Chapter 10

2.2K 55 5
                                    

CHROM POV

Tahimik lang kaming bumabyahe humigpit ang hawak ko sa manibela gusto kong pabagalin ang oras pati ang takbo ng sasakyan. Mahirap man aminin pero gusto ko pa syang makasama kahit sandali. Napatingin ako sa kanyang gawi at hindi ko namalayan ay napangiti nalang ako kaya agad kong binalik ang atensyon ko sa kalsada.

Agad kong hininto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila hindi ko sya nilingon kasi bigla nalang naninikip ang dibdib ko sa iniisip ko na aalis na sya at masayang sasalubungin ng pamilya niya.

"Chrom" mahinang tawag niya, akala ko umalis na sya kaya agad akong lumingon sa kanya at nakita kong nakangiti sya agad akong natigilan at napatitig sa kanya.

Ang payat na niya hindi tulad noon at medyo maputla na rin pero mapagkakaila na maganda pa rin sya hanggang ngayon. At parang hindi tumatanda sa kanya ko siguro namana ang magandang kutis. Katulad rin ng mga pamangkin niya na sina Demitri at Dwune ang ganda din ng mga kutis hindi mapagkakailang Corpuz.

"Salamat." ngumingiti pa rin sya at abot hanggang mata niya ang saya  at nakita ko nalang na napatulala sya kaya kumunot bigla ang noo ko.

"Bakit?" mahinang tanong ko sa kanya.

"N-ngumiti ka." masayang sabi niya pero agad akong umiwas ng tingin at hindi na siya tiningnan ng buksan niya ang pinto ng sasakyan.

"Mag-iingat ka pauwi. Maraming salamat talaga.... Mahal kita anak." bigla nalang nanigas ang katawan ko pero tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

Hinintay ko lang na makapasok sya at nakita ko na masayang sinalubong siya ng mga pamangkin niya napangiti nalang ako sa masayang tanawin na nakikita ko. Yumuko nalang ako at dinantay ang ulo sa manibela. Tsk hinayaan ko lang na tumulo ang luha ko na kanina pa nagbabadya na lumabas.

Kinalma ko muna ang sarili ko at agad na umalis na sa lugar na iyo para makauwi na rin. Pero habang nasa daan ako ang sakit-sakit pa rin ng nararamdaman ko kahat pinagilid ko muna ang sasakyan ko at hininto iyon.

Bigla kong hinampas ang manibela at iniyak ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang gago ko! Tuwing naaalala ko ang mga kagaguhang ginawa ko kay Mama, nagsisisi ako kung sana tinaggap ko nalang lahat sya pero hindi ganoon kadali eh.

Sinasabi ng iba paghumingi ng tawad patawarin mo agad pero hindi eh. Okay lang sana kung hindi nangyari iyon kay Daddy noon, ang hirap humingi ng atensyon sa kanya dahil nagpapagaling din sya sa Depression niya.

Naaalala ko na naman ang nangyari noon dito sa Pilipinas at doon sa New York at pitong na taong gulang palang ako ng masaksihan ko 'yon...

Flashback

"Daddy." tawag ko sa kanya pero walang sumasagot kaya malakas kong kinatok ang pinto pero wala pa ring sumasagot kaya sinubukan kong buksan pero naka lock ang pinto kaya mas lalo akong kinabahan kaya dali-dali akong bumaba ng hagda para tawagin sina Yaya para sa spare key ng kwarto.

"Y-YAYA!" sigaw ko para marinig nila ako agad.

Dali-dali naman syang lumapit sa akin at agad ko syang pinakuha ng spare key sa kwarto ni Daddy, mabilis naman niya iyon binigay sa akin kaya mabilis akong umakyat at binuksan ang kwarto niya.

Pero nanginig ako ng makita ang nakahandusay na kawatan ni Daddy at ang katabi niya ay ang litrato nila ni Mama na yakap yapak ito. Nakita ko rin ang wala ng lamang bote ng mga gamot at mayroon din hiwa ang kanyang pulsuhan.

"DADDYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!" hindi ako lumapit pero napaupo nalang ako habang sumisigaw. Iyak ako ng iyak habang sinisigaw ang katagang "Daddy". Agad naman  pumanhik ang mga kasambahay dito sa kwarto ni daddy, pinipigilan ako ng iba dahil nagwawala na ako. Ang iba naman ay tiningnan ang katawan ni Daddy at narinig ko nalang na mayroon pa daw syang pulso kaya agad siya isinugod sa hospital.

Doon din namin nalaman na mayroon syang Depression kaya agad inayos ni Lolo ang mga papeles namin at dinala kami sa New York. Mabuti nalang at nadala sya namin sa hospital at nailigtas sya. Pero ilang beses din sinubukan ulitin iyon ni Daddy kaya pinatingnan na namin sya sa Psychiatrist at ilang taon din bago gumaling si Dad. Sana nga.

Matapang lang sya noon kung kaharap si Mama pero pagnaka talikod na magiging malungkot na sya at minsan nahuhuli ko nalang syang umiiyak habang hawak ang litrato nilang dalawa ni Mama.

End of Flashback

Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata, masakit makitang nagkakaganoon si Daddy.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko dahil gulung gulo na ako.

Gustung-gusto ko makasama pero pag nalalapit ako sa kanya bigla nalang lumalabas ang imahe ni daddy na nakahandusay na mayroong dugo sa kanyang palapulsuhan.

Halos mag-iisang oras din akong nakatambay lang dito pero may narinig nalang akong nagri-ring kaya kinapa ko ang cellphone ko na bulsa ko pero pagtingin ko hindi naman akin kaya hinanap ko ang tunog at nakita ko ang cellphone sa passenger seat at nandoon din ang isang pouch.

Napabuntong hininga nalang ako, inaayos ko muna ang sarili ko at nag drive ulit pabalik sa bahay ni Mama. Alam kong sakanya ito sya lang naman ang naisakay ko dito ngayong araw. Habang bumabyahe ako pabalik bigla nalang akong kinabahan sa hindi ko malaman na dahilan at ng papalapit na ako ay mas lalong lumakas ang kaba ko.

At nang matanaw ko na ang bahay nila, hindi ko alam pero angpark ako agad sa gilid at kinuha ang gamit niya. Mabagal akong lumakad papunta doon.  Nagkukumpulan sila sa labas ng bahay at iyong lalaki na parang nagmamakaawa at bigla nalang syang lumuhod sa babae. Tiningnan ko ng mabuti at si Mama nga di ko masyado makita ang mukha ng nakaluhod. Pero nagulat ako ng may isang matangkad na lalaki na hinigit ang kwelyo ng lalaking nakaluhod at sinuntok ito.

Nang makalapit ako ay doon ko naaninag ang hitsura ng lalaking nakabulagta ngayon. 

"Daddy."

 Kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan at agad siyang tinulungan. Tumingin ako sa kanila at nakita ko ang gulat sa mga mata nila. Pagtingin ko kay Mama ay parang gusto niyang mag-explain pero walang sabing binigay ko ang gamit niya sa kaniya at inalalayan si Daddy.

"C-Chrom" nangininig ang boses niya. Pero tinaas ko lang ang kamay ko para huwag na niyang ituloy ang sasabihin niya, pero bigla nalang sumingit yong lalaking sumuntok kay Daddy.

"Makinig ka muna Chro---" tumingin lang ako sa kanila ng walang emosyon.

Hangga't maaari ayokong magalit, pero nararamdaman ko ang sobrang panginginig ng kamao ko. Pinipigilan ko ang sarili at tinawag ang driver ni Daddy para maiuwi na siya at makapagpahinga.

Nang makita kong umalis na ang sasakyan ni Daddy ay agad akong humarap sa kanila. Nakita kong gustong lumapit ni Mama sa akin, pero hahakbang palang sya ay agad akong aatras. Tinignan ko lang sila bago umalis, pero bago ako makaalis ay naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya napahinto ako.

"...please, not now. please." pagtitimpi ko kaya agad kong inalis ang braso at nakita kong medyo napalakas ang paghatak ko. Hihingi sana ako ng paumahin pero mas nanaig ang galit ko kaya tumalikod na ako pumunta sa sasakyan ko.

At bumuhos ulit ang mga luha ko at tuluy-tuloy lang ang agos nito kahit pilit kong pinupunasan ito habang nagmamaneho pauwi. At mabuti nalang ay nakarating ako ng bahay ng walang nangyari sa akin, bumaba na ako sa sasakyan at humiga sa damuhan. Tiningnan ko ang kalangitan wala masyadong mga bituin, uulan pa ata. Napangisi nalang ako, sasabayan pa ata ako ng langit na umiyak ngayon ah.


RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon