ZTUP S1 - C H A P T E R : 6

7.4K 259 22
                                    

[=A=]:

Hindi malaman ng dalawang babae kung ano ang dapat nilang gagawin sa kanilang mahal na Prinsesa. Mula nang magising ito ay pakiramdam nilang tila ba ibang tao na ang kanilang kaharap.

Hindi nila akalain na sa pag dilat nang mga mata nito ay isang mura naman ang unang lumabas at marinig nila mula sa magandang mga labi nito.

Masaya at namangha man sila dahil muling nabuhay ang kanilang mahal na Prinsesa ay nagkarun naman ng pagkaka bahala ang kanilang mga puso. Dahil ang isang mahinhin at hindi makabasag pinggan nilang Prinsesa ay para bang bigla nalang naging isang mabangis na tigre.

Pero ang pagkabahala nila ay nadagdagan nang awa mula ng marinig nila ang sinabi ni Ginoong Aurong na baka nakalimutan lang nang mahal nilang Prinsesa ang lahat dahil sa pagka bagok ng ulo nito. Dahil sa sinabi nong matandang manggagamot ang sanhi kung bakit hindi sila kilala nang kanilang mahal na Prinsesa ay naisip nilang hindi siguro ito ibang tao kundi nagbago lang ang ugali nito dahil nga ay nakalimutan niya ang lahat.

Tinitigan nila ang mahal nilang Prinsesang naka upo sa higaan nito habang patuloy na ginugulo ang buhok nito at nag sasalita ng paulit ulit at hindi nila maiintindihan ang ibang salita kung ano dahil bago lamang ito sa kanilang pandinig.

"Shitt!! Bakit ba ang ganda ng mukha nito."

Nang madinig nila ang mahinang bulong nang mahal nilang Prinsesa ay naala-ala na naman nila ang reaksyon nito matapos makita ang sariling hitsura mula sa salamin.

Hindi alam ni Navah kung maawa ba siya or matatawa dahil para bang manghang mangha ang kanilang Prinsesa sa sarili nitong pagmumukha habang nakatingin sa salamin. Ngunit hindi niya ito masisisi dahil kahit siya at ganon din ang kanyang naging reaksyon noong unang kita niya dito.

Nakakamangha ngang tunay ang napakagandang mukha nang Prinsesang aalagaan niya. Nakaka iba sa lahat dahil ang tinataglay nitong ganda ay walang katulad. Nakaka akit talaga ang sobrang ganda nito. Nakaka tomboy at alam niya kung naging lalaki lamang siya ay handa niya gawin ang lahat para mapa ibig lamang ito sa kanya.

Sa kabilang banda naman ay naluluhang pinag masdan ni Radya ang pinaka mamahal niyang Prinsesa Xhandria habang patuloy itong bumubulong nang kung ano-ano at patuloy na ginugulo ang sarili nitong buhok.

Hindi niya lubos akalain na ito ang maging kapalit sa muling pagka buhay nito. Nahahati ang puso niya sa saya at lungkot.

Masaya siya dahil nabuhay ito pero sobrang lungkot naman niya nang malaman niyang nawala ang ala-ala nito at lalo nang makumperma niyang naging baliw na ang kanyang Prinsesang inaalagaan.

Siya na ang nag aalaga nito mula noong isang taong gulang pa lamang ito. Nong nakita niya ang reaksyon nang kanyang mahal na Prinsesa sa sariling repleksyon nito mula sa salamin ay gusto niya itong yakapin at damayan.

Lalo na at buo na talaga ang kanyang pag iisip na nawala na talaga sa tamang katinoan ang kanyang mahal na Prinsesa dahil kitang kita niya ito sa kanyang sariling mga mata na para bang nahuhumaling na ito sa sarili niyang hitsura na halos halikan na nito ang salaming hawak.

Isa pa sino ba ang matinong babae na pipisilin at aalugin ang sariling parte ng pribadong katawan nito.

'Gagawin ko ang lahat mahal na Prinsesa bumalik lang ang ala-ala mo lalo na ang tamang pag iisip mo. Pero kung hindi man mangyari yun ay hindi ako aalis sa tabi mo at handa rin akong mawalan nang tamang pag iisip makasama at madamayan ka lang habang buhay.'

Nang maisip niya ang mga katagang yun ay muli na naman siyang napa iyak at humagulhol na nang malakas habang lumalapit sa harap ng Prinsesang naka upo sa higaan.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now