ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9

4.3K 230 23
                                    

[=Haogu=] A:

Hindi malaman ni Haogu kung gigisingin ba niya ang mahal na Prinsipe o hindi.

Mahimbing itong natutulog sa sarili nitong kama habang naka yakap ang isang braso nito sa Prinsesang hindi parin nagka malay mula nang dalhin ito ng Prinsipe sa sariling silid nito.

Natandaan pa niya ang pagkataranta sa mukha nito ng bigla itong lumitaw sa kanyang harap habang nasa bisig ang babaeng walang malay.

Habang abala siya sa pag lilinis sa silid nang kanyang mahal na Prinsipe ay bigla nalang siya nagulat nang lumitaw ito sa kanyang harapan na may pagkakataranta sa mukha habang may buhat-buhat na babae.

"Prinsipe Nexzeuss ano an-..."

"K-kuya Haogu tulungan niyo po ako."

Napatanga naman siyang nakatitig sa Prinsipe ng putulin nito ang gusto sana niyang itanong ngunit napa angat nalamang ang sulok ng kanyang labi nang malaman niyang ito palang ang pinaka unang ugali na nakita niya sa Prinsipeng kanyang inaalagaan.

"M-mali ang iniisip mo kuya Haogu."

Pilit niyang pinipigilan ang kanyang pang asar na ngiti nang agad depinensahan ng Prinsipe ang kanyang sarili kahit wala naman siyang itinanong.

"Ahh, wala naman akong kakaibang iniisip, Mahal na Prinsipe."

Ibanaling nalang niya ang kanyang paningin sa babaeng hawak nito na may halong pag tataka at pagka mangha ang kanyang mukha.

"Ano ba ang pwede kong maitutulong, Prinsipe Nexzeuss?"

Nakita niya ang muling pag alala sa mukha nang Prinsipe habang tinignan ang mukha nang babae na nasa kanyang bisig.

"Nawalan siya ng malay."

Napakunot noo siya na bakit ganun nalang ang pag alala nito sa babae kung nawalan lang pala ito nang malay.

Kahit kailan ay hindi pa niya nakita ang ganitong reaksyon at emosyon sa mukha nito sa ibang babae maliban sa kanyang bunsong kapatid.

"Bakit hindi mo nalang muna siya ipahiga, Mahal na Prinsipe?"

"Ayy, oo nga pala."

Muli naman napa angat ang gilid ng kanyang labi nang kahit ilang hakbang na lamang sana ang dapat lalakarin ng Prinsipe sa pagitan ng sariling kama nito ay gumamit pa talaga ito ng mahika upang marating ka agad ang higaan at kung hindi naman niya ito sinabihan ay baka magpa hanggang ngayon ay nasa bisig parin nito ang babae.

"Ano pala ang nangyari sa kanya, Mahal na Prinsipe?"

Kita niya ang buong pag iingat nito habang dahan-dahang binababa ang katawan ng babae sa sarili nitong higaan.

"A-ano ahmmm.. hindi ko alam?"

Literal siyang napanganga sa hindi siguradong sagot ng Prinsipe sa kanya at bahagya pang itinagilid ang mukha nito upang itago sa kanya.

Kita niya naman ang pamumula ng pagmumukha nito hanggang tenga na mas nagpatanga sa kanya.

Hindi niya akalain na mahihiya sa kanya ang Prinsipeng matagal na niyang kasama.

"Ahh ganun po ba? Bakit hindi niyo nalang siya dalhin sa klinik-..."

"Hindi na. Dahil baka gigising rin siya mamaya."

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon