ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4

4.9K 235 57
                                    

[=Nexzeuss Lawrence=]:

Mag isang oras na ang nakalipas mag mula ng hatiin kaming mga mag aaral ng dalawang pangkat ni Maestro Hassen kaya abala ako sa pagpanguna sa kapwa ko kaklase at sa pangkat namin dahil sa ako ang inatasan ni Maestro Hassen at siya naman sa mga bago.

"Prinsipe Lawrence, ayos lang po ba itong porma ko o may mali po ba?"

Itinagilid ko ang ulo ko ng marinig ko ang mahinhin na boses ni Binibining Ahrimita at kita ko ito na parang nahihirapan sa kanyang ayos.

Nakatayo kami ngayon habang inaayos at sinasanay ang isang tamang posesyon para mas lalong lumakas ang aming mahika at kapangyarihan na lalabas sa aming katawan.

"Prinsipe Larson, ayos lang ba kung tulongan mo si Binibining Ahrimita para maitama niya ang tamang posesyon? parang hindi kasi yata niya agad nakuha ang itinuro ko kanina."

Walang ganang pakisabi ko kay Prinsipe Larson na Prinsipe ng Wrofupis o Kaharian ng tubig.

Kita ko naman ang pag dilim ng mukha ni Binibining Ahrimita nang tumango at lumapit sa kanya si Prinsipe Larson dahil sa aking utos.

"Pwede ba kitang hawakan Binibining Ahrimita upang ika'y aking magabayan ng maayos sa tamang posesyon ng iyong katawan?"

Magalang na paghinging permiso ni Prinsipe Larson mula dito na ginantihan lamang niya ng isang irap.

"Huwag na Prinsipe Larson parang alam ko na ang dapat na gagawin at kaya ko na ang aking sarili."

Kamot batok namang bumalik sa kanyang pwesto si Prinsipe Larson habang nginitian ako ng tipid.

Tinanguan ko lang siya bilang pahiwatig na ayos lang at ipagpatuloy na lamang namin ang aming ginagawa.

Alam ko namang ginagawa lamang iyon ni Binibining Ahrimita ang kunwaring hindi niya nakuha ang pinagawa ko upang makuha niya ang atensyon ko na hindi niya napagtagumpayan.

Alam ko rin kung gaano niya ako ka gusto pero wala akong pakialam sa mga babaeng mga katulad niya, nila.

Puro lang sila kaartehan at kalandian kaya nakakasuka sila.

Habang abala ako sa sirili kong pagpapa lakas ay bigla ako nakaramdam ng isang napaka lakas at napakabigat na Enerhiya na ikinatayo ng aking mga balahibo sa katawan at literal n napatigil ako sa aking ginagawa.

Kahit ang iba kong kapwa mag aaral ay ganun din habang may pagtatak at kilabot na naka paskil sa kanilang mga mukha.

Sabay naman kaming napatingin sa Entablado kung saan nag mula ang Enerhiyang aming naramdamanan.

Pero ganun lang din ang pagtaka ko ng agaran din itong nawala na parang bula at parang wala lang.

Tinignan ko ng mabuti ang mga bagong mag aaral kung kanino sa kanila o sino sa kanila ang nakagawa at nagpalabas non dahil kahit kailan ay wala pang ganung kalakas na Enerhiyang lalabas sa isang mag aaral pa lamang lalo na sa mga bago.

Ang Enerhiyang pinakawalan nito kanina ay katumbas sa Enerhiya ng isa sa sampong malalakas na Opisyal sa kaharian ng Llum.

Kahit alam kong mas malakas ang aking Enerhiya ay nakakakilabot parin ito dahil alam ko ring parang nasa limang porsyento lamang ang pinakawalan nito at lalo na sa bigat na dala nito.

Pero kahit anong hanap ko ay wala akong makita kung sino ang kahina-hinalang mag aaral ang gumawa nun.

Sobrang tahimik din ng paligid. Lahat kami ay tila na estatuwa at kahit ang mga bagong mag aaral ay naka dilat na rin ang kanilang mga mata habang may pagtataka.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now