SPECIAL CHAPTER - PART 2

50 1 0
                                    

CHESTER

"Ano Chester sinusuway mo na ako ngayon? Gusto mo ba talaga hindi ko hahanapan ng donor yang magaling mong asawa?" rinig kong reklamo ni Papa.

Pagod na pagod na akong sundin lahat ng kagustuhan ni Papa gustung-gusto ko ng bumalik sa piling ni Sofia.

"Ano itong nalaman ko ha Chester? Nagpa test ka kung magka match kayo ni Sofia? Nasisiraan ka na ba ng bait?"

"Papa please hayaan mo na ako makasama ang asawa ko? Please papa." nanghihinang pagmamakaawa ko sa kanya.

Lumuhod ako sa harapan nya habang umiiyak na sana hayaan niya akong makasama ang asawa ko at wag na kaming guluhin.

Ilang beses na muntik bumagsak ang mga negosyo mg pamilya nila Sofia dahil sa kagagawan ni Papa at ayaw ko naman mangyari iyon dahil ayaw kong makitang naghihirap ang taong mahal ko.

Ilang beses ko na rin sinuway si Papa para lang makasama si Sofia pero ilang beses narin minalupitan sa negosyo ang pamilya niya. Hanggang sa humantong na nakuha ni Papa si Chrome sa pangangalaga ni Sofia.

"PAPA!" sigaw ko sa kanya

"Bakit mo kinuha si Chrome sa pangangalaga ni Sofia? Papa naman, lumayo na nga ako pati ba naman anak namin dinamay mo pa? Maawa ka naman sa amin."

"Apo ko rin siya Chester. At nag-iisang apo ko lang sya Chester." balik nya sa akin

"Huwag mong idamay ang anak namin Papa, please." pagmamakaawa ko.

"Ano ba Chester, tumayo ka dyan. Hindi kita pinalaki na maging ganyan." tinalikuran niya ako at lumakad na paalis pero bago sya tuluyang makaalis ay huminto muna at may sinabi na napatigagal sa akin.

"Hinding hindi na ito makikita ni Sofia, ni mahawakan man."

"PAPA!" sigaw ko sakanya pero hindi sya nakinig sa akin.

Kaya ng habang lumalaki si Chrome ay hinahayaan ko syang makasama si Sofia habang nasa ibang bansa si Papa. Ayaw na ayaw kong ipagkait kay Sofia ang anak namin. Dahil nilaban nya ang anak namin kahit alam niyang delikado ito para sa kanyang kalusugan.

Pero hindi nagtagal iyon dahil ng bumalik si Papa ay agad niyang dinala si Chrome ng wala paalam sa akin kaya sumunod ako kaagad sa New York kung saan dinala Papa ang anak namin ni Sofia.

"Patawad Sofia dahil naging mahina ako. Pati anak natin nadamay dahil sa kaduwagan ko." bulong ko.

"PUTANGINA CHESTER GINAGAGO MO BA AKO?" dumagundong sa loob ng pamamahay ang boses ni Papa dahil sa sobrang lakas neto.

"ANO NA NAMAN ITONG NABALITAAN KO NA IKAW ANG NAG FUND NG BAHAY AMPUNAN NA IPINATAYO NG MGA ANGELES?" tikom parin ang bibig ko

"ANO HA? AT HALOS KALAHATI NG ASSETS MO ANG IBINIGAY MO SA DATING ASAWA MO? NAHIHIBANG KANA BA HA CHESTER?"

"ASAWA KO SYA PAPA, KASAL PARIN KAMI NI SOFIA AT KAHIT KAILAN HINDING-HINDI AKO MAGFI-FILE NG ANNULMENT KAHIT DYAN MAN LANG AY RAMDAM KONG ASAWA KO PARIN SYA."

"NASISIRAAN KANA NG BAIT CHESTER!"

"NASISIRAAN KUNG NASISIRAAN. MAHAL NA MAHAL KO SI SOFIA, PAPA. KUNG HINAYAAN MO LANG SANA KAMI NOON MASAYA NA SANA KAMI NGAYON." nakita ko sa mukha ni Papa ang matinding galit.

"AT HANGGANG NGAYO HINDI PARIN KAYO NAKAKAHANAP NG DONOR PARA SA PUSO NI SOFIA. NASAAN NA YUNG PANGAKO MO PAPA?"

" NANG DAHIL SA MGA PINAGGAGAWA MO SA TINGIN MO TUTULUNGAN KO PA SYA?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko.

RegretWhere stories live. Discover now