Chapter 11

2.3K 67 21
                                    

DEMITRI POV

Mayroon akong naririnig na nagsisigawan sa labas kaya sinilip ko sa bintana kung anong meron at doon nakita ko sina Mama Sofia at Tito Simon na may kausap na isang lalaki, parang familiar ang lalaking iyon kaya tinutukan ko ng mabuti at parang kamukha ni Chrom. Dahil sa dakilang chismoso ako ay bumaba ako at lumabas ng bahay at naabutan ko nalang na nakaluhod yung lalaki.

Mas nabigla ako ng makita si Daddy na hinugot nya ang kwelyo noong lalaki at sinuntok kaya nakabulagta ito sa sahig ngayon, pero ang mas na ikinagulat pa namin ay ang biglang pagsulpot ni Chrom at agad na inalalayan ang lalaki.

Narining kong tinawag ni Mama Sofia si Chrom at nanginginig ang boses nya habang tinatawag ito lumingon lang si Chrom at itinaas ang kanyang kamay na nagpapahiwatag na wag na magsalita. 

Pero napalingon ako kay Daddy ng sumingit ito pero agad na naputol ang sasabihin niya ng lumingon si Chrom kay Daddy na walang emosyon ang kanyang mga mata at sobrang lamig ng kanyang titig.

Nakita kong kinuyom niya ang kanyang kamao pero parang nagpipigil lang sya ng galit niya. Nanonood lang kami sa ginagawa niya at may tinawagan ito at ilang sandali lang ay nakita namin ang isang lalaki na inalalayan ang Daddy ni Chrom at mukhang driver nila ito. Hanggang sa umalis na yung sasakyan nila ay nanonood nalang si Chrom doon sa sasakyan hanggang sa mawala ito sa aming paningin.

Nakita kong lalapit si Mama Sofia kay Chrom pero umaatras lang sya at ng tumingin sa sa gawi namin ay kitang-kita ang galit sa mga mata niya. Agad na siyang tumalikod pero ang hindi ko inaasahan ay hinawakan ni Mama Sofia ang braso ni Chrom.

"...please, not now. please." narinig kong sabi ni Chrom at bakas sa boses niya ang pagtitimpi.

Agad niyang hinablot ang kanyang braso at medyo napalakas ang pagbawi niya sa braso niya kaya medyo napa out balance sya kaya inalalayan ko sya. Nakita kong napahinto sandali si Chrom at lumingon sa gawi namin at kita ko ang gulat sandali sa kanyang mata pero agad naman syang umalis.

Inalalayan kong pumasok si Mama Sofia at pinaupo sa sofa at doon na bumuhos ang kanyang luha, pinapatahan naman siya ni Tito Simon.

"B-baka n-nagalit na si C-chrom ulit sa akin." ani niya habang umiiyak.

"O-okay na sana kami eh. N-ngumiti sya sa akin kanina." nagulat ako ng sabihin niyang ngumiti sa kanya si Chrom.

"Nag-oopen up sya kanina sakin." tumingin siya sa amin at pinalaki ang mga mata niya para paniwalaan namin ang sinasabi niya. Akala niya siguro nagdududa kami, pero ng tumingin ako kina Dad at Tito nanlaki ang kanilang mga mata. Kaya siguro pinipilit niya kaming maniwala sa kanya. Naniniwala naman kami eh, sa lahat ng sasabihin niya ay naniniwala kami. Pero napapansin kong nahihirapan ng huminga si Mama Sofia kaya agad ko siyang dinaluhan para huminahon sya.

"Mama Sofia, huminga ka po ng malalim, please." kinakabahan kong sabi sa kanya.

Pero mas lalong nanlaki ang mga mata namin ng bumulagta nalang sya sa sofa na parang hindi na humihinga. Agad-agad naman siyang binuhat ni Tito Simon  at agad na isinakay sa sasakyan.

"Russel." tawag ni Dad kay Mama Sofia.

"Russel Hang-on okay." natataranta na kami halos hindi na maipasok ni Dad ang susi sa engine kaya napahampas siya sa manibela. Agad namang sumulpot si Kuya Dwune na seryoso ang mukha.

"Ako na magmamaneho Dad, baka mapano pa kayo." agad namang tumango si Dad agad akong sumakay sa passenger seat kasi lumipat si Dad sa likod kung nasaan si Mama Sofia at Tito Simon.

Agad kaming umalis at medyo mabilis ang pagmamaneho ni Kuya Dwune nakita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi niya.

"R-russel, p-please. H-hang on." narinig kong tawag ni Dad and bakas sa boses niya ang basag na basag na ang kanyang boses.

Lumingon ako sa likod at doon ko nakita si Dad na umiiyak na nga, niyuyugyog ni Tito Simon si Mama Sofia.

"S-Sofie... S-sofia, wag kang b-bibitaw. Please." ang sakit makitang umiiyak sina Dad at Tito Simon.

"A-andito lang si K-kuya, Russel. Wag kang bibitaw. Di k-kaya ni Kuya... p-please" hawak-hawak ni Dad ang mga kamay ni Mama Sofia habang sinasabi n-niya iyon.

"... p-please, Sofie" pagmamakaawa ni Tito Simon.

Narinig kong suminghot si Dwune at mahinang nagmumura kaya napahilamos nalang ako ng mukha ko. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Hospital agad namang lumabas sina Tito at agad na ipinasok si Mama Sofia sa loob. Hindi muna ako bumaba pinasok muna ni Dwune ang sasakyan sa parking lot.

Nakita kong yumuko si Dwune at yumuyugyog ang kanyang mga balikat at naririnig ko rin ang kanyang mga hikbi. Napabuntong hininga nalang ako at pinilit na huwag tumulo ang aking mga luha. At eto na nga bumigay na siya, alam kong kanina niya pa pinipigilan ang umiyak kasi ayaw niyang mataranta at maging mahina sa harap nina Daddy.

Hinampas hampas niya ang manibela at narinig ko ang malulutong na mura niya. Tinapik ko lang ang kanyang likod at hinagod at hinayaang umiyak.

"B...bakit?--" hindi niya matuloy-tuloy ang kanyang sinasabi kasi pati ako hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o isasagot ko kasi kahit ako gulung-gulo na rin sa mga nangyayari.

"B-bakit ba itong n-nangyayari sa atin? B-bakit s-si M-mama Sofie pa?" mahinang tanong niya, kahit ako kuya Dwune hindi ko alam.

Gustung-gusto ng kumuwala ng mga luha sa aking mga mata kaya tumingala ako para pigilan ito, hindi ang oras para maging mahina kailangan maging malakas kami para kay Mama Sofia. Kailangan niya ng suporta namin, kinagat ko ang ibabang labi ko kulang nalang mapunit ito dahil sobrang diin nito sa sobrang pagpipigil ko. 

"Kailangan na nating puntahan sina Daddy at Tito Simon, kuya." anyaya ko sa kaniya kaya agad kong tinapik ang kanyang likod. Hinintay ko lang siyang ayusin ang kaniyang sarili bago kami sumunod sa loob.

Pumasok na kami agad mabuti nalang tumuwag si Tito Simon at sinabi niyang nasa emergency room sila ngayon at maya-maya daw ay ililipat na si Mama Sofia sa private room at sinabi niya ring maghintay muna kami sa lounge. Pag nakalipat na si Mama Sofia sa kwarto niya ay doon nalang daw kami didiretso.

Napaupo nalang ako at tumingala pero agad ko namang nilingon ang kinaroroonan ni Kuya at ayun nga nakayuko sya. Ilang sandali lang ay nagtext na si Tito na nasa Room 218 ang kwarto ni Mama Sofia, tumayo na ako at tinapik si Kuya Dwune at agad na sumunod sa akin.

Pagkarating namin doon nakita namin ang maputla at natutulog na si Mama Sofia pupunta na unta kami ni Kuya sa tabi ng kama niya pero agad kaming pinigilan nina Tito at Daddy na agad kaming inaya na lumabas muna. 

Agad naman kaming lumabas na apat, nakita ko ang lungkot sa mga mata nila. Umupo muna kaming dalawa ni Kuya kaharap sina Tito. 

"Pinaalam ko na kay Papa ang nangyari kay ate." mahinang ani Tito, nakita ko lang na nakayuko si Dad

"At ang sabi ng Doctor, we need to be prepare ourselves for the outcome if hindi niya pa rin tinatanggap ang ang inaalok sa kaniya. Sobrang lala na masyado ang kalagayan niya kaya ang..."

Nanlamig kami sa narinig namin kay Tito iyon nalang ba talaga ang kailangan pero hindi namin alam kung may possible donor ba nito kay Mama Sofia.

"... heart transplant nalang ang solution natin."

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon