.

"Alfie baby, kinahihiya mo ako? Isang Jenny Tan kinahihiya mo?" nakasimangot na tanong ni Jenny sa mapula paring si Alfie.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon