Contract 53- Double D, nah C+, A!

76.1K 735 70
                                    

This chap is for Otakugurl. Dahil siya lang ang nagiisang otaku girl. Hehehe. Di nga kasi nung nabasa niyanamay nagpromote ng TBHH quote siya nagsabi sakin. Salamat otaku :)

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 52- Double D, nah C+, A!

["Are you ready?]

"Medyo. Asan ka na?"

[Nandito sa lobby ng hotel. He's here"]

"Ok. Baba na ako. Bye"

Ok ito na. Ito na ang simula ng plano namin ni Pusa para pagselosin si Heaven. Sobrang kinakabahan ako kasi susunduin ako ni Pusa sa lobby ng hotel at nandun din si Heaven. Napag-usapan kasi namin kagabi na sabay kaming pupunta sa school ngayon para sa enrollment. Magsisimula na naman kasi ang klase.

Kung gusto niyo malaman anong nangyari nung nasa Palawan kami after ng gabi na nagsama sina Heaven at Kanikka sa Island of Hope. Wala naman masyado. Halos masabunutan lang naman ni Monique si Kanikka kung hindi lang napigil nina Leeya at Pena. Tapos may tension sa circle. Nung gabing yun, halos hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip kung anong ginagawa nina Heaven at Kanikka at sa plano narin ni Pusa na pagselosin si Heaven.

Paggising ko kinabukasan, nagkakagulo na sa labas dahil dumating na si Heaven pero wala si Kanikka. Tinatanong ng ninjas si Heaven kung bakit si Kanikka ang sinama niya pero hindi siya sumasagot. Ang ibang circle nakatayo lang, halatang galit din kay Heaven. Pagkakita sakin ni Heaven, bigla siyang tumayo palapit sakin pero mas nauna si Pusa nakalapit sakin at iginiya ako palabas. Tapos hindi ko na alam kung anong nangyari sa loob.

Pumasok lang kami ulit ni Pusa nang dumating si Kanikka at yun nga halos masabunutan na ni Monique. Iba pa dun, wala ng nangyari. Ang ninjas na ang nag empake ng gamit ko tapos laging nasa tabi ko si Pusa. Kaya hindi talaga kami nagkausap ni Heaven. Hanggang sa dumating kami dito sa bahay. Sabi kasi ni Pusa, itry ko daw na iwasan si Heaven para umpekto ang plano niya. Kaya yun din ang ginagawa ko. Everytime na mag-aattempt si Heaven na kausapin ako, either iniiwan ko siya or tinatalikuran. Masakit man sakin ang ginagawa ko, pero dapat daw.

At ito nga ngayon, ito ang unang beses na makikita kami ni Heaven.

Hai. Please God tulungan mo po ako. Sana maging successful itong plano ni Pusa. Ameen.

Ito na ako ngayon sa lift. Bakit ba ang tagal ng lift dumating? Naman eh.

*Ting*

Ito na. Ito na talaga. Ay teka nasabi ko na bang kung ano pinasout sakin ni Pusa? Mag iba din daw ako ng style para isipin ni Heaven na nagbago ako para sa kanya. Kaya ito ngayon, naka casual dress ako. Above the knee tapos pinatungan ko ng cardigan. Para naman hindi masyadong sexy, baka magalit kasi si Heaven. Tapos ginawa kong bun ang buhok ko. Yun lang. Simply. :)

*Ting*

Andito na ako sa lobby. Paglabas ko sa lift *booggssh* may nakabangga ako.

"Sorry..hi-"

"Annika/Heaven?" sabay naming banggit. Opo, si Heaven lang naman ang nakabunggo ko. Naman!

"Where are you going?"

"Sa school."

"Ihahatid na kita."

"Hindi na. May sundo na ako"

"Sino?"

"Ako. Hey man! How are you? Sinusundo ko lang si Sav" biglang singit ni Pusa sa usapan namin ni Heaven.

"Bakit mo sinusundo ASAWA ko?" tama ba narinig ko? With emphasis talaga ang asawa pagkasabi niya?

"Nagpasundo kasi siya sakin. Wala daw kasi maghahatid sa kanya. Kaya im here" pasimpling sagot naman ni Pusa.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon