ZTUP S1 - C H A P T E R : 4

8.1K 296 26
                                    

Sa huli ay hinayaan ko nalang itong matandang lalaki na manggagamot daw kuno sa kung ano ang kanyang gagawin. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko at baka pati yata ako ay mababaliw narin.

Pumikit ako ng ilang sandali at iminulat ko ulit ang aking mga mata upang tignan ng mariin ang matandang nilalang sa aking harapan.

Ginoong Aurong? Pangalan pa lang parang hindi manggagamot, baka manghuhula ka mo.

"Tulutan mo sana akong hawakan ka, Mahal na Prinsesa Xhandria." Humihinging permisong sabi niya sa akin at kita ko naman sa kanyang mga mata ang kaunting takot at pangamba habang hindi sinasalubong ang aking mga tingin.

Tumango nalang ako nang kaunti pahiwatig na pinayagan ko siyang hawakan ako at hindi na nag salita pa. Kakaubos lang nang enerhiya kung makipag talo pa ako sa mga kagagohang pinag gagawa nila sa akin.

Mag iipon muna ako nang maraming enerhiya para pag may sapat na akong lakas ay maka aalis ako sa kinahihigaan ko ngayon at isasali ko itong matandang to sa kakalbuhin ko.

'Lagot talaga sila sa akin. Lalo na si Jenani, hindi talaga makakatakas ang babaetang yun sa akin.'

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang kinuha ng matandang nilalang ang isa kong kamay at inilagay niya ito malapit sa may tyan ko mababa sa may dibdiban at sinunod niya ang isa at pinatong ito sa isang na una. Ang kaliwa niyang kamay ay inilagay kung saan ang magkapatong kong mga kamay at ang kanan naman ay inilagay niya ito sa aking noo.

Pagkatapos ay pumikit siya na para bang pinakiramdaman niya ang kanyang kabaliwan. Tinitigan ko lang siya ng mariin habang iniisip kung ano ang uunahing buhok niya sa katawan ang kakalbuhin ko.

Pagkatapos ng ilang sigundo ay bigla nanlaki ang aking mga mata nang biglang umilaw ang kanyang mga kamay at parang may isang usok na kulay green ang pumapasok sa aking noo at mga kamay.

Gusto ko na sanang sumigaw dahil sa gulat at kaba pero bigla ko naitikom ang aking bigbig dahil sa pagka mangha nang biglang gumaan ang aking pakiramdam at para bang binibigyan ako nito nang lakas. Malamig ito sa pakiramdam at wala akong na feel ni kahit kunting sakit.

Pumikit ako at mas lalo ko dinama ang kaginhawaan na aking nararamdaman. Ayos ah. Galing naman nitong manghuhula na to este manggagamot, dinaig pa ang mga hightech na gamit sa isang napakamahal na hospital.

Parang magic lang. Pero di naman ako naniniwala sa magic pero naniniwala ako sa mga katulad nilang manggagamot dahil may mga sakit at mga kababalaghan din naman na nangyayari sa ating katawan na kahit ang pinaka matalinong doctors ay hindi nila malaman kung ano ba talaga ang naging sanhi o pano ito gamutin.

Dahil may kaklase ako noon sa Highschool na may tumubo na parang malaking pimple sa kanyang kili-kili. Lumaki ito nang lumaki at umabot na nga sila sa kahit saang hospital para lang magpagamot pero hindi parin gumaling dahil sa hindi alam nang mga doctors kung bakit yun nagka ganun.

May nagsabi naman sa kanila na subukang lumapit sa isang albularyo. After 1 week ay gumaling na siya at wala na yung parang malaking tigyawat sa kanyang kili-kili. Sabi nang albularyo ay dahil daw ito sa isang paro-paro na pinutulan niya nang isang pakpak.

See? Kaya may mga bagay bagay talaga na hindi kayang ipaliwanag ng mga matatalinong nilalang. Ang mga weirdong sakit at weirdong pangyayari ay ang mga weirdong nilalang lang din ang nakaka sagot at nakaka alam.

"Isa itong himala mahal na Prinsesa Xhandria. Dahil wala na akong makita o magamot na kahit anong malubhang sugat o pinsala sa iyong katawan at nakakamangha din ang daloy ng iyong enerhiya." "Kakaiba."

Napamulat ako nang bigla itong nag salita at tinanggal na niya ang kanyang mga kamay na naka patong sa aking noo at mga kamay pero hindi nakaligtas sa aking pandinig ang huli niyang sinabi na ikinaikot lang ng aking mga mata.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now