ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5

4.8K 229 32
                                    

"Prinsesa Xhandria, ayos lang po ba kayo? Kanina pa po kayo tulala at hindi niyo pa po nagalaw ang iyong pagkain."

Napabaling naman ang atensyon ko sa nagsasalitang Radya sa aking harapan.

Ramdam ko ang pag alala mula sa kanyang boses pero wala akong balak na sagutin ang tanong niya dahil wala akong ganang makipag usap sa ngayon.

Inalis ko nalang ang paningin ko sa kanya at napa buntong hininga.

Haiiiyyyssstttt!!!

Napa hawak ako sa ulo ko at inis na ginulo ang aking buhok dahil para na akong nababaliw ng tuluyan, lalo na at hindi ko maalis-alis sa aking isipan ang nangyari kahapon.

Sanay naman akong maraming nakikitang patay dahil mas madalas ako pa nga ang pumapatay pero kahapon pa lang ako nakaramdam nang kaba at takot hindi dahil sa ginagawa ko don sa bandido kundi takot ako sa sarili ko mismo.

Natatakot ako na tila wala akong kakayahang kontrolin ang katawan ni Miragh tila ba parang may sarili itong isip na ikinatakot ko.

Parang sinapian ng nababaliw na espirito pero ako lang naman ang sumapi sa katawan niya pero hindi naman talaga ako baliw.

Nakakatakot talaga.

Kahit nakaka mangha ang mahikang lumabas at nakita ko kahapon sa katawang ito pero hindi ko kayang mag saya kung hindi naman ako ang kusang may gawa noon.

Napabuntong hininga nalang ulit ako dahil hindi ko talaga alam kung ano na ang nangyayari sa aking paligid lalo na at hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin at sa katawang ito.

"Ayos lang po ba talaga kayo Prinsesa Xhandria? Kanina pa po kayo laging bumubuntong hininga at ginugulo ang magulo niyo pong buhok at isa pa natutulog pa po ba kayo? Sobrang tamlay po nang iyong mga mata tila pagod at puyat na puyat kayo."

Gusto ko na talagang gupitin ang nguso ni Radya sa kakaputak.

Kanina pa sila nag salitan ng tanong sa akin kahit sinabi kong huwag muna akong guguluhin pero ang mga tokwa parang mga bingi.

Nakakabwesit!!!

Napahilamos ko nalang ang aking mga palad sa aking mukha dahil sa ingay sa aking paligid.

Naririndi ako dahil parang mas lalo lamang dumadagdag sa sakit sa aking ulo ang mga dakdak nila.

"Putang*na pwede ba manahimik muna kayo kahit ilang segundo man lang? Kanina pa kayo tanong ng tanong eh kita niyo naman na humihinga pa ako, napaka ingay niyo, bwesit."

Tumayo ako at tinadyakan ko ang isang sofa na nasa aking tabi kahit mas madali naman sipain ang maliit na mesa na nasa aking harapan.

Syempre ayaw ko tadyakan ang maliit na mesang may pagkain dahil baka gugutomin ako mamaya.

Nasa may sala ako sa aking dorm na naka upo at kahit hindi ako humingi nang pagkain ay ibinigay ni Radya ang kanyang pagkain sa akin na hindi ko naman ginalaw.

Wala parin akong ganang kumain sa ngayon dahil sobrang dami nang katanungan sa aking isipan.

Mas nagrarambol ang mga diwata sa aking isipan kaysa sa aking tiyan.

"P-pasensya na po Mahal na Prinsesa Xhandria, nag aalala lang po kami sa iyo, d-dahil umiiyak po kayo kahapon na parang takot na takot at hindi po rin kayo kumain ka gabi at-...."

"Pag sinabi kong tahimik ay tumahimik ka. Puny*ta naman, hindi kaba nakaka intindi Radya sa salitang tahimik?"

Kailan ba makikinig ang babaetang ito sa akin.

Nakakainis na siya ah.

Kita ko ang pag yuko nito habang yumugyog ang kanyang mga balakit at tinakpan niya ang kanyang bunganga upang pigilan ang paglabas ng kanyang pag hikbi.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Onde as histórias ganham vida. Descobre agora