ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1

3.9K 225 37
                                    

[=Jelliene=] :

"Sandali lang po."

Napasimangot ako ng marinig ko muli ang "sandali" na yan.

Kanina pa ako kumakatok dito sa harap ng pintuan sa dormitoryo ni Farina pero lagi lamang sandali ang natatangap ko.

Pag ako talaga mainis gagayahin ko si Prinsesa Zemiragh na tatadyakan ang pintuan.

Napangisi ako ng maisip ko si Prinsesa Zemiragh lalo na ang kanyang pamamaraan.

Kung magagalit man si Farina dahil tinadyakan ko ang kanyang pintuan ay sasabihin ko nalang na sinapian ako ni Prinsesa Zemiragh.

Hinawakan ko ang laylayan ng aking damit at inangat upang hindi maging sagabal sa aking gagawing pag tadyak sa pintuan ng dormitoryo ni Farina.

Pumikit ako at lumanghap ng hangin at sa pag dilat ko ay siyang kasabay ng buga ko ng hangin at ang pag angat ng aking paa.

"Hayyyaaaa-wahhhhhhh!!!!!"

Nanlaki ang mata ko ng biglang bumukas ang pintuan na tatadyakan ko na sana at dumiritso ako sa sahig.

"Pasensya na po at natagala- ahhhhhhh!!"

Gulat na gulat naman ang babaeng nagbukas ng pintuan habang naka tingin sa akin.

"Arayyyy ko po ang sakit. Huhuhuhu"

Mangiyak-ngiyak ako habang nasa sahig parin.

Ang sakit ng aking mga binti at hita lalo na ang aking ano na lumapat talaga sa sahig.

"Hala. Ayos lang po ba kayo Binibini?"

Gusto ko sanang sabihin na "maayos ba ang lagay ko sa paningin mo?"pero dahil sa sobrang sakit ay hindi ko halos maibuka ang aking bibig upang sumagot.

Parang literal na nahati ang pagkatao ko dahil hindi ko magawang igalaw ang aking mga binti.

Nasa sahig ako na parang nag eksibisyon dahil ang isa kong binti ay nasa aking harapan habang ang isa naman ay nasa aking likuran.

Bakit pa kasi binuksan pa nila ang pintuan yan tuloy ang sakit ng kabebe ko na humalik sa sahig.

"Jelliene. Ano ang ginawa mo dyan sa sahig?"

Tinignan ko si Farina na may hawak-hawak na dalawang upuan sa magkabila nitong kamay habang ang isa namang babae na nasisiguro kong katulong niya ay nag alalang tumitingin sa kanya.

Pawis na pawis rin ang kanyang mukha at basang basa ang kanyang damit na alam kong dahil rin ito sa kanyang pawis sa katawan.

Kahit nagtataka ako sa kanya ay ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon dahil sa aking sitwasyon.

"Farina tulong. Hindi ako makatayo Huhuhuhu"

Umiiyak na talaga ako sa aking sinapit dahil parang hindi ko na maramdaman ang aking mga binti dahil sa sobrang manhid.

Baka maputulan pa ako ng mga binti nito.

Ayaw ko nang gayahin pa si Prinsesa Zemiragh sa susunod dahil nakakamatay pala talaga ang mga pinaggagawa niya.

"Tulungan niyo akong tulungan siya."

Binatawan niya ang dalawang upuan sa magkabila niyang kamay at agad lumapit sa akin kasama ang isa niyang alalay at yung isang babae naman na siyang nag bukas sa pintuan ay nakatayo sa aking tabi habang hindi alam kung ano ang gagawin sa akin.

"Aray, dahan-dahan naman Farina."

May tinatagong hinanakit yata itong si Farina sa akin dahil ang kwelyo pa talaga ng aking damit ang hinala.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now