ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1

6.1K 287 29
                                    

"Sumagot ka kapag tinatanong kita."

Galit na sabi nito sabay hampas nang malakas sa mesa kung saan kami kumakain.

Napakislot naman sa gulat ang tatlong palakang babae sa na nasa aking harapan.

Ah! Oo nga pala. Nandito ako ngayon sa hapag kainan ng palasyo kasama ang Hari at ang Reyna na kasama ang dalawa niyang mga anak na mukhang palaka katulad niya.

Kanina pa lang dumating ang Hari sa kung saang lupalop man ito nanggaling at pinatawag agad ako upang sumalo sa sermunan na may kaunting lamunan.

Dahil sa abala ako sa pagkain ay hindi ko siya pinapansin.

Lalamun muna ako baka kasi mawalan ako nang ganang kumain mamaya.

Sayang naman kasi kung magka ganon dahil sobrang sarap ang mga naihandang pagkain tapos sobrang dami pa.

Kanina niya padin ako tinanong kung ano daw ang ginawa ko sa anak niyang nag ngangalang Quinara Lurife na kakambal ni Quinta Loreta na anak nang palakang Reyna Quirada Lucifia.

Isang taon lang din ang agwat ng edad namin nong magkambal at syempre bunso ako este ang katawang ito kaya pinagpala ito ng sobra-sobra sa kagandahan.

Sabi daw nina Navah ay dating kasintahan ito nang hari bago nagpakasal ang Hari sa ina ni Miragh.

Miragh (me-ra) nalang ang itatawag ko sa may ari nang katawan na ito. Ang haba-haba naman kasi nang buong pangalan niya eh.

Balik tayo sa paksa tungkol sa mag ina na pinagdududahan ko.

Pagkatapos daw mamatay nong Reyna Xhandra ay nagpakita itong mag ina nato sa hari at sinabing may na buo sa kanilang ginawa nong naging sila pa lamang pero hindi lang daw siya nagpakita ka agad sapagkat ayaw daw niyang masira ang kasiyahan at pagmamahalan nang Ama at Ina ni Miragh.

Tinanggap naman agad ito nang hari nang malaman niyang may kapangyarihan at mahika din ang dalawang palakang anak ng Reyna bilang isang manggagamot.

Pero nang makita ko ang pag mumukha nila ay merung agam-agam sa isip at puso ko dahil sa sobrang layo nang hitsura nila sa Hari.

Mukhang tao ang hari pero ang mga mukha nila ay parang nag mana sa hitsura ng isang palaka kaya sobrang labo talaga na ana-....

"Tignan mo ang anak mo kung gaano ka bastos. Kahit ikaw ay hindi na ginagalang. Simula noong nagkaroon siya nang isip ay hindi na ako ginagalang nito bilang ikalawa niyang Ina at kahit ang kanyang mga kapatid ay lagi pa niyang sinasaktan."

Naputol ang iniisip ko nang biglang mag drama ang Reyna nang mga palaka.

Napataas naman ang isang kilay ko nang may pa iyak iyak pa itong nalalaman na parang nagmamakaawa sa harapan ng hari.

Lalo na ang palakang nag ngangalang Quinara ay humagulhol pa talaga ito habang pinapakita ang kamay niyang medyo maitim pa din hanggang ngayon kahit mag aapat na araw na ang nakalipas mula noong tinampal ko ito.

"Ipaliwanag mo ngayon din ang ginawa mo sa nakatatandang kapatid mo, Ellese."

Malamig na sabi nang hari sa akin nang makita niya ang nangyari sa kamay nang anak niyang palaka.

Nakita ko naman ang palihim na ngisi ng Reyna at nung Quinta pero si Quinara ay umiiyak talaga ito habang patuloy na tinitignan ang kanyang kamay.

Kawawa naman sana pinutol ko nalang para wala ng itim ang makita niya at iiyakan.

Pshhhh!!!

Pinunasan ko muna ang bibig ko bago itinulak nang kaunti ang pinggan sa aking harapan dahil sa nawalan na ako nang gana pang kumain.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now