Chapter 12

2.2K 61 5
                                    

DEMITRI POV


Napahilamos nalang ako sa aking mukha dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala sa mga narinig namin mula kay Tito Simon. Nasa loob na sya ng kwarto ni Mama Sofia kami nina Daddy ay nandito sa labas at kanina pa sila ni Kuya Dwune nakayuko.

Heart transplant, huh?  bakit mayroong ganitong klaseng sakit? 

Sino naman siraulo ang magdodonate ng puso? Only brain dead people can do that pero alam ko naman na hindi ganoon kadali makahanap ng heart donor dahil dapat compatible din ito kay Mama Sofia.

Nakita kong lumabas si Tito Simon at lumingon sa kinaroroonan ni Daddy.

"Kuya umuwi ka muna at magpahinga ako na muna ang bahala dito." tinapik ni Tito ang balikad ni Dad. Agad naman syang lumingon sa direksyon namin.

"Samahan nyo ang Daddy nyo, bukas nandito na si Papa. You guys need to rest." napalingon ako kay Kuya at nakita ko ito na umiiling lang. Napatingin naman ako kay Daddy na sunud-sunod ang pag-iling neto.

"A-ayoko. Dito lang ako Simon. Gusto kong makitang okay na si Russel, gusto kong makitang mulat ang kaniyang mga mata at nakangiti sa harap natin." walang nagawa si Tito Simon kundi mag buntong hininga nalang.

"Dahil b-baka pag-uwi ko iyon na pala ang huling sandali na makikita ko siya, Simon." kahit mahina lang ang boses ni Daddy pero rinig na rinig ko parin ang mga sinasabi niya. Loud and Clear.

Bigla nalang nanlamig ang katawan ko ng maisip ko ang mga sinabi ni Daddy bigla kaming nanahimik lahat at dina-digest ang mga sinabi niya. Hirap na hirap akong lumunok pag sumasagi sa isipan ko iyon.

Iniba nalang ni Tito ang topic at agad na kami pinapasok sa kwarto ni Mama Sofia at sa isang sofa pinahiga namin si Daddy dahil alam namin na mas pagod sya kaysa sa amin. Dito nalang kami sa monoblock umupo at si Tito Simon naman at naka yuko na sa kama ni Mama Sofia, at di ko namamalayan na nakatulog na rin ako.

Kinabukasan ay maagang umalis si Tito para magpalit ng damit at dalhan na rin ng damit si Daddy. Nag-order nalang kami ng pagkain at hinintay lang ito bago kami umalis ni Dwune, kaya ng makarating ito ay pumunta na kami sa parking lot. Mabuti nalang at nagpasundo si Tito Simon kanina sa driver ni Daddy.

Tahimik lang kaming dalawa ni Kuya papuntang parking lot, wala rin akong lakas para kausapin sya. Alam kong ganoon din siya, snob man siya kung titingnan pero sobrang lambot ni Dwune pagdating kay Mama Sofia. Hindi rin siya nahihiyang umiyak, dahil hindi naman daw nakakabading ang umiyak. Kahit sino sa amin sa pamilya namin, kahit puro lalaki kaming natitira pero pagdating na kay Mama Sofia, iiyak at iiyak talaga kami kahit madaming nakakakita.

Nang makarating kami sa parking lot agad naman kaming sumakay pero nagtataka ako kung bakit hindi pa kami umaalis kaya napatingin ako kay Kuya at nakita kong nakatulala lang siya.

"P-pwede bang ako nalang ang maging Heart Donor ni Mama Sofia?" mahina lang ang boses nya pero rinig na rinig ko  at nagulat ako sa biglang tanong niya.

"Ano bang iniisip mo Kuya. Umayos ka nga." kahit ako naman kung pu-puwede lang i-donate ang puso ko pero hindi pwede. I'm still alive and the doctor won't allow to take my heart and give it to Mama Sofia. 

"Alam mong hindi papayag si Mama Sofia and isa ka walang kompatible sa atin. Yan ang nasisiguro ko." seryosong saad ko.

"Kaya halika ka na kasi maya-maya nandito na si Lolo kaya kailangan natin magpahinga at maging presentable. Baka pagbalik natin gising na si Mama Sofia.

Agad naman niya pinaandar ang sasakyan at agad na kaming umuwi. Nagpahinga lang kami saglit at nag-ayos pabalik ng hospital. Mag alas dos  na ng tumawag si Tito na nandoon na daw sa hospital si Lolo. Doon na daw sya dumiretso kahit alam naming pagod ito sa byahe di niya iyon pinansin at mas inuna pa ang pagbisita ng  hospital. 

"Kuya nasa hospital na daw si Lolo kaya tara na." agad namang nagligpit si Kuya. Hindi na kami nakapasok, kahit pumasok kami wala sa klase ang isip namin at hindi kami makakapag focus. Ayaw nga sana ni Dad na umabsent kami, pero sa huli ay wala din siyang nagawa at hinayaan nalang kami sa gusto namin.

Agad naman kaming nakarating sa hospital, lakad-takbo ang ginawa namin para lang makarating agd sa kwarto ni Mama Sofia. Naabutan namin silang nakaupo, tahimik at nakatitig lang kay babaeng nakaratay sa kama. Kaya maingat na pumasok kami Kuya at dahan-dahang tinungo ang pwesto ni Tito.

"Did he know this already Simon?" noong una hindi ko pa alam kung sino ang tinutukoy ni Lolo. Umiling lang si Tito bilang saogt at nakatuon ang atensyon sa natutulog na si Mama Sofia.

"At kailan nyo balak sabihin sa kanya?" mahinahon lang ang boses ni Lolo at ni minsan hindi ko pa sya narinig na nagalit. Mas pipiliin nalang niyang tumalikod at huwag kang kausapin kaysa makapagbitiw pa sya ng masasakit na salita at pagsisihan niya sa huli.

"Kailangan niya itong malaman Simon. May karapatan siyang malaman." tikom pa rin ang bibig ni Tito, napailing nalang si Lolo sa kanyang inaasal ngayon.

"Demitri, did you know Chrom?" nagulat ako ng tawagin niya ako, nakita ko ang maliit na ngiti sa kaniyang labi. Akala siguro ni Lolo hindi ko pa kilala si Chrom.

Pagbanggit nya ng pangalang Chrom ay nakita ko sa mata niya ang lungkot at pangungulila. Hindi ko masisisi si Lolo dahil ilang sandali lang naman niya nakasama ang apo niyang iyon.

"Lolo, hindi ka ba galit sakanya?" ngumiti muna sya sa akin at tiningnan si Mama Sofia bago ako sinagot.

"Hmm, sa totoo lang galit ako pero mas higit ang pagmamahal ko kay Chrom. Gustuhin ko man magalit pero mas nanaig ang pagmamahal at pagpapatawad ko sa kanya. Apo ko yun eh." pag sabi niya ng Apo ko yun eh  biglang lumitaw ang imahe ni Mama Sofia na sinasabing Anak ko yun eh. Napangiti nalang ako, mag-ama nga sila napakabusilak ng puso nagmana nga si Mama Sofia kay Lolo at Lola na nakapabait.

Kaya napaisip ako kung mabait sila pero bakit mainitin ang ulo ko minsan? Saan ako nagmana? Sa Mommy ko ba? Pero naaalala ko  ang ginawa ni Dad kagabi napangisi nalang ako. Siyempre mainitin din ang ulo ni daddy minsan at sa kanya ako nagmana. 

"Kailangan malaman ito Chrom, Demi. Ikaw na ang magsabi sa kanya maliwanag ba?" tumango nalang ako.

"Anak pa rin siya ni Sofia. At alam kong sya lang ang makakatulong sa atin na pilitin si Sofia na tanggapin ang alok ng Ina ni Ellise." pagbanggit ni Lolo sa pangalang Ellise ay agad naman niyang tinignan si Tito Simon na ngayon nakayuko lang at narinig kong sumisinghot siya.

Ellise? I think narinig ko na ang pangalang iyan.

"Tito Simon's fiancée" bulong ni Dwune sa akin at agad namilog ang mga mata ko sa narinig ko. Rinig ko ngang ilang buwan na itong comatose dahil sa car accident. Naaawa ako para kay Tito Simon, pero mahirap ding pilitin si Mama Sofia. Ilang beses na niya itong tinaggihan dahil ayaw niyang masaktan ang bunsong kapatid nito.

Napapikit ako ng aking mata gusto kong mabuhay si Mama Sofia, pero ayaw kong masaktan si Tito Simon, nanginginig ang bibig ko sa takot, kaba at sakit na nararamdaman ko ngayon. Dalawang tao ang nanganganib ngayon pero isa lang pwede magpatuloy na mabuhay.

"Excuse me."  mahina at basag ang boses ni Tito Simon, tumango lang si Lolo kaya agad namang lumabas si Tito. 

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita kong nakaupo si Tito Simon sa sahig at nakasandal sa pader nakapatong ang kamay sa kanyang isang tuhod habang nakayuko at umiiyak. Ang sakit nito para sa kanya, kung kinakailangan hindi na siya mamili at makahanap ng ibang donor. Pero alam kong napaka impossible itong mangyari dahil hindi sa lahat ng pagkakaton na mayroong nako-comatose ay compatible na maging heart donor kay Mama Sofia.

Si Chrom na nga lang ang kailangan namin para mapilit si Mama Sofia, I'm sorry Tito Simon.

------------------------



Di ako sigurado kung 4 or 3 chapters nalang ang natitira. Pero I'm pretty sure malapit na po itong matapos. Kasi dapat short story lang talaga ito eh nasa 5 or 6 chapters lang pero napahaba ko kahit konti.

Seriously, people come and go. Kahit pamilya natin, makakasama man natin sila ng ilang taon nakasabay lumaki pero soon enough kailangan din maghiwaly. Kailangan nila/natin tahakin ang landas na pinili natin na magkahiwalay.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon