ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4

4.4K 229 64
                                    

[=Larson=] :

"Nandito na po tayo Prinsipe Larson."

Ibinaba ko naman ang ilang ulat na hawak-hawak ko sa aking mga kamay na galing sa aming kaharian.

Binigyan ako ni Prinsipe Lawrence nang isang lihim na misyon upang ako mismo ang makakuha ng ilang mga importanteng pangyayari sa buong kaharian dahil tulad niya ay wala din akong tiwala sa Opisyal nang Taga-ulat ulat dahil kabali't kanan na ang mga nangyayaring kaguluhan pero bakit tila wala man lang ginawang aksyon ang Emperador.

Kaya pinagdududahan na ni Prinsipe Lawrence ang Opisyal nang Taga-ulat na baka hindi nito pinaabot sa kanyang ama ang mga pangyayari.

Pagkatapos ko ma iayos ang lahat ng gamit na aking dala ay bumaba na ako sa karwahe at naglakad papasok sa malaking trangkahan ng Akademya.

Hindi na ako nakahabol sa tatlong klase sa umaga at wala parin akong tulog dahil sa gusto ko matapos ka agad ang misyong iginawad sa akin.

Hindi ko na pinansin pa ang pagbati nang mga kawal dahil sa nagmamadali akong maka punta sa pribadong dormitoryo ni Prinsipe Lawrence upang maibigay agad sa kanya ang aking ulat.

Isa pa gutom na gutom na rin ako at malapit narin matapos ang tanghalian kaya halos lakad takbo na ang aking ginawa upang makakain muna at makahabol sa unang klase ngayong hapon.

Nang nasa harap na ako sa pintuan ng dormitoryo ni Prinsipe Lawrence ay agad akong kumatok na binuksan naman ni Haogu.

"Magandang tanghali kuya Haogu, nandito ba si Prinsipe Lawrence?"

"Wala pa po siya rito Prinsipe Larson, baka nasa Cantena pa si Prinsipe Nexzeuss at kumakain."

Tumango nalang ako at ibinigay sa kanya ang mga papel na mga ulat na aking dala.

Alam kong makakapagtiwalaan si kuya Haogu kaya kampanti ako na maabot niya ito kay Prinsipe Lawrence at maghihintay nalang ako kung kailan ulit ako ipapatawag nito.

Pagkatapos ko mag paalam sa kanya ay agad akong pumanhik papuntang Cantena upang sabihan si Prinsipe Lawrence na naihatid ko na sa kanyang dormitoryo ang aking dalang ulat.

Ngunit ganun nalang ang pagtataka ko sa aking nadatnan sa harap ng Cantena.

Maraming mga mag aaral ang nagbubulungan habang nakapalibot sa hindi ko alam kung ano dahil sa hindi ko ito makita.

"Gamutin mo nga si Ahrimita, Xavion."

"Bakit hindi nalang ikaw eh pinsang buo mo naman iyan."

Napakunot noo naman ako sa mga boses na nag babangayan kaya nakikiusyo nalang ako at isa pa nahaharangan nila ang pintuan ng Cantena sa dami nila.

"Wala akong panahon na gamutin ang tulad niya."

"Mas lalo na ako, kaya huwag mo ako utusan na gamutin ang hindi ko ka ano-ano at wala ka ring karapatan na utusan ako dahil sa sampid ka lang naman sa kaharian namin."

Rinig ko ang singhapan ng iba habang ako naman ay napanganga nalang dahil sa sinabi ni Prinsipe Zaire kay Prinsesa Quinta na siyang kanyang kabangayan.

Nang tinignan ko ang taong naka higa sa dumuhan ay ganun nalang ang panlalaki nang aking mga mata nang makita ko ang duguang mukha ni binibining Ahrimita na naka tihaya sa damuhan at wala nang malay.

Ibinalik ko ang paningin ko sa dawalang taong nag babangayan at kita ko ang pamumula sa mukha ng Prinsesa at balak sana niyang sampalin si Prinsipe Zaire pero bigla nalang siya natumba dahil sa isang napakalakas na sampal na tumama sa kanyang mukha pagkatapos ay biglang umiitim.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now