Chapter 8

2.1K 80 6
                                    


Minsan na akong tinatanong ng mga kaibigan ko, bakit hindi ko daw sabihin ang totoo kay Chrom kung bakit ako umalis. Bakit hindi ko daw sampalin si Chrom pag binabastos na niya ako minsan naisip ko na rin 'yon pero pag naiisip ko na masasaktan ko iyong anak ko mas nadudurog yung puso ko doble ang sakit sa akin. Anak ko eh, hangga't maaari hinding-hindi ko pagbubuhatan ng kamay si Chrom.

Napapagalitan man ako ni Daddy at Mommy noon pero kahit kailan hindi ako napagbuhatan ng kamay ni Mommy o Daddy kahit na sina Kuya at Simon, kahit galit na galit na Daddy sa kanila pinipigilan niya ang kanyang sarili hangga't sa makakaya niya. Sya nalang mismo ang aalis at magpapalamig kesa masakit niya ang mga anak niya at pagsisihan niya sa huli. Na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin namin ang ganoong pagdidisiplina ni Dad.

Magpapakumbaba ako para sa anak ko, at ayaw ko maging sanhi ng kaguluhan ng dalawang pamilya at ang maiipit neto ay si Chrom.

Habang nagliligpit ako ay nakita ko iyong litrato namin ni Chrom noong bata pa sya, kakatapos lang ng birthday niya nito. Kaka apat na taon niya pa lang dito at sobrang sweet niya sa akin at napakalambing.

Flashback

"Mama let's play." agad akong hinila ni Chrom papunta sa Park sa loob ng subdivision, ito yung araw na magkasama kaming dalawa.

"Look Mama, it's your gift. Batman, I love Batman because its from Mama." natawa ako sa sinabi niya.

"Alam mo ba Mama, nakita at narinig ko na nag-aaway sina Lolo at Daddy." nagulat ako dahil sa sinabi niya.

"Champ, next time pag narinig mo silang nag-aaway wag kang makinig maliwanag ba? Masama ang makinig sa away ng matatanda. Punta ka agad sa room mo." mahinahon kong ani kay Chrom

"Pero Mama, narinig ko kasi ang  ang name mo na pinag-aawayan nina Lolo eh." naka nguso niyang sabi "Tapos sabi ni Lolo aalis ka na daw, iiwan mo na daw kami Mama." nakita ko ang lungkot sa mukha ni Chrom kaya agad ko itong niyakap.

"Hindi yan totoo Champ, hindi ka iiwan ni Mama. Diba ako pa nga nag alaga sayo noong nagka lagnat ka?" 

"Alam ko Mama kasi nagsi-sing ka tuwing natutulog ako pero, nagising ako noon hindi ko lang minulat ang mata ko kasi baka mag stop ka mag sing eh." agad siyang humiwalay sa yakap namin at nilagay niya ang kamay niya sa cheeks ko at tumingin sa mga mata ko.

"Huwag mong iiwan si Chrom, Mama ah? Magagalit ako sayo pag di ka na nag visit sa akin." nakangiti niyang sabi sa akin kaya ngumiti at tumango ako sa kanya.

End of Flashback

Napangiti nalang ako ng maalala ko ang mga panahon na hindi pa galit sa akin si Chrom, yung hindi pa sya na brainwash ng lolo niya.

Agad akong nag-ayos dahil naalala kong may laro pala si Chrom ngayon, kaya dali-dali akong nagligpit at ng matapos ako aya agad na akong umalis dinala ko na rin yung cookies na binake ko kaninang umaga alam kong gustung-gusto niya ito noong maliit pa sya.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa University mabuti nalang at pwede makapasok ang mga outsiders dahil sa Foundation Week ng University nila kaya malaya makalabas pasok ang mga taga ibang school para manood ng mga laro.

Agad akong nagtungo sa Tennis Court kung saan siya maglalaro, nakita kong nakaupo lang sya sa bench pero parang sya na rin ata ang sasalang maglaro, mukhang varsity player ang makakalaban ni Chrom.

Pero ng magsimula ang laro nakita kong masaya si Chrom sa ginagawa niya maaliwalas at nakangiti lamang sya habang naglalaro. Habang naglalaro sya ay nakikita ko sa kanya si Chester noong nasa college pa lang kami. Ganyan na ganyan siya kasaya tuwing naglalaro sya ng tennis, kahit matalo sya noon ay nakangiti pa rin sya.

Hanggang sa matapos ang laro ay nakangiti pa rin si Chrom pero mas lumapad ang kanyang ngiti ng manalo sya. Pero nawala bigla ang kanyang ngiti ng mahagip ng kanyang mata ang kinaroroonan ko. Agad na sumeryoso at bumalik sa bench kung nasaan ang kanyang mga kasamahan at niligpit ang kanyang racket at lumabas ng court.

Agad niyang hinigit ang kamay ko at dinala sa hindi masyadong matao na lugar, medyo napahigpit ang kanyang hawak sa braso kaya nasasaktan ako magkakapasa ako neto mamaya. Agad naman siyang huminto ng masiguro niya na wala talaga masyadong tao.

"Bakit ka nandito?" mahina pero may diin ang pagtatanong niya.

"Gusto ko lang sana icongratulate ka." ani ko.

Nakita kong frsutrated na sya masyado dahil tumalikod sya sa akin at sinuklay ang buhok  niya gamit ang kaniyang kamay. Habang pinagmamasdan ko syang nakatalikod, ang tangkad pala ng anak ko nakuha niya ang height ng daddy niya at napangiti nalang ako ng malaya kong mapagmasdan ang mukha ng anak ko.

"Hindi porket pumayag akong maging parte ka ng buhay ko ay malaya ka ng bisitahin ako. You can visit me but not here. Seriously? sa University pa talaga?" huminga sya ng malalim alam kong nagpipigil sya ng galit.

"Dinalhan na rin pala kita ng cookie, dahil alam kong paborito mo to noong bata ka." inilahad ko sa kanya ang dala kong maliit na cookie jar.

Lumingon sya sa akin at nakita ko na naman ang malamig na titig ni Chrom na tumingin sa akin at agad niyang tinignan ang dala kong cookies. Ilang minuto niya din iyon tinitigan lang at bigla nalang niyang tinabig ang kamay ko at nakita kong nabiyak ang cookie jar na dala ko. Nagulat ako sa ginawa niya, gusto kong pulutin ang mga cookies na nahulog na sa lupa pero nanginginig ang mga kamay ko at ayaw gumalaw ng paa ko.

"Alam mo bang iyan na pinaka ayaw kong pagkain?" ngumisi sya at umalis at naapakan niya ang mga cookies na dapat sakanya.

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang mga durog na cookies na naapakan ni Chrom parang nag slow-mo ang lahat. Pero mas nagulat ako na parang may bumagsak kaya lumingon ako likuran ko at nakita kong nakatumba si Chrom habang hawak ang kanyang panga. Tumingin naman ako sa lalaking nakatayo at doon ko nakita si Demitri na galit na galit na nakatingin kay Chrom.

Kaya bago pa sila magbugbugan ay agad akong tumakbo papunta kay Demitri para pigilan siya.

"Tama na Demi, pinsan mo sya." pakiusap ko sa kanya.

"Pero Ma--" pinutol ko agad ang sasabihin niya 

"...please" bulong ko.

Agad akong tumingin kay Chrom at agad na lumapit sa kanya, hinawakan ko ang pasa niya agad naman niyang tinapik ang kamay ko pero mahina lang.

"Ano ba!" angil niya.

"Pasensya ka na Chrom, ako na ang humihingi ng tawad." paghingi ko ng tawad sa kanya, nakita ko ang sakit sa mga mata niya pero agad naman nawala iyon at bumalik ang walang emosyon niyang mukha. 

Agad na kami tinalikuran at umalis malalaki ang hakbang niya hanggang sa hindi ko na sya matanaw.

"You are my son, I love you always. You are the anchor's of my life son."

RegretWhere stories live. Discover now