ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2

3.5K 219 48
                                    

[= Miragh =] :

"Huwag ka bumitaw sa akin Navah at baka mawala ka pa."

Kanina ko pa hinahawakan ang kamay ni Navah dahil sa para itong batang ngayon lang naka labas sa bahay dahil sa kakalingon nito kahit saan.

Minsan nga ay pumupunta pa ito sa iba't ibang gusali na may mga paninda.

"Isa ka pa Radya, sisipain talaga kita pag mawala ka."

Parang ako yata akong Yaya na nakokonsimesyon sa dalawang ito.

Talo pa yata ang limang taong bata sa kakulitan nila.

Nasa kanan ko si Navah habang hawak-hawak ko ang kaliwang kamay nito at si Radya naman sa kaliwa at kanang kamay niya naman ang hawak-hawak ko at kapag may nakita sila sa malayo ay agad ko hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanilang kamay para hindi maka takbo.

"Eh kasi naman Mahal na Prinsesa Xhandria, ngayon lang kami naka gala sa ganitong ka gandang bayan."

Ohhh,tapos?? Kung mawawala kayo? Saan ko kayo hahapin?

Parang hindi pa naman uso dito ang lost and found center.

"Hindi tayo pumunta dito para gumala."

Inikutan ko lang ng aking mga mata si Radya na nakanguso dahil sa sagot ko sa kanyang sinabi.

Papayagan ko naman silang gumala kong gusto nila pero sa ngayon ay hindi ko muna sila pwede pabayaan dahil alam kong hindi pa nila kabisado ang pasikot-sikot sa bayang ito isa pa kanina pa kumakabog ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

Para akong kinakabahan na parang ewan.

"Wahhhh!! Tignan mo po yun Prinsesa Xhandria ang ganda naman nong isang grapon. Kumikinang, tara bilhin po natin."

Sabik na sabik na sabi ni Navah habang naka turo don sa isang tindahan na may mga iba't ibang grapon na may laman na umiilaw.

Nakakamangha nga namang pagmasdan dahil parang may mga maliliit na alitaptap sa loob na may iba't ibang kulay.

"Ayaw. Wala tayong pera."

Kahit gusto ko rin yun bilhin para gawing palamuti sa aking ngipin ay magtitipid muna ako ngayon.

Ganda siguro talaga tignan pag ididikit ko iyon sa aking ngipin para sa bawat ngiti ko ay nagliliwanag ng iba't ibang kulay ang aking bibig.

"Pero meron po akong per-..."

"Ako din po merun din Prinsesa Xhandri-.."

Agad ko silang hinala upang makalayo sa tindahan na iyon para hindi na nila ipagpipilitan pa ang kanilang mga gusto.

Nag mukha na akong Ina sa dalawang ito na inalalayo sila sa mga bagay na gusto nilang bilhin.

"Huwag niyo ako pag taasan ng mga nguso niyo kung ayaw niyong pagtatapyasin ko ang mga iyan."

Pero mas lalo lang yata humahaba ang mga nguso nila habang nagpapatianod sa aking pagkakahila sa kanilang mga kamay.

Ayaw kong gumasta sila sa mga bagay na hindi kailangan at hindi importante.

Gusto ko mag tipid sila dahil wala na kaming natatanggap na pera mula sa magaling na pamilya ni Miragh.

Buti na nga lang at libre ang pagkain sa Akademya at hindi kami nagugutom.

"Ipunin niyo nalang muna ang pera niyo, isa pa diba sabi ko mag nenegosyo tayo? Tulungan niyo nalang ako don."

Dahil hindi uso ang tsokolate, cosmetics, lotion, shampoo at iba pa sa mundong ito ay yun ang ebebenta ko.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon