Chapter 5

2.2K 75 15
                                    

DEMITRI POV

Ilang linggo din ang nakalipas na akala ko mawawala na si Mama Sofia sa amin, yung kaba ko sa sobrang takot at nanginginig na ako. Mabuti nalang sa mga sumunod na araw ay nagiging maayos na ang kanyang lagay. Kaya heto kami ngayon inaalalayan siya dahil lalabas na sya ng hospital. Pero napaiwas nalang ako na ang unang-una nyang gagawin ay dadalawin si Chrom, bakit ganoon Mama Sofie kahit itaboy ka na ng anak pero mahal na mahal mo pa rin ito? Gusto ko syang pigilan pero ayaw kong maging malungkot siya ng dahil sa akin.

"Naligpit ko na ang lahat Kuya." nginitian ko lang si Mama na nakaupo sa wheelchair at si Kuya ang nagtutulak sa kanya.

"Magpahinga ka muna Mama Sofia bago ka makabalik sa Ampunan, okay lang po ba iyon? Alam kong mahal mo ang bahay ampunan, dahil ipinatayo mo iyon eh." nakangiti kong sambit sa kanya.

"Maliwanag po soon to be Doc. Demitri Corpuz" natatawa niyang sagot. Kaya napailing nalang ako nakita ko naman na nakangiti si Kuya, pero halata pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. 

Pagkauwi namin ay iniwan muna namin sya sa kusina kasi gusto niya daw kumain, nakakalakad naman si Mama Sofia dahil sa OA lang kami ni Kuya kanina dahil ayaw namin siya mapagod. Nang masiguro namin na kumakain na siya ay agad kaming dumiretso ni Kuya sa garden, napaupod ako agad sa may damuhan na parang hinang-hina na.

Tumingala ako at agad na tumingin sa mga bulalak na inaalagan ni Mama Sofia, hindi man siya imported na mga bulalak pero ang ganda tingnan. Bougainvillea napa maintain ang trim neto ang taba ng puno niya. She really love the bougainvillea dahil may iba't iba itong kulay, mayroon din yung bonsai.

"Bakit ganoon Demi? Gusto ko ng ilayo si Mama Sofie pero ayaw ko naman siyang maging malungkot ng dahil sa akin." napatawa ako dahil pareha pala kami ng iniisip ayaw namin masaktan o maging malungkot si Mama Sofia ng dahil sa amin.

"Ang sakit-sakit Demi, ayaw kong mawala sa atin si Mama Sofie pero hindi ko naman siya mapilit na magpa-opera." yumuyugyog ang kanyang balikat hudyat na umiiyak na siya. Huminga lang ako ng malalim. 

"Wala tayong magawa kuya, kahit gustuhin natin siyang ilayo sa anak niya. Babalik at babalik pa rin siya kuya. Anak niya iyon eh. Nag-iisang anak na iniluwal ni Mama Sofia." yumuko nalang ako mapaklang ngumiti sana siya nalang ang Nanay namin ni Kuya, kaya naiinggit ako kay Chrom dahil sobrang mahal na mahal siya ni Mama Sofia, pero kami hindi man lang kami magawang dalawin ng ina namin, kahit na araw-araw kaming nagbibilin ng message sa skype, email or ig niya ay wala kaming natatanggap na mensahe pabalik.

"Gusto kong maghigante sa pamilya nila Kuya, inilayo nila si Chrom kay Mama Sofia at na brainwash ng matindi. Pero alam kong hindi solusyon ang paghihigante at ayaw na ayaw iyon ni Mama Sofia." malungkot na sabi ko at ilang sandali lang ay naging tahimik na kami dalawa ni Kuya.

-

Pagkatapos ng klase ko aya agad na akong lumabas ng building dahil nabasa ko message ni Mama Sofia na nagpapapsama ito na pumunta kami ng Mall dahil mayroon daw siyang bibilhin. Papunta na akong parking lot ng may nakita akong nagkukumpulan, kumunot lang ang noo ko ng makita ko kung sino yung taong napapalibutan Chrom.

Pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagtulak ni Chrom kay Mama Sofia na siya ang  ikinaupo niya sa sahig at alam ko na malakas ang pagkakatulak nya dahil rinig ko ang lagapak neto mula sa kinaroroonan ko. Agad akong napatakbo papunta sa kanila.

"Huwag mo akong yakapin, pumayag lang akong makasama ka dahil na rin sa hiling ni Daddy dahil kahit papaano naman daw ay ikaw ang nagluwal sa akin. Hanggang ngayon ba naman lumalapit ka pa rin kay Daddy?"

Nakita kong hinawakan ni Mama ang dalawang kamay ni Chrom at inilagay iyon sa kanyang noo habang humihingi ng tawad. 

"Patawad Chrom, patawarin mo si Mama Chrom." binilisan ko ang pagtakbo ko at alam kong tumutulo na ang luha sa aking mga mata. Nang makarating ako ay agad ko siyang itinayo at inilayo kay Chrom.

"Hah! Nandito na ang bastardo mong anak." agad siyang tumalikod pero bago sya makahakbang paalis, "NAPAKA WALANG KWENTA MONG ANAK!" sigaw ko sa kanya kaya napahinto sya at agad akong hinarap.

"Edi ikaw na ang may kwento." walang emosyon ang kanyang mga mata.

"Hindi ako anak ni Mama Sofia. At kung hindi mo alam, pinsan kita." matigas kong sabi sa kanya, nakita ko na parang natigilan siya pero hindi ko na ito pinansin dahil inalalayan ko na si Mama Sofia dahil hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ito.

Hindi na kami natuloy pumunta ng Mall dahil na rin sa nangyari kanina, inuwi ko na agad si Mama Sofia para makapagpahinga siya. Pagpasok ng bahay ay nagulat ako dahil nandito si Tito Simon, nakauwi na pala siya.

"Anong nangyari kay Ate?" tanong niya, nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba sya. Pero nakita kong nandidilim ang kaniyang mukha dahil matagal bago ako sasagot sa kanya.

"Demitri" seryosong tawag niya sa akin. Nakakatakot magalit si Tito Simon, dahil pareha namin ay mahal na mahal niya rin si Mama Sofia.

"Tinulak po sya ni Chrom." mahinang sagot ko.

"HAH?" di makapaniwalang sagot niya 

"So nagiging Angeles na din ang ugali ng magaling kong pamangkin?" puno ng pang-uuyam niyang sambit.

Mabuti nalang ay agad nakatulog si Mama Sofia, kaya matapos ko syang halikan sa kanyang noo ay agad akong bumaba at naabutan ko si Tito Simon na nakayuko pero ng makalapit ako ay napansin kong yumuyugyog ang kanyang balikat at mahinang nagmumura.

"T-tito." tawag pansin ko sa kanya, agad siyang nag-angat ng tingin at tama nga ako umiiyak si Tito Simon.

"Hindi dapat nagsu-suffer ng ganito si ate eh. She's too kind--" hindi na niya matuloy ang sinasabi niya dahil sa emosyon na nilalabas niya ngayon.

Dad, Mama Sofia and Tito Simon, they're too kind pero lagi nalang silang sinasaktan ng taong minamahal nila. Ang hirap ba mahalin ang isang Corpuz? 

"Gusto kong bugbugin ang napakagaling na pamangkin ko, at ilayo si ate sa kanya. Pero hindi ko kaya. Sobrang mahal na mahal ko si ate para saktan pa sya."

"Alam mo naman tito na iyon ang huling hiling ni Mama Sofia...." bulong ko at sapat lang na marinig niya, nakita ko naman na tumatango siya. Dahil alam ko na nabasa rin iyon ni Tito Simon sa Wishlist ni Mama Sofia.

"I want to spend my remaining days together with my son." 

RegretWhere stories live. Discover now