ZTUP S1 - C H A P T E R : 3

9.4K 353 75
                                    

Nagising ang diwa ko dahil sa ingay na nagmula sa mga iyak na naririnig ko sa aking paligid. May humahagulhol na parang wala ng bukas at ang isa naman ay impit na humihikbi na para bang ayaw niya iparinig ang kanyang pag iyak.

Grabe naman si Jenani maka iyak. I'm sure siya itong humahagulhol sa aking gilid. Hayy naku itong bata talaga na ito Love na love talaga ako  pero hindi ko mapigilang mag taka sino naman itong isa na humihikbi sa kabili kong gilid?

Imposible naman kung pupunta dito yung step-sister kong iyon at iiyak kung saan ako naka ratay ngayon. Baka nga so sobrang tuwa non ay tumatambling nayon ngayon habang naka tuwad dahil nandito ako at naka higa sa isang higaan ng hospital.

Kahit i-flush pa niya ang sarili niya sa inidoro ay wala akong pakialam dahil masaya ako ngayon kahit naririndi ako sa iyak ni Jenani. Kala ko ay mamatay na ako sa lagay na yon pero hito ako at tinitiis ang sakit sa aking tenga sa boses ni Jenani at buti nalang din at buhay pa ako para masamahan ko talaga itong babaetang ito upang ayusin ang kanyang ngiwing mukha na parang lumala na yata.

Pilit ko naman ginagalaw ang aking katawan para makita ang hitsura ni Jenani na umiiyak. Never ko pa kasi ssiya nakitaan ng emotion sa kanyang cute na mukha.

Pag tataka lang siguro at ngiwi habang naka tingin sa akin lalo na pag merun akong ginagawa ay yun lang pero maliban don ay wala na akong nakita.

Syempre gusto ko din makita kung sinong nilalang itong nakikiiyak sa sinapit ko para mabigyan ko ng isang uppercut dahil dumagdag lamang siya sa ingay pero kahit anong pilit kong igalaw ang katawan ko ay hindi ko magawa.

Sobrang bigat ng aking pakiramdam na para bang wala ako ni kahit kunting katiting na lakas para ma igalaw ang kahit isa man lang sa daliri ko. Ganon ba talaga kalakas ang naging impact nang pagka bunggo ko sa truck na yun? Para na kasi akong na paralyze since birth.

Kahit ang talukap ng mga mata ko ay hindi ko ma idilat.

Sinubukan kong mag salita pero kahit ungol o kahit kunting ingay na inaasahan kong lalabas mula sa aking bibig ay wala din. Taena naputulan ba ako ng vocal cords?

Umikot lang naman ang sasakyan ko pero wala akong maala-ala na namay nangyari sa leeg ko. Hindi naman masakit ang lalamunan ko pero bakit walang lumabas ni kahit kunting ingay.

Naputol ba ang dila ko? Pero nakaka ungol din naman ang walang dila ah.

Diko talaga akalain na mabubuhay pa ako pagkatpos nang pangyayaring yun. Pero ito ba ang kapalit nang pagka buhay ko? Ang hindi maka galaw o kahit maka ungol man lang?

Langya sana natuluyan nalang ako keysa maging ganito ako. Para nadin kasi akong patay sa ganitong sitwasyon.

Hindi naman siguro kailangan na parusahan pa ako nang ganito kasi sabi ko na may kabaitan din naman ako sa katawan kahit 1 inch lang yun.

Gusto kong maiyak sa aking naisip na baka parusa nga ito para sa akin. Sana ginawa ko nalang 2 inch ang kabaitan ko.

Habang patuloy ako sa pag iisip kung bakit naging ganito ako ay bigla naman nag salita yung babaeng impit na humihikbi sa aking gilid.

"Hindi ko lubos akalain na maging ganito ang maging kalagayan ni Prinsesa Xhandria. Kung may sapat lang sana akong kakayahan o kapangyarihan ay ipinagtanggol ko na siya sa kanyang mapang aping pamilya. Pero wala akong nagawa kahit kunti. Napaka wala kong kwenta bilang isang alalay at tagapangalaga niya." Mababakasan nang pagka muhi, lungkot, pagsisisi, at sakit ang kanyang boses habang umiiyak.

Gusto ko man ikunot ang noo ko sa kanyang pinag sasabi lalo nang hindi pamilyar ang boses niya sa akin ay hindi ko magawa dahil hindi ko magawang igalaw ni kahit anong parte ng katawan ko.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now