ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6

4.9K 228 31
                                    

[=Nexzeuss Lawrence=] :

"Kuya Haogu, sa Cantena nalang ako manananghalian dahil gusto ko rin muna pumunta sa silid aklatan ng Akademya."

Gusto ko rin hanapin at malaman kung anong klaseng itim na mahika ang merun sa Maalamat na babae at kung merun ba itong kapareha sa kanya sapagkat hindi parin ako kumbinsedo na bumalik siya sa aming panahon ngayon.

Tumango lang si kuya Haogu sa aking sinabi at naglakad na ako upang lumabas sa aking opisina para makapunta sa Cantena.

Pinaayos at pinahanda ko nalang sa kanya ang mga ibang mga papel na hindi ko pa na basa at na lagdaan.

Mas lalo lang dumadami ang problema na dumadating sa aking buhay at lalo na sa kaharian.

Dalawampo't dalawang taong gulang pa lamang ako pero parang pasan ko na ang buong mundo dahil tila na sa akin na ang lahat nang problema na hindi ko alam kung paano lutasin.

Habang nag lalakad ako ay kitang kita ko ang Prinsesang baliw na nakayukong nag lalakad na parang wala sa sarili.

Kita kong nababangga na niya ang ibang mga mag-aaral at ang iba naman ay kusa nalang umiiwas dahil parang tila hindi nito naririnig ang mga reklamo sa kanyang paligid.

Ano na naman kaya ang kabaliwang sumapi sa katawan nito.

Pinagkrus ko ang aking dalawang braso sa aking dibdib at kunot noong tinitigan ang Prinsesang baliw na malapit na sa aking kinatatayuan.

Hanggang sa bumunggo ang noo nito sa aking dibdib.

Tsskkk!!!

"Baliw na nga bulag pa."

Parang nasalo na yata ng babaeng ito ang lahat ng ugali sa buong mundo.

Baliw, maldita, hindi normal, bulag, bingi, manhid at iba pa.

Hindi manlang niya ba nararamdaman na may tao sa kanyang harapan?

"Masama na nga ang ugali tanga pa."

Kumulo naman ang dugo ko ng mag angat ito ng isang masamang tingin sa akin.

Sinalubong ko naman ang mga mata niya kahit nag uumpisa ng humirantado ang tibok nang aking puso na hindi ko nalang pinag bigyan pansin.

Siya na nga ang naka bunggo sa akin siya pa talaga ang may ganang magalit?

Aba'y dumadami na ang kasalanan na nagawa niya sa akin ah.

"Ako pa talaga ang tanga sa ating dalawa na kung tutuosin ay ikaw ang naka bunggo sa akin dahil sa kakayuko mo habang naglalakad?"

Napaka tanga talaga nitong babaeng ito.

Napaka gaspang ng pag uugali.

Napaka maldita.

"Oo, dahil nakita mo naman pala akong naka yuko habang nag lalakad ay hindi ka pa umilag."

Napaka walang kwenta talaga nito mag bigay ng rason.

Ako pa talaga ang sisihin niya sa kagaspangan ng ugali niya.

"Nag dadahilan ka pa sa kamalditahan mo?"

Kita kong marami na ang nakatingin sa amin at nag bubulungan na ipinag sa walang bahala ko lamang dahil sa naiinis talaga ako sa Prinsesang baliw na nasa aking harapan.

"Sa akin mo pa talaga ibinaling ang kamalditahan mong itlog ka?"

Dinig ko ang napasinghap ng marami dahil sa kanyang walang habas na pag tawag sa akin ng ibang pangalan.

"Sa gandang lalaki kong ito ay ihahambing mo lang ako sa isang itlog? Isa kang lapastangan."

Nagpupuyos na ako sa galit dahil sa kanyang binitiwang salita.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon