Special Chapter

1.7K 59 8
                                    

SIMON CORPUZ POV

Ayan iyong gustung-gusto kong makita ngayon ang masayahing Sofia Russel Corpuz-Angeles. Ang sarap lang panoorin na nakakangiti na sya ngayon kasama ang kanyang anak at wala ng iniindang sakit.

I am just here sitting while watching them playing with the kids, my Papa, nephews, brother and especially my sister. I love watching them so happy despite of what we've been through this past years or most probably last month. 

At eto na nga naalala ko na naman ang tagpo naming pamilya noong nakaraang buwan pero mukhang dadalhin ko na ito habang buhay. Wala na rin naman siguro ako sa tamang wisyo noon kasi patong-patong na ang problema ko.

Nakayuko lang ako noon habang kausap si Papa, narinig namin kanina ang pag-uusap ni ate at Chrom. Masaya ako oo pero malungkot din at the same time, ayaw kong isuko ang babaeng mahal ko. Kahit ngayon lang gusto kong maging selfish pero pag naaalala ko si ate na umaasang madudugtungan pa ang kanyang buhay. Ang sakit-sakit para na akong mababaliw neto dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Kinabukasan ay binista ko si Ellise nasa iisang hospital lang silang dalawa ni ate kaya madali ko lang siyang bisitahin. Umupo ako sa tabi ng kanyang kama at pinagmasdan siya ng mabuti nangangayayat na sya pero maganda pa rin ang kanyang mukha at napakaamo. 

"It's been months na nakahiga ka lang dyan love, hindi ba sumasakit likod mo? Gusto mo ba massage kita pagka gising mo? O ipagluto kita ng  favorite dish mo?" nakangiti lang ako habang tinatanong iyan sa kanya na alam ko namang wala akong makukuhang sagot.

"I can't wait to see you wearing your dream wedding gown love and walking the aisle." tumulo na ang luha ko na agad ko din namang pinunasan.

Nagulat akong gumalaw ang daliri ni Ellise, hindi lang isang beses pero dalawang beses itong gumalaw kaya tumawag na ako ng doctor. Chineck lang niya ang vital signs niya pero ang sabi ng Doctor ay stable naman sya and its a good sign na daw iyon na gumalaw ang darili ni Ellise. Hintayin nalang daw namin kung kailan siya gigising, kasi hindi daw nila alam kung kailan talaga ito magigising. Nagpasalamat lang ako sa kanya at agad ko ng tinawagan ang mga magulang ni Ellise tuwang-tuwa sila sa narinig na balita kaya agad-agad silang pumunta dito sa Hospital.

"Salamat sa Diyos." pagpapasalamat ng ama ni Ellise.

"P-pero paano na ang kapatid mo Simon? Pasensya na at i-aatras na namin ang pagdonate ng sa kanya." ani ng ina ni Ellise at bigla nalang syang umiwas ng tingin sa akin. 

"Naiintidihan naman kita Tita... kahit ako po hindi po ako sang-ayon kahit noong una pa lang." sinserong pag amin ko sa kanila, narinig ko ang pagsinghap nilang dalawa.

"P-Paano mo nasasabi iyan sapagka't buhay ng kapatid mo ang nakasalalay."

"Mahal ko po ang anak niyo Tita. Mahal na mahal ko si Ellise. Hindi ako nawawalan ng pag-asa noong una palang dahil alam kong gigising sya." tumutulo na ang luha ko.

I'm sorry Ate alam kong naiintindihan mo ako.

Niyakap ako ng mga magulang ni Ellise at niyakap ko din sila pabalik. Nagkwentuhan lang kami sandali at umalis na ako kasi kailangan ko sabihin ito kina Papa as soon as possible.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Papa ang disappointment pagkatapos kong sabihin sa kanya na hindi na itutuloy ang pagiging donor ni Ellise kay ate.

"P-Papa please understand, g-gumalaw sya kanina. Papa gumalaw ang daliri ni Ellise kanina, may pag-asa pang magigising siya." masayang balita ko ko sakanya pero hindi ko nakitaan kahit anong saya si Papa matapos kong sabihin iyon.

RegretWhere stories live. Discover now