Chapter 9

2K 60 33
                                    


Nakaupo lang ako dito sa isang bench pero tanaw ko pa rin naman ang tennis court kung saan naglalaro si Chrom. Ito ang last day ng Foundation Week ng University, kahit paano naman naging okay naman na ang pakikitungo ni Chrom sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero nagpapasalamat ako, mailap pa rin naman siya sa akin pero hindi na niya ako tinutulak hindi katulad ng dati.

Okay lang sa kanya na manood ako ng mga laro niya pero huwag ko lang daw sya lalapitan, hintayin ko lang daw na sya mismo ang lumapit sa akin. Sabik na sabik na akong mayakap si Chrom, gusto ko maging katulad ng ibang ina na naipapakita nila kung gaano sila ka proud sa kanilang anak. Gustuhin ko man pero ayaw ko ng mas magalit pa sa akin si Chrom.

Naalala ko na naman ang tagpo nina Chrom at Demi noong unang araw ng Foundation.

Flashback

"Mama Sofia, sumusobra na iyang Chrom na yan." galit na ani ni Demi

"Pagpasensyahan mo nalang ang pinsan mo Demi." nakangiti kong ani sa kanya.

Nakita ko nalang na napahilamos ng mukha si Demi dahil sa sobrang inis, malungkot akong ngumiti habang pinagmamasdan sya.

"Hahayaan? Hindi ka niya sinasaktan physically but emotionally. Ma naman, alalahanin mo naman ang kalagayan mo." bigla nalang syang sumandal sa pader at dahan na dahan na napaupo.

Kaya dinaluhan ko nalang si Demi at niyakap sya. "Mama Sofia, gusto ka pa po namin makasama ng matagal, ginagawa naman po namin ang lahat para mapahaba pa ang buhay mo eh. Pero sa nakikita po namin parang ayaw mo ng lumaban eh. Gusto mo nalang talaga ilaan ang mga natitirang oras mo kay Chrom." nanghihina ng sabi at doon ko naramdaman ang pag-iyak niya.

"Pasensya na Demi. Patawarin mo si Mama Sofia ah?"

"Mama Sofia huwag naman ganito oh, iniwan na nga kami ng totoo naming ina tapos mawawala ka rin?" mahinang tanong niya habang umiiyak.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi at tumingin sa kanyang mga mata na puno ng luha "Hindi ako mangangako pero lalaban ako." paninigurado ko at bahagyang ngumiti.

Masakit para sa akin na iwan sila, pero hindi pa naman ako sumusuko eh lumalaban pa ako ayaw kong masayang ang effort nilang tulungan ako lalong lalo na ang mga kapatid ko. Sila ang gumagawa ng paraan para mapagaling ako kahit alam kong malabo na.

End of Flashback

Napapitlag nalang ako ng may pares ng sapatos sa aking harapan kaya napatingin ako sa nagmamay-ari neto at doon ko nakita ang malamig na titig ni Chrom sa akin. Agad naman syang umalis pero agad ko din naman sinundan kung saan sya pupunta.

Nakarating na kami sa parking lot at agad nyang binuksan ang pinto ng passenger seat nagulat man ako ay ngumiti ako sa kanya at agad na sumakay di nagtagal ay umalis na kami ng University hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ng mapatingin ako sa daan ay alam ko na kung saan kami patungo.

Inalis ko ang sandals na suot ko at dinamdam ang lamig ng buhangin sa dalampasigan, naglakad lakad ako. Ang sarap talaga ng simoy ng hangin dito sa dagat lalo na't papalubog na ang araw.

Napangiti nalang ako dahil parang ito na yung lugar na lagi naming pinupuntahan tuwing mag-uusap kami ng masinsinan na kami lang dalawa, nakasanayan na rin siguro. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko syang nakatingin lang sa dagat at sa araw na palubog na .

Kaya tinungo ko ang kanyang kinaroroonan at tahimik na tumabi sa kanya na pinagmasdan ang papalubog na araw. Pero nabigla ako ng niyakap niya ako at ang luha ko agad namang nagsilabasan. Nakatulala pa rin ako dahil sa pangyayari at hindi ko inaasahan na yayakapin ako ni Chrom. Agad ko naman syang niyakap ng mahigpit at dinamdam ang init ng yakap niya sa akin.

"Five minutes, let me hug you. Please" mahinang ani niya. 

Makalipas ang limang minuto ay agad din syang humiwalay sa yakap at bumuntong hininga habang nakatingin ulit sa alon ng dagat.

"Alam mo bang matagal ko nang hiniling ng kompletong pamilya?" narinig kong napatawa siya.

"Syempre hindi. Hindi mo alam, kasi wala ka."

"Pasen---" naputol ang sasabihin ko ng magsalita sya ulit.

"Minsan na akong nagmakaawa sayo noong bata ako na bumalik ka na sa amin. Pero anong sabi mo? Soon?  Punyetang soon yan." agad syang tumingin sa akin at kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mata.

"Kompletong Pamilya lang naman eh iyon lang. I begged Lolo na sa iyo lang ako and also dad begged to him. We begged Ma." huminga muna sya ng malalim

"Unti-unti ko na rin natanggap na hindi na ako magkakaroon ng kompletong pamilya. Unti-unti ko na rin napatunayan yung mga sinabi ni Lolo na hindi mo nga talaga ako mahal. Dahil kung bumisita ka ilang buwan bago masundan." mapakla syang natawa sa kaniyang sinabi.

"And Tita Trisha came, she was there sa mga panahon na kailangan na kailangan ko ng ina. Ang saya-saya ko kasi may bago akong Mommy na kaya akong mahalin at hinding-hindi ako iiwan." 

Ang sakit marinig ang mga hinanakit ni Chrom, alam ko naman na may pagkukulang ako bilang isang ina niya. Hindi ko naman ginusto na hindi makadalaw sa kaniya palagi, kung hindi lang sana dahil sa sakit ko nakakadalaw pa ako kay Chrom noon.

"Akala ko magkakaroon na talaga ako ng buong pamilya, pero panibagong problema na naman at sangkot ka naman." tumingin ulit siya sa akin at mapaklang ngumisi.

"Hindi makasal-kasal si Tita Trish at Daddy dahil kasal pa kayo. Nasabi ko nalang sa sarili ko, Ahh pinanganak nga talaga akong malas. Munting kahilingan ko hindi matupad-tupad."

"Pero alam ko kung ano 'yong mas masakit? Yung nalaman kong mahal na mahal ka pa rin ni Daddy at hinding-hindi niya kayang makipag-annul sayo." napayuko nalang ako sa mga narinig ko.

"Akala ko maayos na, okay na ako pero eto na naman nagparamdam ka na naman. Yung galit na itinago ilang taon nabuhay ulit at nagflashback lahat sa isip at puso ko iyong mga pinagdaan ni Daddy."

Hindi ko na kayang nasasaktan si Chrom kaya agad ko syang niyakap naghintay ako ng ilang segundo baka kasi itulak niya ako pero nagulat ako ng hinayaan niya lang akong yakapin ko sya.

"I'm sorry... Champ." yan lang kayang kong banggitin kahit gusto kong marinig niya rin ang side ko pero parang mayroong bumara sa aking lalamunan.

Nagpalipas muna kami ng ilang minuto, tahimik kaming dalawa at medyo may space na ang pagitan namin. Pero ayos lang dahil kahit papaano ay narinig ko ang kanyang mga saloobin. Dahil ang simpleng hiling niya ay hindi ko kayang maibigay sa kanya kahit kailan dahil na rin sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"Tara na ihatid na kita pauwi." pag-aaya niya.

Gusto ko man tanungin sya kung bakit naging mabait siya sa akin pero mas pinili ko nalang tumahimik.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon