Teaser

3.6K 65 4
                                    


"Champ kain ka na, nagluto si Mama para sa'yo." ani ko sa anak ko. Pero agad siyang umalis at pumunta sa sofa at doon pinagpatuloy ang kaniyang paglalaro.  Kaya agad akong lumapit sa kaniya.

"Gusto mo ba maglaro muna tayo? Ano ba gusto mong laruin? Hmm?" tanong ko sa kaniya at agad niya akong nilingon pero kita ko sa kanyang mga mata ang pagka disgusto na nandirito ako.

"Gusto kong maging Mommy si Tita Trisha, kasi kaya niyang magdrawing, samahan ako manood ng sine, magbake for me at higit sa lahat samahan ako sa school." agad akong napatigil sa aking kinaroroonan at napalunok. Ngumiti ako sa kaniya kahit alam kong nanginginig na 'yong kamay ko dahil parang iiyak na ako. 

"Andito na ako ngayon, kaya ko rin gawin iyon Champ. Halika---" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya. 

"I hate you. Ikaw ang naging dahilan kung bakit gabi-gabing umiiyak si Daddy. You made my dad brokenhearted. I will never forgive you. Ever. Remember that." sobrang lamig ng boses niya pagkasabi niya noon. Nawala iyong ngiti ko sa aking labi at kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang aking hikbi.

"Get lost." pahabol niya at agad niya akong tinalikuran. At doon na ako napaluhod at umiyak ng umiyak, naramdaman ko ng sumasakit ang aking dibdib kaya agad kong kinuha ang gamot na mayroon ako, pero palinga-linga muna ako bago ininom ang aking gamot.

Chrom, anim na taong gulang ka palang pero ang sakit-sakit marinig galing sayo ang mga salitang binitawan mo, pero kahit ganoon ay Mahal na mahal kita Chrom Russell Angeles. Tumingala ako at napangiti ng mapait, gusto ko lang naman makasama ang anak ko pero bakit ganito? Masaya naman kami dati pero bakit naging ganito? Iyak lang ako ng iyak dito sa labas ng subdivision kung saan ang bahay ng mag-ama ko.

RegretWhere stories live. Discover now